Chapter 24

7.1K 232 41
                                    

CATARINA pov's:
#Patikim02

"Grabe, ang lakas po ng ulan sa labas." Sabi ko na nakapanglubabang nakatingin sa labas mula dito sa maliit na bintana ng kubo ni Nay Lusing. Katatapos lang ng hapunan namin at sakto naman na bumuhos ang malakas na ulan. Kanina lang ay maganda ang sikat ng araw tapos biglang uulan. "May sa topak 'yata ang panahon gaya ng utak ng tao."

Mahina kong bulong pero narinig iyon ni Nay Lusing dahil mahina siyang tumawa sa likod ko. Nasa likod lang siya at busy sa ginagawa niyang pagbuburda ng damit.

"Climate change na ang tawag diyan, Hija. Alam mo naman ang panahon paiba-iba ng dating dahil nasisira na ang ating ozone layer." Malumanay na saad niya. Napalingon naman ako sabay ngisi ko.

"Ang talino mo po pala sa Science, Nay Lusing!" Napabungisngis ako sa biro ko sabay lapit at upo sa tabi niya.
"Tayo din po kase ang sumisira sa kalikasan kaya tayo din po ang naaapektuhan." Napalumbaba ako habang nakatingin sa pagbuburda niya ng isang tshirt, kay Colombus 'yata ang damit kase malaki.

"Kaya nga ginagantihan na tayo ng kalikasan. Nga pala, hindi pa bumabalik si Colombus? Ang lakas ng ulan at bumalik pa siya doon sa border?" Sunod-sunod na tanong niya na sinasabayan ko naman ng pag-iling. Nakita ko sa maliit na relo ni Nay Lusing na malapit ng mag-nine at malakas pa din ang ulan at sobrang dilim pa sa labas.

"Hindi pa po, eh. Nagdala po kase siya ng dagdag na gamit at ilaw doon sa border. Sabi niya babalik din siya." Nakita kong napatango si Nay Lusing at ang papikit-pikit niyang mga mata. "Matulog na po kayo, Nay. Ako ng bahalang maghintay kay Colombus."

"Inaantok na nga ako. Sige, Hija, mauuna na akong matulog sa inyo."  Inayos niya sa lalagyan ang tshirt na hindi pa natapos burdahin bago siya pumasok sa silid niya.

"Sige po, Nay Lusing. Good night." Pahabol ko at muling napalumbaba sa upuan. Hindi ko maiwasan na pumikit-bukas ang mga mata ko dahil sa totoo lang ay inaantok na din ako.

Bumukas ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa si Colombus na basang-basa ang buong katawan kaya napatayo agad ako at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pinto.

"Bakit gising ka pa?" Bungad niya nang abutin ang tuwalya sa kamay ko.

"Siyempre hinihintay kita at nag-aalala sa iyo si Nay Lusing." Pag-irap ko habang kumukuha ng damit niya sa kakatupi ko lang na mga damit niya. Iyong mga nilabhan ko kanina at buti naman natuyo lahat.

Pagkaharap ko sa kaniya para iabot ang damit niya ay natigilan ako at napaawang ang labi sa nakikita kong view. He's only wearing his boxer briefs, nakahulma ang hindi ko dapat makita pero huli na dahil nakatulala ako doon sa makalunok na view.

Jusko! Mother queen of all pearls.... Mapapasabak talaga ng sisidan ang pearls ko kay Colombus———Char!

"Mas lalo akong nilalamig sa ginagawa mong pagtitig sa 'kin, sweetheart." Bulong niya sa tenga ko para ako ay mapalundag sa gulat.

Nasa harap ko na siya at nakangising nakatunghay bago pumulupot ang braso niya sa beywang ko, napakislot ako sa gulat at tigas ng dibdib niya. He is staring at me with his deep ocean eyes that I'm fully aware I'm staring him back, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"M-magbihis ka na baka magkasakit ka." Iyon na lang ang nasabi ko sa nauutal na boses.

Ngumisi siya ng malapad sabay hawak at pisil niya sa chin ko bago dumako ang tingin niya sa labi ko. Dahil nakaawang ang labi ko ay nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya, bago bumalik sa mata ko ang titig niya na mapanukso.

Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon