chapter 32

3 1 0
                                    

" Kailan Tayo uuwi sa bahay natin? " Tanong ni Kyla

" After 1 week Sabi ni kuya josh "
Sagot ko naman habang sumisipa sipa ng bato habang naglalakad

Naglalakad na kami sa village namin ginabi kami dahil hinintay talaga namin na mawala Ang araw bago umuwi

" Hayyy boring sa bahay " Ani ni ricel

" Same " nagkatinginan kaming tatlo ng sabay naming sambitin Ang mga katagang iyon

Nagtawanan kaming apat ng mapagtanto na parehas kami ng sinabi

" Ok na Rin Yan nakakasawa naman Kasi mga pagmumukha ninyo " pagbabawi ni helen

Tiningnan namin siya ng naka kunot nuo habang siya naman tawang tawa

" Nakakasawa din pagmumukha mo tanga " Banat naman sa hindi papahuli na si ricel

Tawang tawa kami sa ekspresiyon na nakikita ko sa kanilang dalawa

Kung kanina ay tawang tawa kami ngayon naman ay tikom lahat Ang bibig namin

" Saan kayo galing? " Tanong ni kuya josh habang nasa harapan namin

Nagsisikuhan kami Kung sino Ang sasagot sa tanong ni kuya josh

" Sasagot kayo o tuluyan na talaga kayong di magsamang apat " pananakot ni kuya josh sa amin Kaya biglang nanga taranta Ang Tatlo lalo na ako

God knows Kung gaano ako gustong gusto maka alis dito

" Kuya josh boring na Kasi sa bahay Kaya naisipan namin na mamasyal Hindi naman kami pumunta sa malayo dyan lang naman " sagot ni ricel ng naka Yuko

" Saan kayo galing? " paguulit ng tanong ni kuya ng di niya makuha Ang tamang sagot

" Ah dyan lang talaga kuya josh " sagot naman ni helen

" Saan kayo galing? " pag-uulit pa ni kuya josh
" Di naman kami gumala ng malayo kuya eh " sagot naman ni Kyla sabay tawa ng peke

" I will ask you one last time at kapag di niyo ako sinagot ng maayos pasensyahan tayo, saan kayo galing? " tanong muli ni kuya

" Sa pacaña bridge " sagot ko ng naka Yuko

" Pacaña bridge? Malayo Yun ah " naguguluhang tanong ni kuya
Naka Yuko lang kami
" Di naman malayo Yun eh, Tsaka stress kami lately dahil kakatapos lang ng finals namin, at Wala naman na kaming dapat gawin Kasi graduation nalang hinihintay namin " naka nguso Kong sagot

" Kahit na mga babae pa naman kayo pwede niyo naman kasing sabihin sa akin na gusto niyong mag relax " sermon niya sa Amin
" Bakit papayagan mo ba kami? Mukhang Hindi naman " sagot ko habang nasa malayo Ang tingin

Natahimik Ang lahat at ramdam Kong bahagya akong siniko ni helen at bumulong pa ng " gago "

Sa haba ng katahimikan ay pinutul ito ni helen
" Ahmm mas mabuti pong umuwi na kami kuya josh mag Gagabi na Rin eh " paalam niya
" Hatid ko nalang kayo " presenta ni kuya
" Hindi na kuya josh may susundo po sa Amin, si kuya Zion po " sambit ni helen

" Umuwi na si Zion? Kailan pa? " Curious na tanong ni kuya

Umuwi na pala Yun? Zion is Helen's cousin and also kuya josh's best friend
Balita ko Kay Helen na may gusto yon sa akin, pero Ewan ko Kung totoo ba Yun I don't take it seriously though.

" Ah oo kuya kahapon pa " tsaka pekeng tumawa siguro dahil sa awkward na pangyayari kanina

Di nagtagal ay may narinig na kami ng bosena sa labas

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon