CATARINA'S pov's:
#HerSavior"Colombus Hunstman!! Iligtas mo naman ang pearls ko!!" Ubod lakas kong sigaw na kinatigil ng dalawa at naalerto sa paligid pero kapwa din napangisi sabay hawak sa magkabila kong kamay at paa. Kahit anong piglas ko ay wala akong nagawa para makaalis. "Huwag niyong gagalawin ang pearls dahil mananagot kayo sa asawa ko, mga gago!"
Sigaw ko pa nang magsimula ang isa na baklasin ang blouse ko at nginisihan lang ako habang ang isa naman ay sinampal akong muli na kinalisik ng mga mata ko pero napapikit din sa hapdi ng pisngi ko.
"Tumahimik ka! Mamaya lang ay hihiyaw na tayo sa sarap——ack!" Napakislot ako ng may natumba sa paanan ko. Dumilat ako para lang mapasinghap nang makitang dilat na dilat ang mata ng lalaki sa paanan ko habang may masaganang dugo ang lumlabas sa leeg nito.
"C-colombus!..."
"S-sino ka!"
Sabay na sambit namin ng lalaki sa uluhan ko sabay bitaw sa mga palad ko at nagkandarapa sa pagtakbo pero bigla nalang itong bumagsak nang may isang kutsilyo ang bumaon sa ulo nito. Napatingin ako kay Colombus nang bigla niya akong inalalayan paupo. His aura is dark, his eyes are looking at me with deep emotions that I can't tell for now. Pero saglit lang dahil napalitan iyon ng pag-aalala.
"Ayos ka lang, sweetheart? Fucking hell! Mapapatay ko ang sarili pag may nangyaring masama sa 'yo! Damn it!" Napapitlag ako sa malalim at galit niyang boses pero bumalik na naman iyon sa pag-aalala. "I'm sorry. Wala bang masakit sa iyo? Hindi ka nila sinaktan——fuck! Sinampal ka ng mga gagong iyon!"
Pagmura na naman niya nang maingat niyang hinawakan ang pisngi ko at napaawang ng malaki ang labi ko dahil hinalikan lang niya ng matagal ang pisngi kong sinampal. I feel softness and hotness from his lips against my skin, nakakakilabot na nakakanginig ng balat.
"W-what are you doing?!" Mahina ko siyang tinulak at sinamaan ng tingin na kinangunot ng noo niya.
"Bakit mo hinalikan ang pisngi ko?"Dapat sa labi, eh! Char!
"Para mawala ang sakit?" Unti-unting napalitan ng ngisi ang mukha niya. His playful signature smirk that he always shown to me.
"Sus! Isa ba akong bata?" Pagtataray ko para mawala itong pamumula ko. Bakit ba kinikilig ako sa lalaking ito? But I'm really thankful he's coming to rescue me from danger.
He's my savior. Ang tagapagligtas ng pearls ko na ilalaan lang para sa kaniya! Worth it ang pearls ko kapag natikman na ito ni Colombus. Char!
Ayan na naman ang other half kong utak na may sayad. Araw-araw talaga may kalandian sa isip pero hindi naman niya iyon mahuhuli! Pero nagugustuhan ko din kapag nilalandi ako ni Colombus, kinikilig pa itong pearls ko sa kalandian niya. Char!
"Hindi ka nga bata pero ang tigas lang ng ulo mo. Bakit nagpunta kayo ni Laureen ng bayan na hindi pinapaalam sa 'kin? Kung hindi ko pa nakasalubong si Laureen ay hindi ko malalaman na nasa panganib ka? Damn it! Para akong sinapian ng demonyo nang malaman na nasa panganib ka!"
Seryoso niyang sabi at puno ng galit ang boses at mas nagulat pa ako nang kinabig niya ako sa matigas niyang dibdib. Ramdam ko agad ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Napakurap ako at hinayaan ang sarili ko na sumiksik doon dahil pakiramdam ko ay komportable ako sa mga bisig niya. Bigla din nawala itong takot sa dibdib ko.
I felt safe, secure, and comfortable inside his arms. Nakakagaan din sa pakiramdam ang init ng katawan niya na gusto ko na lang yumakap sa kaniya habang buhay. Hindi ko alam pero kusang yumapos ang mga braso ko sa beywang niya at lalo pang diniin ang mukha ko sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Fiction généraleColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...