chapter 59

1 0 0
                                    

Magkaiba kami ng sasakyan na ginamit pauwi Kaya di kami magkasama magkaibigan pauwi

Hapon na Nung nakauwi kami ni kuya sa bahay, dahil nagpa lipas kami ng Gabi sa condominium niya, sila ricel naman ay pinagpapalipas din ng Gabi sa isang hotel at si kuya na Ang nagbayad. pagkapasok na pagkapasok ko  sa bahay ay Wala akong pinansin kahit ni isa, dumeritso ako sa kwarto ko at duon binuhos Ang lahat ng sakit na pinipilit Kong pigilan kanina pa

Iyak ako ng iyak habang iniisip Ang mga Mukha at mga lumuluhang Mukha ng mga Kaibigan ko

Yung mga Mukha ng Kaibigan ko kanina Yung mukhang gusto nila akong lapitan habang papalabas kami sa hotel, pero di ko sila pinansin dahil sinanay ko na Ang sarili ko para  Hindi masyadong masakit pag tuluyan na akong umalis.

Habang umiiyak ako ay napansin Kong may nakausling parang isang puting envelope sa bag na dala ko, Kaya tumayo ako at linapitan iyon

Ito pala Yung bigay ni gello na envelope, na Ang Sabi ay kapag naka uwi na ako Saka  ko lang babasahin

Pinunasan ko Ang luha ko at bahagyang inayos Ang buhok na naka harang sa Mukha ko, dahan dahan Kong binuksan Ang isang envelope

Ng tuluyan ko ng mabuksan ay kinuha ko na lahat ng nasa loob nito at nilatag sa kama. Naikunot ko Ang nuo ko ng makitang litrato Ang nakalagay sa envelope, kinuha ko Ang mga litrato at inisa isang tiningnan

At awtomatiko akong napangiti ng makitang picture naming lahat ito, kailan niya ito kinuhanan?

may litrato nung una naming pagkikita Yung tumatakbo ako dahil late na, meron ding litrato nung habang nakipag tawanan ako Kay Helen, meron Yung nasa rooftop ako Kung saan hinalikan niya ak---

Ano ba Yan!

May iba dito na halos ako lang, at Yung iba naman ay Kaming apat

O di Kaya kasama ko Sina Ralph, Kian at Matthew

At Ang litrato na sobrang napangiti ako
Ay Ang litrato naming dalawa ni gello nung magkasama kami sa green garden habang nagtatawanan.

Ng Makita ko iyon ay parang may dumamba sa dibdib ko na rinig ko Ang pag tibok nito, para din akong kinikiliti na parang gusto Kong magwala at tumawa

Ano ba tong nararamdaman ko?

Napansin ko Ang isang sulat Kaya kinuha ko ito at inilapag Ang mga litrato, binuklat ko ito at nakita ko Ang letter na halatang siya mismo Ang sumulat

Pati pagkasulat niya Ang gwapo din!
Ay ano ba Yan!

" I'm not fund of giving letters to someone I like, so if you read this you're special " basa ko sa unang nakasulat

" I don't have a courage to tell you all, but I don't want you to think that I'm coward
So if you are free let's meet in the place Kung saan Kita unang nakita, sa park.
Alas 3 ng hapon" basa ko sa nakasulat

Kaagad Kong tiningnan ang oras 2:58

Aabot pa ako

Kaagad akong tumayo at biglang naisip ko Ang isang bagay. Binuksan ko Ang closet ko at hinanap Ang isang panyo nainis ako ng di ko Makita ito kaagad, ng Makita ko ito ay kaagad ko ng hinablot ito at tumakbo na palabas ng kwarto

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan
Di ko man lang napansin na andon pala silang lahat sa sala, di ko na sila pinansin at tuloy tuloy lang Ang lakad ko. Rinig ko pa Ang pagtawag nila sakin ngunit di ko na sila pinansin pa at kaagad sumakay sa sasakyan ko at pinaharorot na kaagad ito.

I tried calling him but he's not picking up his phone!

" Come on, come on pick it up gello " Ani ko ngunit di talaga siya sa sumasagot gusto ko nalang umiyak

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon