CATARINA'S pov's:
#MeetTheParentsIn-law"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makarating kami sa highway.
Nagpaalam kami kila Mommy na may pupuntahan daw kami ni Colombus at hindi sinabi kung saan. Matapos niya akong paliguan nun ay may nangyari na naman sa amin sa kwarto ko, bago iyon ay may nangyari sa amin sa banyo. Kaya sampong beses na akong sinisid ni Colombus ng walang kapaguran. Nanggigil siya sa akin.
Ang ending ay sobrang sakit ng katawan ko at uminom na lang ako ng pain reliever. Obvious na obvious din ang mga markang iniwan sa akin ni Colombus. He's a wild diver!
Jusko! Isinisid niya lahat sa loob ko!
Masaya din ako nang lumabas ng silid dahil nakita ko din na maayos sila Mommy at Daddy. Nagkaiyakan kahapon at pinaliwanag naman daw ni Colombus ang mga pangyayari sa kanila noong nawawala ako.
"Sa bahay namin. Gusto kitang ipakilala sa magulang ko." Nakangisi niyang sabi sabay pisil sa palad ko na kanina pa niya hawak.
Lihim naman akong kinikilig pero agad nanlaki ang mga mata ko nang matanto kong pupunta kami sa bahay ng mga magulang niya.
"H-hindi ba nakakahiya?" Tiningnan niya ako na kunot ang noo.
"Bakit naman nakakahiya? Asawa kita kaya may karapatan kang makilala ang magulang ko." Muli niyang pinisil ang palad ko kaya napatango na lang ako.
Asawa. Ang aga-aga pinapakilig ako ni Colombus. Kapag sinasabi niya ang term na iyon ay sumasaya din ang heart ko. Nais pa nga 'yatang lumabas.
"Ayos lang ba na iwan mo ang kampo na wala ka doon? Baka bigla na lang lumusob ang mga kaaway mo at madamay doon ang mga tauhan mo, sila Nay Lusing."
Pag-aalala ko at hindi maiwasan na mangamba sa kaligtasan nilang lahat doon. Kahit sabihin pa na may magagaling siyang mga tauhan ay hindi pa din ako panatag. Napamahal na kase silang lahat sa akin.
"May tiwala ako kay Russell. Pero hindi din naman tayo magtatagal dito at babalik din doon. Gusto ko lang ipakilala ka sa magulang ko bago tayo umalis." Sabi niyang nakatitig sa mga mata ko.
Hindi ko alam pero nakita ang ningning sa mga mata niya. Ako na tuloy ang nag-iwas ng tingin mula sa matiim niyang pagkakatitig. Pero sobra akong pinapakilig ni Colombus.
Wala na kaming imikan sa biyahe na umabot na 'yata ng ilang oras bago kami nakarating sa isang exclusive na subdivision na pangmayaman lang. Lahat kase ng bahay ay mansion at may malaking space ng lupain. Medyo malayo din ang distansya ng bawat bahay sa isa't-isa.
Pero mas napahanga ako sa isang napakalaking mansion na namumukod tangi sa lahat ng nakatayong bahay dito. Nakatayo ang bahay sa medyo mataas na bahagi ng lupain at matatanaw ang view ng dagat at bundok, kase nandito nakatayo ang subdivision na tanaw ang view ng bundok na hindi ko alam kung anong pangalan.
"M-mansion niyo na ba ito?" Mangha kong tanong sa pinaghalong gray at white ng mansion at sumisimbolo ng karangyaan ang pagkakagawa ng modernong bahay.
Nagtaka pa ako nang makita na may ilang black men ang nakastation sa bawat paligid. They're alerted their sight and guard the surrounding.
"Yes. Let's get inside. Tiyak akong naghihintay na ang magulang ko sa loob. Especially si Mom na excited kang makita." Pagngisi niya sabay pisil na naman sa palad ko.
Nagulat naman ako dahil hindi ko alam na kinikuwento niya pala ako sa mga magulang niya. Nahihiya naman ako pero at the same time ay excited ko na din mameet ang parents niya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Genel KurguColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...