chapter 49

0 0 0
                                    


Kung masasabi ng iba na madali lang Ang problemang ito ngunit Nagkakamali sila, para sa akin mahirap Ang lahat at mahirap paniwalaan.

" Rhian tuloy Tayo sa outing natin bukas ah pagkatapos ng graduation "maligayang  pagpaalam ni Kyla
Napatingin ako sa kanya at Kita ko sa mga mata niya Ang saya at pagka excited.

" Wag ka ng humindi Rhian excited na kami wag ka namang killjoy kahit Isa lang " pakiusap ni helen at nakadikit pa Ang mga palad habang nagmamakaawa. Natawa ako sa Mukha niya Kaya mas tumalas Ang nguso niya at pabirong binilatan ako.
" Oo naman sasama ako ano bang Plano ha " pakikisabay ko sa kanila nakita Kong nagliwanag Ang mukha nila at buong atensyon akong hinarap

" Bukas Ang schedule ng graduation natin Diba, ganito gawin natin right after sa graduation diritso na agad Tayo don sa pacaña bridge, ano gusto niyo mag re-rent na ba ako ng floating cottage?? " Tanong ni Kyla ng buong sigla, natulala ako dahil sa bilis niyang magsalita. Nagtinginan kami ni helen at sabay nagtawanan, narinig namin Ang pag ungot niya

" seryoso Kasi " aniya na habang nanghahaba Ang nguso Kaya mas lalo kaming natawa sa Mukha niya, Ang cute!!. Tumigil kami sa pag tawa ng maramdaman naming natahimik siya at seryoso na nakatitig sa Amin.

Tumikhim kaming dalawa ni helen at nag seryoso na
" Natahimik kayo? Tawa pa kayo baka kulang pa eh " sarcastic na tanong ni Kyla
" Di na patuloy ka na makikinig kami ouumm hehehe " awkward ding sambit ni helen, pilit Kong pinipigilan Ang aking sarili upang di tumawa sa Mukha ni helen
" Anong ginagawa niyo? " Tanong bigla ng Kung sino sa likuran namin sabay sabay naman kaming tatlo na lumingon at nakita namin Sina Kian, Ralph at gello
Di parin namin makakasama si ricel at Matthew masyado silang busy sa paghahanda ng graduation bukas dahil bibisita si Mr. Enzo haramyez Ang daddy ni gello.

Speaking of gello di pa din kami nagkakabati, di ko naman alam na mataas pala Ang pride nito kasing taas ng bundok!
Bakit ikaw din naman ah. pagkausap ko sa sarili

Bahala na, siya Yung nauna bat ako Ang mag so-sorry?
" Andito pala kayo, naguusap na kami sa outing natin bukas sama kayo ah " pag aaya ni Kyla sa kanila
" Oo naman asan ba Tayo? " Tanong ni Ralph
" Sa pacaña bridge maganda don may floating cottage tsaka maganda Ang view Yung dagat din! " Tuwang pagbibigay pahayag ni Kyla

" Ah gusto niyo beach outing? " Tanong ni Kian, napatingin kaming tatlo sa kanya
" Beach saan? " Tanong ni helen
" May beach Kasi na binigay si lola sa akin kagabi gift niya sa akin for my graduation, I'm thinking na don nalang Tayo mag outing mag overnight narin " sagot niya nabigla ako ng bigla akong paluin ni helen sa braso

Napa aray ako sa sakit kahit kailan Ang bigat ng kamay ng babaeng ito.
" Talaga!! Sige ba! " Sigaw na pag sangayon ni Kyla
" Game ako diyan kayo? " Tanong ni helen
" Ako g na g! " Maligayang sagot ni Kyla na naka wagayway pa Ang kamay, nagsitinginan silang lahat sa akin
" Sabihin mo sa akin sasama ka Diba, wag mong sabihin na Hindi dahil ikamamatay ko Rhian maawa ka sa akin,
Hindi porket nahanap mo na Ang nanay mo ay ipagsasawalang bahala mo nalang kami " madramang Ani ni helen

Kaya natulala kami sa kanya
" Helen-eonni gwaenchanh euseyo? ( Helen are you ok? ) " Pag kokorean ni Kyla Kaya naka tanggap siya ng Palo sa braso
" Diba Sabi ko sayo wag mo Kong ma Korean korean! " Sigaw ni helen
" Ay wae?! ( Why ) " Galit na Ani ni Kyla sabay himas ng nasa braso niya, nakita niyang Galit na Galit si Helen sa lengwahe niya
" Yah bichisso aishh shibal, ne, dangsin-eun dul jung gajang naiga manhseubnida. Hajiman nado apa! Neomo apa! ( Are you crazy? Shit, oo Ikaw Ang pinaka matanda sa ating dalawa ngunit nasasaktan din ako! Sakit na sakit na ako! ) " Pag kokorean pa niya di ko alam Kung ano Ang pinagsasabi niya pero ayon sa Mukha niya para siyang nasasaktan di ko tuloy alam Kung ano Ang dapat na ireact.

CHASING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon