chapter 47

0 0 0
                                    


I was staring at my ceiling while laying at my bed

Iniisip ko Ang lahat lahat ng mga nangyayari. Di ako maka paniwala na nakaharap ko na Ang taong matagal ko ng hinahanap, Ang taong unang nag paasa sa akin

Si mama.....

Dahil sa kanya di na ako madaling naniniwala sa mga tao sa paligid ko.

Napakunot Ang nuo ko ng maalala ko Ang sinabi niya sa akin kagabi, anong ibig sabihin niya sa mga sinasabi niya?

Tumayo ako ng biglaan kasabay non ang pag tunog ng cellphone ko sa gilid, kinuha ko ito at tiningnan

1 message

Binuksan ko ito at nakita kong message galing Kay kuya josh

From:kuya josh
Where are you?

Napabuntong hininga ako

" Muntik ko pang makalimutan " Ani ko sa sarili sabay tampal ko sa nuo

To:kuya josh
Papunta na

Nag reply muna ako bago tumayo para maghanda na papunta sa bahay ni kuya, Kung Hindi lang sa mga tanong sa utak ko ay di ako pupunta

Nagsuot lang ako ng spaghetti strap top na pinatungan ko ng polo checkered jacket tsaka pants, nag sapatos na din ako ng simpleng white Sneaker shoes
At tinali ko Ang buhok ko Saka lumabas na para umalis.

Pag baba ko ng hagdan ay nasa baba pala Ang tatlo at nanonood ng Ewan ko anong pinapanood nila

" Oh? Saan ka? " Tanong ni helen
" Pupunta lang ako Kay kuya josh " paalam ko
" Ang sexy mo sa spaghetti strap top mong Yan " papuri ni ricel na bumangon pa galing sa pagkakahiga sa kandungan ni Kyla

Binaba ko ng bahagya Ang jacket sa may shoulder ko at nang-iinggit ko itong pinakita, nagsihiyawan silang tatlo habang si Helen ay binato ako ng unan Kaya natawa ko itong binalik.

" Alis na ako baka hinahanap na ako ni kuya " paalam ko sa kanila
" Sige ingat!! " Sigaw nilang tatlo na sabay sabay pa

Natawa akong lumabas at dumeritso sa garahe para kumuha ng masasakyan, kinuha ko sa may lagayan ng mga susi Ang susi ng kotse ko mismo, pagka sakay ko ay pinaharorot ko na ito paalis.

Pagkarating ko sa bahay ay binato ko sa guard Ang susi at nasalo niya naman kaagad iyon. Pumasok na ako, kaagad sumalubong sa akin Ang mga katulong marami sila Kaya Napa kunot nuo ako

Anong meron? Di naman ganito karami Ang mga katulong kapag normal lang na araw pero kapag...

Wag mong sabihin...

" Anong meron? " Tanong ko sa katulong na nasa harapan ko
" May mga bisita pong dumating Ang daddy niyo po " magalang niyang sagot
Napatanga ako sa sinabi niya

Dali Dali Kong tinawagan si kuya josh, Wala pang dalawang ring ay sumagot na ito kaagad
" Kuya asan ka? " Tanong ko
" Nasa bahay, where are you rhian? " Tanong naman ni kuya

Napatanga ako sa sinabi niya ibig sabihin Hindi lang siya Ang makakausap ko? Bat di niya sinabi? Nagsimula na akong kabahan iniisip ko palang na maraming tao sa loob ay parang hinahalukay na Ang loob ko at nagsimula ng manlamig Ang kamay ko

Ang anxiety ko...

" Rhian? Where are you? Gusto mo bang sunduin Kita? We're waiting for you " aniya na mas ikinakaba ko pa lalo
Ipinatay ko Ang tawag Saka napahilamos sa Mukha.

" Ma'am rhian pumasok na po kayo hinihintay napo kayo sa loob " magalang na imporma ng katulong na galing sa loob

Nagdalawang isip ako Kung papasok ba ako o Hindi ngunit may parte sa akin na curious Kung anong meron sa loob.
Kahit kabado at nanginginig Ang kamay ay dahan dahan akong pumasok sa loob, linagay ko sa bulsa ng pants ko Ang aking kamay upang di mahalata na nanginginig ako.

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon