CATARINA'S POV'S:
#Madamdamin"H-hi po, ate Catarina...." Nahihiya na pagbungad sa akin ni Laureen nang pagbukasn ko siya ng pinto.
Katatapos ko lang magbihis galing nga sa ilog dahil ang lentek na Colombus ay binasa ako kanina doon. Nawalan ako ng balanse sa paghawak nito sa binti ko kung kaya't natumba ako at nabasa nga ang buong katawan ko.
Kung nakakamatay lang ang mura ko kanina ay natigok na ang lalaking iyon. Ang lentek ay inaasar pa ako kanina sa mga ngisi nito.
"Ikaw pala, Laureen. Pasok ka—wait, what happened to your face?" Hinila ko siya sa loob bago sinarado ang pinto at saka hinarap siya.
Her right cheek is swollen and I know it came from a slap. Nakaiwas ang tingin nito sa akin pero nakita ko ang pamumuo ng mga luha nito. Hinawakan ko ang magkabilang palad nito dahilan para tumingin ito sa akin. Napapakurap pa ito sa kaba.
"What happened? Did your sister slap you? Siya ba ang may gawa nito sa pisngi mo?" Nag-alangan pa ang pagtango nito na siyang kinalisik ng mga mata ko.
How dare she to hurt her sister, her pregnant sister? She's so evil and a witch older sister to Laureen.
"N-nalaman niya na buntis ako kaya niya ako sinaktan!..." Gumaralgal na ang boses niya kaya dinala ko siya sa dibdib ko, while massaging her back to calm her.
The hormones of a pregnant woman is very sensitive and fragile. They need care and understanding whether it big or a small problem.
Kung nandun lang ako nang sampalin ng bruhang iyon si Laureen ay tiyak na ako ang unang sumampal doon. Paano nito nagagawa na saktan ang kapatid nito at buntis pa? Wala ba itong consideration sa kapatid nito?
"Paano niya nalaman?" Napatingin ako sa tiyan niya na medyo maumbok na ang hulma sa damit na suot niya. Lumang bestida ang suot niya na medyo may mga butas pa.
Sa bahay ay marami akong damit na hindi ko na nagagamit ang iba at nakatago lang sa closet ko. Iyong iba ay minsan ko lang nagamit. If ever na makakaalis ako dito ay gusto kong isama si Laureen at ibigay ang mga damit kong iyon sa kaniya, but I know I can't do that, dahil si Colombus agad ang una kong makakalaban.
Mabuti pa si Colombus ay may malasakit kay Laureen. Siguro dahil kapatid siya ng nobya niya. But still, he cared for her like a true little sister.
May pamilya pa ba si Colombus?
"N-nakita po kase niya kahapon ang pregnancy test na binigay sa akin ni Russel para malaman kung totoong buntis po ako...." Kumalas siya para salubungin ako ng namumula niyang mga mata.
Kung kapatid ko lang siya ay hindi niya mararanasan ang ganitong sakit. Hindi ko siya sasaktan at mas dadamayan ko pa siya sa kinakaharap niyang problema o bigyan ng tamang gabay na malampasan din ang pagsubok na ito sa kaniya.
Pero wala din akong karapatan na manghimasok sa kanilang magkapatid. Ang maitutulong ko lang ay ang pagaanin ang loob ni Laureen at protektahan siya sa physical na pananakit ng bruha niyang kapatid.
"Sino si Russel? Siya ba ang lalaking nakabuntis sa iyo?" Ang tinutukoy ko ay ang kanang kamay ni Colombus. Isang lentek din na lalaki.
Tumango si Laureen at nakompirma ko na ito nga ang lalaki.
"Opo. S-sinubukan ko kase siyang kausapin nung isang araw at hindi siya naniwala na buntis ako kaya bumili siya ng pregnancy test sa bayan para gamitin ko. Positive nga ang result at todo galit siya nang malaman iyon bago niya ako iniwan ng walang sagot. Nailagay ko naman sa ibabaw ng kabinet ko kaya iyon nakita ni ate Marga." Pumiyok na naman ang boses nito.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Художественная прозаColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...