CATARINA
#NaiinisNa"Laureen." Napalingon ako sa lalaking hindi ko pa kilala.
Sobrang kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa akin ng matagal bago bumaling ang tingin nito na tiyak akong kay Laureen.
Napatayo naman si Laureen at kita ko ang kaba sa mukha nito.
"K-kuya.."
"Hinahanap ka ng ate mo—"
"Laureen! Kanina pa kita hinahanap at anong ginagawa mo kasama ang babaeng iyan?!" Biglang sumulpot ang bruhang babae na marahas hinablot ang siko ni Laureen.
Akma kong magsasalita ng makita kong umiling ng lihim si Laureen na kinatango ko bago balingan ang kapatid nito at pekeng napangiti.
"Masama na ba ang makipagkaibigan ngayon?" Tumalim ang mga mata ng bruha at dinuro pa ako.
"Oo— sa katulad mo! Kaya Laureen binabalaan kitang na huwag makipag-usap sa babaeng ito kundi makakatikim ka sakin! Naiintindihan mo?!"
Tumango tango naman si Laureen at kita ko ang pagdiin ng kamay ng bruha sa kapatid nito.
Magkapatid pala silang dalawa.
"Huwag mo naman saktan ang kapatid mo."
Naibulalas ko na kinatawa nito ng peke bago lumisik ang mga mata sakin.
"Huwag kang mangi-alam o manghimasok sa'min dito at huwag na huwag mo din akong utusan sa kapatid ko!"
Tumaas lamang ang kilay ko at hindi na ito pinansin.
Naaawa lamang ako sa kapatid nito at sa kalagayan nito.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng bruhang iyon oras na malaman ang pagbubuntis ng kapatid nito.
Maybe, mas worst pa ang sasapitin ni Laureen.
Hindi din naman matatago ang pagbubuntis nito.
Nga lang sa murang edad.
Hinaklit na nito ang kapatid palayo at kita kong walang magawa si Laureen.
"Sa tingin mo matatapos mo ang paglaba mo?" Huminga ako ng malalim bago ito hinarap.
"Sabi ko nga ay uumpisahan ko na, diba?" Tumaas ang kilay nito pero lumakad na ako pabalik sa labahan at hindi ito pinansin.
Inumpisahan ko nang maglaba habang pakanta kanta ako at wala akong paki kung sintonado man ako, atleast para sakin ay maganda ang boses ko.
Wala din akong paki sa lalaking nasa likod ko.
Bahala itong maingayan sa boses ko.
MAKALIPAS ang isa at kalahating oras.
"Shit naman!" Naibulalas ko habang minamasahe ang balakang ko dahil sumakit ito kakalaba ko.
Tapos ko nang masampay ang lahat ng damit ng magaling na lalaki at sobrang naiinis ako.
But at the same time ay todo pula ang mukha ko dahil naglaba lang naman ako ng brief nito, na triple size na iyata ang laki.
Sabi nang halimaw ang tinatago noon.
Nakaupo ako dito sa bangko habang hinihilot ang beywang ko pero bigla akong napahiyaw nang mabasa ang buong katawan ko ng tubig na kay lamig.
"Aaahhh!! Shit! Sinong may gawa nun!"
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Ficción GeneralColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...