CATARINA'S pov's:
#StartOf Diving"Hmmm...." Ungol ko nang may tumatapik sa pisngi ko
"Sweetheart, wake up." Napamulat ako ng mata sa mainit na hininga na tumatama sa mukha ko, napakurap din ako nang makasalubong ko ang bughaw niyang mga mata na sobrang lapit sa akin.
"Nandito na ba tayo?" Sabi ko at umayos ng upo saka ko nilibot ang tingin. Biglang nagningning ang mga mata ko nang makita ang gate ng bahay namin kahit medyo madilim.
"Oo kaso wala 'yatang tao sa bahay niyo dahil kanina pa ako nagbubusina dito at walang may nagbubukas ng gate." Tugon ni Colombus bago siya bumaba para kumabila at buksan ang gilid ng pinto sa side ko.
"Wala kaming katulong dahil all around si Mommy sa bahay namin na hindi naman kalakihan." Paliwanag ko nang makababa ako at napatingin sa bahay namin na mahigit isang buwan ko ding namiss.
Madilim nga ang buong bahay sa loob, maliban dito sa labas na galing sa ilang poste ng subdivision
"Kaya pala walang may sumasagot sa tawag ko." Dumako ang tingin niya sa itaas ng gate bago bumaling sa akin ang tingin niya saka siya napangisi. Tumaas ang kilay ko dahil mukhang alam ko ang binabalak niya. "Aakyatin ko na nang makapasok na tayo sa loob. Ang lamig na dito sa labas." Balewala niyang saad.
Napatango na lang ako dahil kanina pa nga ako nakakaramdam ng lamig. Hindi ko alam kung anong oras na pero tiyak ako na past twelve na ng magdamag dahil sa lamig ng hangin.
"Okay, ikaw ang bahala. Mag-ingat ka lang na huwag matusok sa matutulis na bakal." Pag-irap ko nang makita ang ngisi niya bago siya umakyat ng walang kahirap sa medyo mataas na gate namin.
Bawat galaw niya ay pinagmamasdan ko, bawat galaw ng katawan niya ay nakakaakit talaga sa paningin ko. Walang maiipintas sa lalaking ito. Kahit simpleng pag-akyat lang sa gate namin ay pinapahanga na ako.
He's really now my husband? Dito na ba kami magsisidan---
"Sweetheart, tara na!" Napapitlag ako sa boses niya kaya napakurap ako at tango sabay hakbang ko sa nakabukas na gate namin.
Saan naman kaya nagpunta sila Mommy at Daddy? Patuloy ba nila akong hinahanap? Sana naman walang masamang nangyari sa kanila dahil hindi ko alam ang gagawin ko oras na nangyari iyon.
Dahil nakalock ang main door ay nagbakasakali kami sa likod ng bahay kung saan naroroon ang kusina pero nakalock din kaya nadismaya ako. Ang lamig na kase dito sa labas.
"Sisirain ko na ba ang pinto?" Napatingin ako sa kaniya at tumango dahil iyon na lang talaga ang paraan para makapasok kami sa loob, ayoko naman na basagin niya ang bintana namin baka magalit ang magulang ko.
Ganun na lang ang biglaan kong pagtili at hawak sa dibdib ko nang makarinig ako ng putok sa harapan ko. Sinamaan ko ng tingin si Colombus saka siya tinampal sa balikat niya dahil sa gulat ko at muntik ng atakehin sa puso.
"Gusto mo ba akong patayin sa nerbiyos, ha? At saka bakit ba binaril mo? Akala ko sisipain mo lang!" Sita ko na kinailing at ngisi lang niya habang nasa kamay ang baril na ginamit niya. "Baka isipin ng mga kapithahay namin na may barilang nangyayari dito at mabulabog sa ginawa mo sa dis-oras ng gabi." Pag-irap ko pa.
Bigla naman niya akong hinila sabay yakap mula sa likod ko na kinapitlag ko. Pinatong niya ang baba sa balikat ko sabay higpit ng yapos sa beywang ko, napakislot tuloy ako sa kiliti.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Ficción GeneralColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...