chapter 58

0 0 0
                                    

Habang naglalayag kami pauwi ay Ang tahimik ng paligid, walang sino man Ang nag-uusap

Ako nasa gilid lang nakatanaw sa dagat
Hindi ko alam pero, parang handa na akong umalis, napapalagay na Yung puso ko na nasabi ko na sa kanila Ang totoo.

Masaya ako na nakilala ko sila
Ricel Craige montefalco, Kyla Rica lee, at Ang Helen saavedra

Pero syempre nagpapasalamat din ako sa mga boys sina Matthew grey, Ralph Marcus, at Kian saison tsaka syempre si gello haramyez.

Marami akong natutunan habang kasama sila, Hindi lang katarantaduhan Ang natutunan ko kundi pati na Rin sa Kung paano maging matatag sa isang sitwasyon, kung paano mag tulung-tulungan sa araw ng pangangailangan

Sa kanila ko naramdaman Ang pagmamahal ng isang pamilya, sila Yung naniwala sa akin, sila Yung nagpapatawa sa akin.

Andyan sila nung araw na na lock ako sa old building, andyan sila nung na kidnap ako. Kung papipiliin man ako ng Kaibigan, sila at sila parin Ang pipiliin ko.

Habang palapit na palapit kami sa dalampasigan ay may nakikita akong mga tao, medyo kinabahan ako

Bakit may tao?

Ng makalapit na nga kami sa dalampasigan ay Doon ko naaninag Ang mga tao at sobra akong nagulat Kung sino sino sila

" Kuya? Anong ginagawa ninyo dito? " Tanong ko, sinalubong niya ako na may dalang towel, pinulupot niya sa katawan ko Ang towel, kahit naguguluhan ay hinayaan ko siya sa ginagawa niya

" Kuya? Bakit anong meron? " Tanong ko pagkatapos niya akong balutin ng tuwalya " aalis na Tayo " he said
" What?! Akala ko ba pagkatapos ng outing ko tayo aalis? " Naguguluhan Kong tanong
" I'm sorry Maia pero papalapit na sila ng papalapit sa atin Hindi na pwedeng patagalin hanggat maaga pa ay makalayo ka na " he said Saka ako akmang hihilahin, pero nagmatigas ako

" No kuya Ang usapan ay usapan " pagmamatigas ko
" Maia, Kung mananatili ka dito ay masusundan at masusundan ka. At Hindi Ikaw kaagad Ang target nila Kundi ang mga Kaibigan mo " pagpapaliwanag niya, tumingin ako sa mga kaibigan ko na naka tipon lang sa gilid na nakatingin sa akin

Ayoko silang mapahamak
" Ricel " tawag ni kuya Kay ricel
" Yes po kuya " sagot naman ni ricel
" Pack your things at umuwi na kayo kaagad ngayon din huwag na kayong magpapabukas dito understood, I'm sorry if nasira ko outing niyo but you all need to go back home, dilikado na dito mamaya. Ok " utos ni kuya, naguguluhan man pero sumunod parin sila, pumasok na sila sa loob at sumenyas pa sila sa akin, tumango lang ako

" Ano ba kasing nangyayari kuya? " Tanong ko Kay kuya
" Alam na nila Kung saan ka at maya-maya ay pupunta na sila dito, bukas ng hapon tayo lilipad papuntang Australia " pagpapaliwanag
Niya sa akin, kinabahan ako paano Kung nagtagal pa kami sa dagat at pag balik namin dito Yung mga kaaway Ang nadatnan namin

Pumasok na ako sa loob at nag bihis, pagkatapos ay nag ayos na Rin kami ng gamit, habang nag aayos kami ni helen ng gamit ay bigla siyang nagsalita
" Alam ko pag alis natin dito Hindi ka na namin makikita " aniya habang nag aayos ng gamit
" Rhia-- I mean lyra, nakakalungkot lang na di na pala Tayo magkikita, magkakasama at lalong lalo na di na Tayo sabay papasok sa school " huminto siya sa pag ligpit at pinunasan Ang mukha

Tiningnan ko siya habang umiiyak
" Pero I know it's your future, I know it's for your safety " aniya sabay singhot tapos tumawa
" Alam mo gusto Kong sabihin na huwag ka nalang umalis, stay with us. Ngunit napaka selfish ko Kung hihilingin ko iyon " she said then Chuckled

Nilapitan ko siya at niyakap, habang yakap yakap ko siya ay Doon na siya humagolgol ng iyak, Hindi ako sanay na ganito, Hindi ako sanay na umiiyak siya ng ganito, sumasakit Ang puso ko habang yakap yakap ko siya, ayokong umiyak gusto ko ipakita sa kanila na magiging ok ako, na magiging ok din Ang lahat

" Babalik ka naman Diba? " Iyak niyang tanong, lumunok ako bago sumagot
" Oo naman bakit naman Hindi " sagot ko she hugged me more, Yung yakap niya parang ayaw na niya akong pakawalan

" Hindi ko aakalain na Hanggang dito nalang pala tayong apat " biglang pagsasalita ni kyla, napalingon kami sa kung saan nanggaling Ang Boses niya, at nakita namin siya kasama si ricel
" Rhian " tawag sa akin ni ricel
" Her name is not rhian" bulong ni Kyla sa kanya
" Whatever, she's still Rhian for me walang magbabago " sagot niya Kay kyla, natahimik si Kyla sa sagot ni ricel

Lumapit sila sa akin at yinakap ako
" Mag iingat ka Rhian, huwag mo Kaming kakalimutan ha " at naiyak na nga si Kyla
" Hindi na kami buo, kulang na kami, Wala na Kaming bunso. Maari bang dito ka nalang, poprotektahan ka namin " iyak niya na parang bata na ayaw paalisin Ang nanay na magtatrabaho sa ibang bansa

" Hindi lang naman to para sa akin eh, para din ito sa inyo. I want you all safe, at para matupad yon ay kailangan Kong umalis sa Buhay niyo at lumayo layo, masakit iwan kayo Kasi kayo Yung naging silbing pamilya ko, kayo Yung naging sandigan ko sa oras ng kalungkutan ko, thank you for being my friend, thank you for taking care of me, thank you sa pag tatangol sa akin. Babalik ako, at sa pagbalik ko sigiraduhin Kong ok na Ang lahat " Saad ko, Hindi ko namalayan na tumutulo na pala Ang luha ko habang sinasabi ko iyon.

Tinulungan nila akong mag ligpit dahil tapos na din naman daw silang magligpit, pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto Kung saan naghihintay Ang 4hb, ng Makita nila Kaming lumabas ay kaagad silang lumapit
" Rhia--" di natapos Ang sasabihin ni Ralph ng mapagtanto niyang di niya alam paano ako tawagin
" Just call her rhian padin walang magbabago " sambit ni ricel, Kaya natawa ako
" Oh " tanging naisambit nalang ni Ralph
" So your leaving? " Tanong ni Kian
" Yeah " ngiti Kong sagot sa kanya
" Kung ganon di ka na namin mapigilan pa? " Tanong pa niya, tumawa ako sa sinabi " I'm afraid not, Hindi niyo na ako mapipigilan, don't worry I'll be going to be ok, besides para naman to lahat
Sa atin, for Our safety " Ani ko tumango tango sila at nag offer na sila na daw magbaba ng gamit namin

Akmang susunod na ako sa kanila ng mapansin ko si gello na nakatayo parin sa gilid habang pinagmamasdan ako, huminto ako at nilapitan siya
" Hey, are you ok? " Tanong ko
" The truth or the lie one? " Tanong niya
" Syempre Yung totoo " nakangiti Kong sagot " I'm not ok " diritsahang sagot niya, natahimik ako

May kinuha siya sa bulsa ng pants niya at binigay ito sa akin

Isang puting envelope

" Open it when you got home " he said then walk away, sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad papalayo.

_____________________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon