chapter 26

4 1 0
                                    


Naglalakad ako papasok ng Villa, naisipan Ko na maglakad nalang papasok pagkahatid sakin galing Palawan,
Gusto ko lang makapag isip isip, masyado akong ginulo sa mga nalaman ko ngayon galing Kay Lola pering.

Sino si yeliah bakit niya hinahanap si mama
At bakit niya tinatanong Kung ka ano ano ko si lyra

Si kuya kaya, alam niya Kaya Kung sino si lyra? Pero baka malito siya Kasi madaming lyra sa Mundo

Nakakapagod, at nakakalilo sa pag iisip ng sagot Kung sino sino sila
Huminga ako ng malalim at binilisan sa paglalakad

Habang naglalakad ako naramdaman Kong may tao sa likod Kaya nilingon ko ito paglingon ko Wala naman
Pinag sa walang bahala ko iyon at naglakad nalang uli.

Ngunit ramdam ko parin na may tao talaga na sumusunod sa akin Kaya nilingon ko ulit ito sa pangalawang pagkakataon ngunit wala parin akong Makita, Kaya nakaramdam ako ng kakaibang kaba na baka ito na Yung secret admirer ko na palihim akong kinuhanan ng litrato

Itinuon ko Ang tingin ko sa daan at nagiisip na Kung saan ako pupunta ayokong umuwi Kasi baka malaman niya Yung bahay ko, habang naglalakad ako nakikita ko na Ang bahay namin naramdaman ko Rin na papalapit siya ng papalapit

Dahil sa takot ay tumakbo ako at naramdaman ko Rin na tumakbo din siya Kaya dumagundong na Ang tibok ng puso ko sa takot na baka pag na abutan niya ako ay baka ano Ang gagawin niya sa akin,
Papalapit ako sa bahay habang tumatakbo ngunit imbes na pumasok ay nilagpasan ko lang Ang bahay balak Kung iwala siya

Takbo lang ako ng takbo habang hinahabol niya ako ayokong sumigaw dahil baka natutulog na Ang mga tao sa villa,
Takbo ako ng takbo hangang sa napadpad ako sa park, napahinto ako habang luminga linga walang ka tao-tao

Shit rhian seriously? Bakit dito pa na walang ka tao tao? Lumingon ako sa likod ko ng marinig ko Ang yabag ng humahabol sakin

Nakasuot siya ng black hoodie jacket, blue jeans, at sapatos na puting sneakers, naka mask siya at naka black cap

And there I realized this is not the secret admirer, it's a she, babae Ang sumusunod sakin base sa buhok na naka Tali sa likod ng cap niya

" Sino ka bakit mo ako sinusundan? "
Tanong ko sa kanya
Ngunit di siya sumagot naka Tayo lang siya sa harapan ko
" Tell me sino ka? Bakit mo ko sinusundan?! " Sigaw kong tanong Sa kanya, nang biglang siyang humakbang papalapit sakin

" Wag Kang lalapit " sambit ko while stepping backward
Ngunit matigas Ang ulo ng isang ito
Humakbang parin siya ng Isa
" Sabi ng wag Kang lalapit! " Galit Kong sigaw sa kanya

" You scared? " Biglang tanong niya sa akin
" You know lyra I've been waiting to meet you, and thankfully this is what I'm waiting for " she said, napakunot Ang nuo ko sa tawag niya sakin

" I'm sorry miss but you chase a wrong person Hindi ako si lyra " I said with a matter of fact
Don ko lang napansin ang pangalan ' lyra'
Sadya bang iba Ang lyra na hinahanap niya?
Iba Kaya? Paano Kung Hindi?
Aisshh ano ba naman yan rhian malamang madaming lyra sa Mundo noh

" I felt sorry for you, you lived with a wrong name huh " imik niya parin na mas lalong nagpa kunot ng nuo ko
" Wrong name ka diyan rhian Ang pangalan ko at hindi lyra " inis Kong sambit sa kanya

" Lyra Maia tolentino " aniya
" Thanks me soon " she said at nagsimula na siyang tumalikod
" Ah I almost forgot nice to see you lyra, see you next time " she said and walked away leaving me confused

Ano daw? Lyra maia--?? Ano?? Di ko masyadong narinig dahil sa mask na suot niya,
But Ang tanging pumasok sa utak ko ay tinawag niya akong lyra, anong ibig sabihin niya don?

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon