Chapter 7

5.3K 166 7
                                    

CATARINA'S pov's:
#Sinunog

"Makakaganti din ako sa iyong lalaki ka! Argh!"

Malakas kong nasipa ang maliit na batong nakita ko sa lupa dahil sa sobrang inis. Naiinis ako. Naiinis at the same time may nais akong sapakin. Isang babae at lalaki na ang mga pangalan ay M at C!

Kating-kati ang mga kamao ko!

Nandoon na sana, e! Makakatakas na sana ako sa lugar na ito!
Pero matinik ang pakiramdam ng hinayupak na iyon! Kainis.

Sana pala ay nakipaglandian na lang ang lalaking iyon sa bruhang babae na iyon para wala ng sagabal sa pagtakas ko. Malapit na e!

Ang hinayupak na Colombus na iyon ay kinulong na naman ako dito sa loob ng kubo niya! May dalawa pang tauhan na nakabantay sa labas upang masiguro na hindi ako tatakas. Argh!

Biglang bumukas ang pinto ng kubo na siyang kinatigil ko at tingin doon. Ang nilalang na kinaiinisan ko.

"Sige na, ako ng bahala dito." Utos nito sa dalawang bantay na agad tumango at umalis. Sinarado nito ang pinto at saka bumaling sa pwesto ko.

"Ano! Matitigok na ba ako dahil sa tangka kong pagtakas?" Taas kilay kong saad at sinalubong ang titig nito.

Kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa sinabi ko. Baka kase totohanin nito iyon ay lagot ang buhay ko. Hindi na ako makakawala dito at mas lalo na hindi ko mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga kasamahan ko.

Napakislot ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang mabibigat niyang mga hakbang patungo sa akin. Napaatras ako ng ilang hakbang pero nadismaya ng dingding na ang nasandigan ko. Lihim ako napalunok.

"Saan ka pupunta, hm?" Biglang naharangan ng braso niya ang gilid ko. Habang ang isa niyang kamay ay humawak sa braso ko. Nakatitig siya ng sobrang talim sa mga mata ko.

His eyes that full of dangerous aura.

"G-gusto ko ng umalis dito! Bakit ba pinipigilan mo pa ako? Hindi ko naman kayo isusumbong dahil alam ko na papatayin mo ako oras na mangyari iyon." Kinalma ko ang sarili pero nandoon pa din ang kaba sa tono ng boses ng ko.

"Habang buhay kang mananatili dito at hindi makakaalis sa teritoryo ko. Nakalimutan mo na ba na pagmamay-ari ko ang buhay mo? Isang beses ko pa na madidinig ang mga salitang iyan ay hindi ako magdadalawang isip na patayin ka, gamit ang baril ko. Naiintindihan mo, Catarina?" Pinisil nito ng may ubod ng diin na pwersa ang chin ko dahilan para umawang ang labi ko.

Bumaba doon ang tingin nito. His eyes intently staring at my open mouth, as if he want to kiss it. Nahuli ko pa ang paggalaw ng adams apple niya na animo'y napapalunok siya.

Mas naalarma pa ako nang unti-unti niyang nilalapit ang mukha sa akin at gahibla na lang ay hahalikan na niya ako. Pero hindi ako papayag na madumihan ng bibig nito ang labi ko.

Akma ko siyang itutulak nang makarinig kami ng galabog sa pinto dahilan para maitulak ko na siya.

"Boss leader! May nagpasabog sa mga stock natin ng bigas sa isang bodega natin sa kanluran! Marami din ang sugatan at may ilang mga nasawi!" Bungad na bulalas ng isang tauhan niya na may bahid pa ng dugo ang suot na damit.

"Fuck." Napatingin ako kay Colombus na napalitan ng mabagsik na aura ang mukha. Napakuyom din ang mga kamao niya bago na hinarap ang tauhan niya. "Naagapan niyo ba ang sunog? Seryoso ang boses nito.

"Oo, boss! Pero walang may natira sa mga stock natin ng bigas at iba pang mga kagamitan doon! Pasensya na boss!" Dismayado naman ang mukha ng tauhan nito.

Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon