CATARINA'S pov's:
#Preparation"Gosh! Muntik ng may mangyari sa amin ni Colombus...." Ilang ulit ko ng binubulong-bulong iyon sa hangin. Thankful ako dahil ako lang ang mag-isa dito sa kusina. Hindi din maiwasan na mamula ako habang inuulit ng utak ko ang eksenang iyon kagabi lang. I felt that his lips and touch are still on my body, I let him touch me and kiss my breasts that no one can do in my entire life.
"Ate."
"L-laureen!..." Gulat kong sambit nang lingunin ko siya mula sa niluluto kong spaghetti. Birthday kase ngayon ni Nay Lusing kaya tulong -tulong kaming mga babae sa pagluto ng pagkain na ipeprepare mamayang gabi. Surprised birthday ito sa kaniya at hindi niya alam dahil nasa bayan siya may binisitang kaibigan.
Ngumiti naman si Laureen at saka tumabi ng tayo sa gilid ko. Tinitingnan niya ang ginagawa ko habang ako nakatitig pa din sa kaniya dahil at tinitingnan ang reaksyon ng mukha niya dahil sa nangyari kagabi. Alas dose na iyon ng gabi at hindi ko alam na gising pa siya ng oras na iyon.
"About last night———"
"Hindi na po ako magugulat kung makita ko kayo ni Kuya sa ganung tagpo." Nagtaka ako sa kaniya at sakto naman na lumingon siya kaya nakita niya ang reaksyon ng mukha ko. "Hindi ako galit at lalong hindi ko kayo isusumbong kay ate Marga." Nakangiti niyang patuloy bago tingnan ang spaghetti na ngayon ay hinahalo ko na ang mga sangkap.
Dumako ang tingin ko sa maumbok na niyang tiyan. Napaisip ako kung nakapagpacheck-up na ba siya sa doctor at kung tama ba ang pagkain ng mga masustansyang pagkain dahil medyo nangangayat ang katawan niya. Masama iyon para sa baby niya kung hindi niya inaalagaan mg husto ang katawan niya.
"Laureen." Tawag ko para kuhanin ang atensyon niya.
"Po?" Nagtataka na tiningnan niya ako.
"Nakapagpacheck-up ka na ba sa doctor?" Nag-iwas siya ng tingin.
"H-hindi pa po...."
"Hindi man lang nag-abala ang ate mo na dalhin ka sa hospital? Anong klaseng kapatid siya!" Medyo tumaas ang boses ko na kinapitlag niya kaya agad akong humingi ng tawad. "I'm sorry tumaas ang boses ko." Tumango lang siya sa akin.
"Ayos lang po. Wala din kase kaming pera para pumunta sa doctor." Tumalim ang mga mata ko sa sinabi niya at gusto kong sabihin na may pera si Marga pero ginastos lang siguro nito sa mga luho nito. Iyong pera na binigay ni Colombus ay hindi man lang ito naglaan para sa medical check-up ni Laureen?
"Don't worry sasamahan na lang kita bukas para sa check-up dahil hindi maganda kung hindi mo ipapatingin ang kalagayan mo." Bigla siyang napatingin sa akin na gulat ang mga mata pero nagliwanag din iyon sabay hawak niya sa mga kamay ko.
"T-talaga po?" Tumango ako at pinisil ang mga palad niya. Magaan talaga ang loob ko sa kaniya kahit hindi ko naman siya kapatid o kamag-anak pero ang tingin ko naman sa kaniya ay parang nakakabata kong kapatid. Siguro dahil sa nag-iisa lang akong anak ay nais kong maramdaman kung paano ang maging ate sa kapatid niya.
"Yes." Simpleng tugon ko at nakita kong muli ang pagsulyap niya sa niluluto ko. "Gusto mo ba ng spaghetti?" Tila kuminang naman ang mga mata niya.
"G-gusto po pero nakakahiya naman na ako ang unang kakain...."
"It's okay. Marami naman itong niluto ko kaya ayos lang. Saka alam ko na naman na nagki-craves ka at normal lang iyon sa mga buntis. Maupo ka na doon sa lamesa." Tugon ko. Namula pa siya sa sinabi ko. Kumuha naman ako ng isang plato at nilagyan ng spaghetti bago iyon dalhin sa kaniya. "Enjoy eating."
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Fiksi UmumColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...