chapter 60

0 0 0
                                    


After 5 years

" Rebecca what's my schedule for today? " I ask to my secretary habang naglalakad kami papuntang elevator, kakarating ko lang galing sa business meeting ng new big investors namin, and I'm happy because nakuha namin iyon

" Uhmm later you will scheduled to meet
Sir Felix with his wife, then after that your schedule was free " sagot sa akin ng secretary ko tumango ako at kaagad pumasok sa elevator ng bumukas na ito.

Pagkatapos Kong mag aral ng college ay  trenained na agad ako ni kuya josh for being a CEO of tolentino company here in Australia, after ng pag trained sa akin ay pina take over na ni kuya sa akin Ang kompanya na minana ko sa aking Lolo at Lola. About my father's brother ay nakulong siya ng malaman na sangkot siya sa illegal na droga, mahirap Ang pag tugis sa kanya ngunit nahuli din, Kaya naging panatag na Ang bawat Isa sa Amin ng malaman namin Ang ganong Balita

Si Felix naman ay naka hanap ng babaeng mamahalin niya, sa katunayan ay ikakasal na siya sa susunod na buwan, buntis na nga din at naglilihi na Ang ganda nga ng pinaglilihian, ako

Marami din akong nalalaman tungkol Kay Felix, siya pala Yung pinsan ko na nakakalaro namin ni kuya josh dati.

Kaya nila ako gustong nameet mamaya dahil gusto daw ako Makita ng asawa niya.

Habang tumatagal ako dito sa Australia ay marami akong nagawa sa sarili ko, I overcome my anxiety at Hindi na ako gaanong inaatake ng anxiety ko, pinatawad ko na Ang lahat.

Ngunit kahit gaano ako karaming nagawa sa sarili at nakamit sa Buhay parang may kulang, Hindi ako nakuntento. Pilit Kong huwag silang isipin pero tuwing mag Isa lang ako iniisip ko Ang mga kalagayan nila, tiniis ko Ang lahat, tiniis kong huwag silang eh contact, at makibalita.

Pumasok na ako sa office ko at kaagad na nilagay Ang bag sa mesa tsaka napaupo sa swivel chair, napapikit ako sa sobrang pagod, napamulat ako ng biglang may kumatok sa office ko  at nakita Kong si Rebecca ito, Rebecca is half Pinay and half Australian but she doesn't ever go to Philippines ever since
" Yes? " Tanong ko
" Sir Felix called awhile ago, he wants you to meet him with his wife right now " imporma niya napa face palm ako sa sinabi niya " as in right now? " Tanong ko pa, she nod her head Kaya napabuntong hininga nalang ako

" Ok thank you " Saad ko Saka siya umalis, inabot ko Ang bag ko at kinuha Ang cellphone para tawagan si Felix, di naman nagtagal ay sumagot siya

" Putangina pagpahingahin mo naman ako " mura ko sa kanya bungad palang, para Dama niya Ang pagod ko
" Lyra, my wife wants you badly she's crying keep chanting your name, nakakahiya na bilisan mo na dito " natataranta niyang Ani rinig ko pa Ang Boses ng asawa niya sa background
" Bubuntis buntisin mo Yan tapos ako Yung napupurwesyo sa inyo, teka lang papunta na pasalamat ka talaga " I said Saka pinatay na Ang tawag Dali Dali akong tumayo at naghanda na upang pumunta sa restaurant na napag usapan namin Kung saan kami magkikita.

Pagbukas ko palang sa pintuan ng restaurant ay rinig ko na Ang iyak ni Angela, Felix's wife, napahinga ako ng malalim at kaagad pumunta sa kanila pinagtitinginan na sila ng mga tao nakakahiya nga.
" Look who's here " ngiti Kong sambit upang makuha Ang atensyon niya di naman ako nag fail dahil binaling niya Ang tingin sa akin, para siyang bata na ngumiti Ng Makita niya ako
" Maia you're here! " Sigaw niya at akmang Tatayo upang salubungin ako ngunit kaagad siyang pinigilan ni Felix dahil baka mapano Ang baby kapag tatakbo siya Kaya ako nalang Ang lumapit at kaagad siyang niyakap.

" Why are you crying? " Tanong ko sa kanya ng maka upo kami
" My baby wants to see you, she's crying not me " rason niya habang haplos haplos Ang kanyang bump tummy, hinaplos ko din ito
" Is my little niece wants her beautiful tita? I'm sorry to keep you waiting baby " pag ba-baby talk ko Kaya natawa sila, sinamaan ko kaagad sila ng tingin Kaya kaagad naman natigil

" So? Kailan kayo uuwi ng pinas? " Tanong ko Kay Felix
" Next week, gusto din Kasi ni Angela na bisitahin Yung Yaya niya nagkasakit daw Kasi " sagot ni Felix tumango tango ako,
Angela is a half Pinay and half Australian din but mas lumaki siya dito sa Australia kaysa sa Philippines Kaya di siya masyadong nakakaintindi ng Tagalog.

" How are you? " Tanong sa akin ni Felix
" I'm fine " sagot ko naman sabay inom sa coffee ko
" Oh I heard may new big investors kang kikitain sa Philippines? " Tanong ni Felix
" next week na nga rin yon eh and kuya josh wants me to be there " walang gana kong sagot Saka bumuntong hininga
" Ayaw mo non makakauwi ka na " he said binalingan ko siya ng tingin
" Parang ayokong umuwi " sambit ko sabay Yuko
" Bakit? " Tanong ni Felix sa akin.

Ewan ko ba nag aalangan ako pag pinag uusapan Ang pag uwi ko sa pinas, para kasing Hindi na dapat ako don. Parang Wala ng naghihintay sa akin don.
Mapait akong napangiti ng Makita ko Ang bracelet na nasa kamay ko

" Maia it's Time for you to be free, ito na Yung oras na maging Malaya ka na, Malaya ka ng makasama Ang mga Kaibigan mo " senserong Saad ni Felix, binalingan ko siya ng tingin
" What if Wala na talaga silang pake sa akin " Saad ko
" Ganyan ba tingin mo sa kanila? " Tanong niya na ikinatigil ko
" You are with them in how so many years how come nag aalinlangan ka sa kanila " natahimik ako sa sinabi niya
" Hindi naman sa nag aalinlangan pero..." Di ko matapos tapos Ang sasabihin ko dahil parang di ko mahanap Ang salitang dapat Kong sabihin.

" Are you afraid that maybe your friend forgot about you? Or maybe your friend hate you for not communicating with them within 5 years? " Tanong bigla sakin ni Angela, napatingin kami sa kanya
" Don't worry Maia, they are not " nakangiti niyang ani, nakakunot nuo akong nakatingin sa kanya

Di ko maintindihan sinasabi niya

" Shes spying your friends since the day  you left, siya Ang hinired ni tita para bantayan Ang mga Kaibigan mo " sambit ni Felix, nanlaki Ang mata Kong tiningnan si Angela na tawang tawa

" Seryoso? " Tanong ko gulat at di makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa
" They looks so fine but you can see through they're eyes that they are not happy, they have their own job, taking good care of Thier business just like you" she said, nakaramdam ako ng saya at Gaan ng loob ng malaman Kong lahat ng ginawa ko at paglayo ko sa kanila ay nagbunga ng katiwasayan sa kanila

" I'm happy to hear that " nakangiting Saad ko " masaya ka nga ba talaga? " Tanong ni Felix, Ang mukhang nakangiti ay unti unting nawala ng dahil sa tanong na iyon ni Felix
" Alam ko na alam mo na hindi ka kailanman naging masaya " dagdag niya pa, naibaba ko Ang tingin ko sa kape na ngayon ay Hindi na mainit

" It's your time to be happy lyra, you deserve to be happy " he said at tumayo upang ikulong ako sa kanyang mga bisig  at naging hudyat ito ng pagtulo ng aking luha

Tama siya, Hindi ako kailanman naging masaya kahit ilang mga parangal at mga nakakamit ko sa buhay. Laging may kulang na pilit Kong inignora

Yung sakit simula ng mapunta ako dito, simula ng iwan ko Ang mga Kaibigan ko na nagsilbing pamilya ko sa araw na walang Wala ako ay sobrang sakit para sa akin.

Pagkatapos ng usapan naming iyon ay kaagad akong umuwi, ramdam ko Ang bigat sa damdamin ko habang sinasara ko Ang pinto ng kwarto ko.

Umupo ako kaagad sa kama at pabagsak Kong ihiniga Ang sarili sa kama, pinikit ko Ang mata ko at binabalikan Ang usapan namin ni Felix kanina.

Tumayo ulit ako at tinungo Ang closet ko, binuksan ito at kinuha Ang nakatagong album dito, dinala ko ito sa kama at sinimulan ng buklatin

Sa unang pahina palang ay kaagad na akong napangiti

Ito Ang album namin na pag aari ni Ricel, hiniram ko ito bago Ang graduation.

Lagi ko itong binubuklat kapag nakaka ramdam ako ng pangulila sa kanila, may mga larawan din dito Sina Ralph, kian, Matthew at si gello

Handa na ba talaga akong harapin sila pagkatapos ng ilang taon na walang paramdam, maari pa ba kayang maibalik lahat o tuluyan na ngang kakalimutan Ang lahat.

_____________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon