chapter 50

0 0 0
                                    

On this day we are going to graduate, all the hard work are well payed.

Maaga kaming nagising ngayong Umaga dahil sa sigaw ni kyla, Ang tagal naming natulog kagabi Kasi nag pa-pack kami ng gamit for outing pagkatapos ng graduation diritso na kami Doon sa beach.

" Magsi gising!! " Sigaw ni Kyla sa labas habang pinu-pukpok ang kaldero Kaya naglikha ito ng sobrang ingay
" Gumising!! " Sigaw niya parin, tinaklop ko sa Mukha ko Ang unan at sa Tenga din, gusto ko pang matulog!!

" Good morning sunshine! " Sigaw niya habang nagpupokpok sa loob ng kwarto Kaya mas dinikit ko pa Ang unan sa Tenga ko
" Argghhhh!!! " Sigaw ko din na humalo sa ingay na dulot niya
" Gising ka na? Ah Hindi pa? " Tanong niya pa sabay balik ulit sa pag pukpok, inis akong tumayo at matalim siyang tiningnan, huminto siya ng Makita akong gising na Saka ngumiti ng napaka laki at kumekembot pang naglakad paalis tsaka dinig ko na naman Ang ingay galing sa kabilang kwarto which is kwarto ni helen natawa nalang ako ng narinig ko Ang pag aaway nilang dalawa.

Nakatulala ako habang nakatitig sa kawalan, graduation na namin mamayang 1 Kaya pala excited gumising Ang Isa.

Tumayo ako at naglakad palabas sakto ding lumabas si Helen na nakabusangot,
Naglakad ako palapit sa kanya
" Ok ka lang? " Tanong ko habang tumatawa
" Hindi ko maintindihan bat kailangan niyang mang gising ng sobrang aga alas 6 pa Kaya anong oras tayong natulog kagabi " Galit niyang pag ra-rant sa harap ko, I tap her shoulder and smile then walk away.

Rinig ko Ang malakas na buntong hininga niya Saka sumunod na Rin sa akin para bumaba, pagka baba namin ay nasa kusina na si ricel humihikab, habang Ang Isa ay masayang naghahanda ng pagkain, umupo kami tsaka napatingin si ricel sa Amin

" Ano bang meron sa koreanang Yan at Ang aga nanggising Diba mamayang ala una pa Ang graduation masyadong excited " pag ra-rant din ni ricel
" Hoi naririnig Kita! " Sigaw ni Kyla sa loob ng kitchen natawa nalang ako sabay baling Kay ricel na benelatan si Kyla tsakto namang lumabas si Kyla galing kitchen

" Di ba kayo nakakaramdam ha kailangan nating baguhin Ang routine natin kahit ngayon Lang gigising ng 6 am mag jogging for healthy life style, pagkatapos maghanda para sa graduation mamaya " masaya niyang imporma habang nilalagyan ng gatas Ang baso nila for milk, napakunot nuo ako ng di niya nilagyan ng milk ang baso ko

" How about me? " Tanong ko sabay turo sa sarili
" Wait my baby Rhian " aniya sabay takbo papunta sa ref at may kinuhang...
Yakult?? Yakult!! Dalawa!!, Nagliwanag Ang mata ko sa nakita di na ako naka inom ng yakult....kagabi.

" This is for yah because I know how obsessed you are in that drink so start your day with yakult! " Maligaya niyang Saad she had a genuine smile that made me smile too...Isa to sa mami-miss ko sa kaniya.
" And syempre para sa atin Ang milk! Cheers congrats sating graduating students!! " Masayang masaya niyang inangat Ang baso na may lamang gatas naki angat narin ako sa yakult ko ganon din silang dalawa na ngayon ay nakangiti na di na sila busangot.

Pagkatapos naming kumain ay nagbihis kami dahil mag jo-jogging daw kami, pinagbigyan lang namin si Kyla she's too happy and I like it, it makes us happy too. Nag suot ako ng compression leggings and sports bra tsaka tinali ko na Rin Ang buhok pa Ponytail nagsuot ng shoes good for jogging then I'm ready ! Tiningnan ko Ang sarili sa salamin ok naman.

Lumabas ako sa kwarto dala Yung tumbler ko para lagyan ko ng tubig sa baba, pagka baba ko nakita ko si ricel nag s-stretching sa Sala parehas kami ng suot ang sexy niya tingnan. Dumiretso ako sa kuhaan ng tubig para lagyan Ang tumbler ko pagkatapos ay sumali ba Kay ricel mag stretching.

Napatingin siya sa akin ng makalapit ako sa kanya
" Woah Ang sexy! " Puri niya sa akin I crinkle my nose
" Ikaw din naman ah " puri ko pabalik
" Yes Mana mana lang yan " pagbubuhat niya ng sariling bangko
" Ay " Saka na ako natawang nag s-stretching. Patuloy lang kami sa ginagawa namin ng tumigil siya Saka umupo sa sofa ako naman ay patuloy lang sa pag stretching
" Ang tagal naman nila " pagka Sabi niya ng ganon ay nagtatawanan na Sina Helen at Kyla pababa, ganon din suot nila, ay oo nga pala sabay pala naming binili to.

" May chika akooo!! " Pag sisigaw ni Kyla
" Hoy! Wag nga! " Natatawang hawak niya Kay Kyla ng akmang tatakbo siya palapit sa Amin
" Alam niyo si Helen hmmmm " di natapos Ang sasabihin ni Kyla ng takpan ni helen Ang bibig nito.
" Tara na nga " Aya sa akin ni ricel ng makitang nagrarambulan pa Ang dalawa, sumunod nalang ako sa labas at sobrang ganda ng pangumagang sikat ng araw Yung hangin na malamig pero sakto lang. Nagsimula na kaming tumakbo kasama si ricel, narinig
Naman namin Sina Kyla Kaya ok lang na Mauna kami.

Tahimik lang kaming tumatakbo ng mahina dito habang Ang dalawa tawa ng tawa siguro Sila lang Ang maingay dito sa villa.

" Aalis ka na? " Tanong bigla sakin ni ricel
" Hmmm? Saan? " Tanong ko habang tumatakbo kami, huminto siya at naglakad nalang gumaya din ako Kaya Ang ending naglakad na kami imbes na tumakbo. Lumingon pa siya sa likod Kaya lumingon din ako only to find na Wala na sila Kyla at Helen siguro humiwalay muna ganyan talaga sila bigla nalang humihiwalay kapag nag jo-jogging kami.

Binaling na namin Ang tingin sa harap
" So ano nga aalis ka na talaga? " Tanong ni ricel sakin nakakunot Ang nuo ko siyang tiningnan
" Ano ba kasing sinasabi mo di ko maintindihan " natatawang Ani ko
" Mahirap talagang mamili between friends and family, Kung susundin mo Ang pamilya mo masasaktan mo naman Ang Kaibigan mo kapag naman iniisip mo Ang Kaibigan mo ma di-disapoint mo Yung pamilya mo o di Kaya masisira mo Yung expectation nila sayo at Ang malala baka pagsisihan mo sa huli na di ka nakinig sa kanila. " Aniya, napahinto ako at napatitig sa kanya ng maramdaman niyang huminto ako ay huminto na Rin siya at tiningnan ako

" Alam mo? " Tanong ko
" Ang alin? Na aalis ka after graduation? Ofcourse " sagot niya
"Actually matagal ko ng nalaman,nakita ko lang dun sa notebook mo na yellow, tsaka na confirm ko Ang lahat nung sundan Kita na tumatakbo habang may sumusunod sayo kala ko Kung mapapano ka na naman then I realized it's your mom I heard a little conversation you and your mom ngunit umalis din ako agad " pagpapaliwanag niya natahimik ako at di alam Kung anong  sasabihin,pahamak Yung note book na iyon susunugin ko yon tamo, paano Kung nasabi na niya sa dalawa?

" I know what your thinking, ofcourse not di ko pa nasabi sa dalawa I want you to tell them personally. " Nakangiti niyang sambit sa akin naka hinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya
" I... don't know what to say, I'm scared to tell you all because Di pa ako ready, hirap na hirap akong sabihin sa inyo Kasi kahit ako di ko matanggap sa sarili ko na iiwan ko kayo " habang sinasabi ko Ang mga katagang iyon ay pilit Kong pinipigilan Ang luha ko
" Ganyan na ganyan din Ang naiisip ko nung iwan ko kayo, I made a promise to myself na babalik ako, tingnan mo naman nakayanan ko sa 2 years na Wala akong contact sa inyo " pagpapagaan niya sa aking sarili
" Ikaw yon iba ka, iba din ako kahit ngayon palang nga mami-miss ko na kayo " nanlulumo Kong sumbat sa kanya
Natawa lang siya Saka ko hinila para magpatuloy sa paglalakad.

" Alam ko naman Yun Rhian magkaiba Tayo pero isipin mo college ka na, tayo Hindi naman panghabang buhay magkasama tayong apat dapat nga sanayin Ang sarili natin na di kasama Ang isat Isa, Kung ano mang reason Ang pagpunta mo don sa Australia lagi mong tatandaan na andito lang ako, kami para suportahan ka hmmm " aniya Kaya halos maiyak ako, Kaya habang naglalakad ay nakatungo ako
" Walang nagtatagal na tao sa buhay natin umaalis talaga pagdating ng panahon pero Ang mga ala-ala Ang tumatagal at mananatili sa pusot isipan natin, Kaya Ikaw Kung aalis kaman wag mong kakalimutan Ang mga ala-ala dito kasama Ang mga malalapit sayo " aniya
Kaya dahan dahang pumatak Ang luha ko na naging dahilan ng pag hikbi ko.

Tumigil ako sa paglalakad at agad tinakpan Ang mukha habang umiiyak, naramdaman ko Ang yakap niya sa akin
" Wag Kang mag-alala di ka naman namin iiwan,malayo ka man pero mag hihintay kami sa pag uwi mo, be a successful woman Rhian, catch your dream and always remember we're so proud of you " aniya Kaya mas lalo akong napahikbi ng iyak.

" Sabihin mo sa kanila mamaya ha " paghihikayat niya, tumango tango lang ako " hahanap ako ng tyempo ayokong masira Yung Kasiyahan nila dahil lang sakin " Ani ko habang umalis sa pagkakayakap sa kanya, ngumiti lang siya at tsaka ko inayos Ang sarili at nagpa tuloy na ulit kami sa pagtakbo.

I maybe not lucky when it comes to my family, but I'm so lucky to have friends like them, masaya ako na nakilala ko sila kailanman di nila ako pinapabayaan, andyan sila lagi para sa akin, makukulit man sila maldita, pero atleast andyan sila lagi para sa akin.

Akala ko Yun na Yung Plano ko na aalis ako ng di nagsasabi para madali, ngunit naisip ko unfair para sa kanila tao Rin sila nasasaktan, Kaibigan nila ako ng ilang years, ayokong magtanim sila ng Galit sa akin sa pag alis ko.

____________________________

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon