chapter 44

0 0 0
                                    


" So kamusta naman kayo ni gello sa sasakyan? " Tanong kaagad ni helen pagka apak ko palang sa loob ng bahay

" Ha? " Tanong ko, ano ba Ang dapat gawin sa sasakyan ni gello?
" Anong ginagawa niyo sa loob ng sasakyan ni gello? " Excited na tanong naman ni Kyla

" Wala " simple Kong sagot
Bumagsak Ang kanilang mga balikat na parang nanghihinayang
" Oh? Bakit? Anong ini-expect niyo? Ha! " Inis Kong tanong sa kanila

Dahan dahan silang nagsi alisan sa harap ko, umiiwas sa tanong ko
" Hoyyy bumalik kayo ditooo" inis Kong tawag sa kanila ngunit naka pasok na kaagad sila sa kanya kanya nilang kwarto

Ampanget talaga ng utak nila grabe,
Tuluyan na akong pumasok at sinalampak Ang katawan sa sofa, sa wakas naka balik na din ako dito at Hindi don sa bahay ng tatay ko

Ah teka, nagtataka ako di na bumibisita si kuya simula nung araw ng paguusap namin, buhay pa Kaya siya? O di Kaya nagbago na isip niya na wag nalang ituloy Yung usapan namin

Nagpapatawa ka ba Rhian? Bat naman magbabago isip niya na Kung pwede nga lang araw-arawin niya Ang pag papaalala sayo sa bagay na iyon.

Natawa ako Saka nairitang sinabunutan Ang sarili
" Aishh mababaliw na yata ako " pagkausap ko sa sarili
Saka hinampas hampas Ang sofa

" Epekto ba Yan ng pananatili mo sa hospital? " Tanong bigla ng Kung sino Kaya bigla akong napatayo
" Oh Ricel Ikaw pala " Ani ko sabay ayos ng sarili
" Nababaliw ka na ba? Kailangan ko na bang tumawag ng taga mental? " Tanong niya Kaya sinamaan ko siya ng tingin
" Ang pangit talaga ng ugali mo " Ani ko sabay nguso

" Saan ka nga pala galing? " Tanong ko Saka tiningnan siya ng kabuuan
" Di mo ko sinundo sa hospital, ganon din si Matthew. Di naman ako nagtatampo actually naintindihan ko naman kaso nga lang nagtataka ako, kayong dalawa ni Matthew Ang Wala " Ani ko sabay baling sa kanya ng suspicious na tingin
" Anong klaseng tingin Yan? " Aniya na para bang may tinatago siya na takot malaman
" Di Kaya magkasama kayo?!, Nag da-date ba kayo? " Inosente Kong tanong

" Rhian! " Sigaw niya Kaya nagulat ako na halos mapatalon ako
" Gaga! Ginulat mo naman ako! " Galit Kong sigaw sa kanya habang naka dapat Ang dalawang kamay ko sa may dibdib ko
" S-sorry naman Ikaw naman Kasi eh, Kung ano ano sinasabi mo " inis niyang sambit
" Masyado ka namang defensive, pwede mo namang sabihin na Hindi ng mahinahon " angil ko sabay hinga ng malalim

" Saan ba Kasi kayo nanggaling bat Wala kayo kanina? " Tanong ko ulit
" Pinapatawag kami sa school Kasi nga Diba kami Ang mag ho-host sa graduation day " sagot niya ng mahinahon
" Oh edi magkasama nga kayo " sumbat ko sa kanya
" Magkasama nga ngunit di kami nagdadate " inis niyang pahayag
" Oo na, chill lang " Ani ko habang binibigyan ng nangaasar na tingin
" Oh ano na naman yan " Galit niyang tanong
" Wala tinitingnan ka lang " pangaasar ko sa kanya at ramdam ko Ang pagtitimpi niya ng halos tusukin niya ako ng mga matatalim niyang titig
" Iyan ba Ang side effect na pag sstay mo sa hospital ng isang linggo? " Tanong niya sa akin Kaya natawa nalang ako

" Ah kailan nga Yung graduation natin? " Tanong ko
" Ngayong huwebes na " aniya
" Ano Tayo ngayon? " Tanong ko pa
" Lunes " sagot niya naman
" May dalawang araw pa pala tayong hihintayin " Ani ko sabay buntong hininga at sumandal sa sofa

" Bakit? " Tanong niya
" Wala lang " sagot ko naman
" Uhmm ricel " tawag ko sa kanya
" Hmm?? " Busy siya sa paghalungkat ng bag niya na para bang may hinahanap
" Kunwari umalis ako tapos di niyo alam,
Anong gagawin mo? " Kunwaring tanong ko, gusto Kong malaman kahit papano Ang mararamdaman nila
" Aalis ka? " Tanong niya bahagyang tumigil sa pag halungkat sa bag niya
" K-kunwari nga " Ani ko
" Ah sorry sorry " natatawang paghingi niya ng tawad

" Para sa akin magagalit ako, di Kita papansinin, di ako mangangamusta, pababayaan kita at kakalimutan, yon naman Ang ibig sabihin non eh umalis ka ng walang paalam edi handa mo na kaming kalimutan " aniya at halos maiyak ako sa sinabi niya, akala ko madali lang gawin Yung pag alis, di ko pa ginagawa ay nararamdaman ko na Ang Galit at pagkamuhi nila

" Di mo naman gagawin Yun Diba? " Tanong niya Kaya napatingin ako bigla sa kaniya, di ako maka iling-iling di Rin ako makapagsalita

Nagpatuloy siya sa pagkalkal sa bag niya na parang may hinahanap, ako naman ay napatanga sa kawalan

Nakakaguilty, pwede bang wag na munang ituloy ito, iniisip ko palang na Galit sila sa akin sa pag alis ko ay nasasaktan na ako.

Tumayo ako at pumunta sa kusina kumuha ako ng tubig sa ref at uminom
Pagkatapos ay kinuha ko Ang basura at napag isipan na itapon sa labas.

Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad palabas para itapon Ang basura
" And I see your monster I see your pain
Hmmm hmmm " pagkakanta ko, at nilagay na ito sa gilid ng karsada para makuha bukas

Pinagpag ko Ang kamay ko Saka inilibot Ang tingin sa buong villa, ng dumapo sa bahay Ng 4 hb Ang tingin ko
" Mukhang walang tao " pagkausap ko sa sarili
" Bakit Kaya walang tao? Di na ba sila diyan umuuwi? " Pagkausap ko pa sa sarili
Nagkibit balikat Lang ako at pinagpag you Ang mga kamay sabay kanta uli papasok.

Ngunit habang papasok ako sa gate ay may naramdaman akong nakatitig sa akin Kaya walang atubili ko itong nilingon, pagka lingon ko ay inilibot ko Ang aking mga mata hangang sa dumapo ito sa isang bulto ng tao na nasa may malapit sa kinaroroonan ko

Di Kaya multo ito, nanlamig Ang katawan ko sa naisip at dahan dahan humakbang patalikod sa sobrang takot

Mas natakot ako ng dahan dahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan ko
Kaya nataranta ako at imbes na tumakbo ay nanghina Ang tuhod ko at napaupo sa sahig

" Wag, w-wag Kang lalapit " ani ko habang rinig na rinig ko Ang takot sa boses ko
" Wag Kang matakot gusto lang kitang kausapin " pagsasalita niya at halos nanlamig Ang katawan ko ng marinig ko Ang Boses niya.

______________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon