chapter 10

3 3 0
                                    


" Rhian gising " pang-gigising ng Kung sino man sa akin
" Rhian gising " hinawi ko lang siya at tinalukbong Ang kumot sa akin
" Rhia--"
" Ano ba ?! Ang aga aga pa oh 5 minutes pa! " Sigaw ko dahilan at naputol ko Ang sasabihin niya
" Aba, gusto mo bang pumasok ngayon oh Hindi?! Kasi Kung hindi eh aalis na kami at Kung oo naman ay Rhian alas 8 na po ng Umaga Wala ng time sa 5 minutes mo! "
Pagtatalak ni helen sakin
" Ano ka ba ito na nga oh tatayo na " kakamot kamot akong tumayo sa pagkakahiga dahil sa sigaw niya
Tiningnan ko siya at aba naka pameywang pa

" Saan ka ba Kasi kagabi akala namin may katangahan ka na namang nagawa " pang iintriga ni helen sa akin
" Wala bumili lang nga ako ng Yakult tapos napadaan sa park nagpa hangin tsaka umuwi na " pagpapa liwanag ko di ko na sinabi Yung nangyari kagabi baka mang intriga pa lalo eh
" Labas na at mag aayos na ako " pagtataboy ko sa kanya
Umalis na siya at Napa titig ako sa kawalan

Anong nangyari? Di ako maka paniwalang umiyak ako sa kanya, di ako maka paniwalang nag kwento ako at sa isang gello haramyez pa ah, tapos naalala ko pa Sabi niya  'magtiwala ka ulit'
Tiwala? I already tried to trust again but parang mas Pina lala lang ng taong yon Ang trust issue ko

Pagka baba ko narinig ko na si Kyla habang tumatalak, itong koryanang toh napaka ma chika talaga
" Oh rhian anyeong " Ang alam ko sa ganyan niya binabati niya ako Kaya tinanguhan ko lang siya at akmang kukuha na ako ng itlog para sana mag luto ng sunny side up biglang sumigaw si ricel galing kusina
" Rhian! May sunny side up na dito nagluto na ako lika na kumain na Tayo malalate na Tayo! " Sabagay tinatamad akong magluto Kaya bumalik nalang ako ng kusina at umupo

" Hayyy ngayon na pala eh aanounce Kung anong gagawin natin na project bago mag finals " napatingin ako Kay Helen sa sinabi niya
" Ha? Anong project bat di niyo sinabi sa akin na may project? " Medyo kinakabahan ako don
" Don't worry sis by two Kasi yon boys and girls dapat Ang paring, sa akin si kian, Kay ricel naman si Matthew, at Kay Kyla si Ralph at sayooo si gello, don't worry again nasabihan na namin si gello kahapon and ok naman siya don " pag eh explain ni helen sakin at ngiting ngiti na nag thumbs up

" Bat Kay gello ? " Tanong ko
" Bakit Hindi? " Tanong pabalik ni helen
" Oo nga okay naman si gello ah, saan mo ba gusto makipag paring eh may malapit na nga don ka pa sa malayo, siya nalang wag na yong iba " singit ni ricel tinaas taas pa nya kilay niya na parang may ibang ibig sabihin
Umiling nalang ako at nagpa tuloy kumain

Naglalakad kaming apat papunta sa room namin ng may mahagip Ang mata ko
It was Hailey naglalakad siya papunta sa building nila iba kasi building namin kesa building nila
" Ahmmm guys una na kayo ha may kakausapin lang ako " pagpapa alam ko sa kanila habang binabaklas Ang kamay ni Kyla sa braso ko Kung maka kapit naman Kasi parang tarsier
" Ha saan ka? Sama na kami baka Kasi ma lock ka na naman dahil sa katangahan mo "
Naka pameywang na sambit ni ricel
" Grabe ka sa tanga ha, Basta may kakausapin lang ako Kita nalang Tayo sa room ha " di ko na hinintay Ang sagot nila bagkos tumakbo na ako papunta sa Kay Hailey

" Hailey! " Sigaw ko sa kanya napatingin ako sa mga tao na napatingin sa pag sigaw ko pero Wala akong pake
Lumingon si Hailey sa akin na naka ngiti
Ayan na naman yang ngiting Yan Kung dati nasiyahan at nagandahan ako sa ngiti niya ngayon naiirita na ako nakaka putangina Ang babaeng toh

" Oh hi rhian how are you I heard na hospital ka daw, are you ok? " Pag tatanong niya kunwari concern
' Ikaw naman talaga Ang may kasalanan Kung bakit ako nasa hospital  ' gusto Kong sabihin sa kanya yon kaso gusto Kong maging kalmado
" Yes I'm fine can I talk to you in private just only the both of us? " kalmado Kong tanong kahit sa loob ko gusto ko na siyang murahin
" Oh sure may 30 minutes pa ako bago mag simula Ang first cla--" di ko na siya pinatapos at naglakad na ako naramdaman ko naman siyang sumunod sa akin

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon