CATARINA'S pov's:
#Sinugod"Ate Catarina! Hindi po ba kayo maliligo?" Tawag sa akin ng batang babae na si Nica, naliligo sila at iba pang mga kasama niyang bata sa mababaw lang na tubig at sobrang saya nila habang naghahabulan ng laro. Katabi ko naman ang ilang mga Nanay nila na naglalaba din dito sa ilog, kasama ko si Laureen, na maglalaba din pero iilang damit lang niya at ni Russell and dinala.
Ayoko man sabihin pero nagsasama na ang dalawang couple sa bahay nung Russell. I hope he's caring her well, dahil kung hindi ay ako talaga ang unang makakalaban niya kapag inaapi niya dun si Laureen.
"Sige, mamaya na ako maliligo! Enjoy lang kayo sa swimming niyo!" Balik na sigaw ko habang kinakaway ang palad ko. Nawiwili akong pagmasdan sila habang masayang naghahabulan sa tubig.
I miss my younger self. Naaalala ko ang mga panahon na tanging paglalaro lang ang inaatupag ko, walang pinoproblema, sa halip ay lagi lang masaya sa mga bagay na nakukuha ko. Life is easier and always happy when I was a kid.
"Gawa na din kayo ng baby ni Kuya Colombus, ate Catarina...." Pagsiko na bulong sa akin ni Laureen na siyang kinadilat ko sa gawi niya.
Aba't! Marunong ng magbiro ang batang ito, ah!
Pero lagi ko ngang iniimagine kung ano ang magiging kalabasan ng magiging anak namin ni Colombus. Tiyak mga gwapa at gwapo. Siyempre mana sa parents nila.
Ang feeler ko, no? Hindi pa nga nabibiyak ang pearls! Siguro mamaya pag-ginapang niya ako———char!
"Manahimik ka nga, Laureen! Ikaw ang mag-ingat dahil buntis ka at masama sa iyo kung gabi-gabi kang ginagapang nung Russell na iyon!" Mahina kong sita na tiniyak kong kami lang ang makakarinig ng usapan namin. Nakita ko ang pamumula niya at pag-iwas ng tingin sa akin. "So, tama nga ako ng hinala?"
"A-ate naman.... Nakakahiya pero hindi ko kase mapigilan si Russell na...." Mas namula siya sabay takip ng palad sa mukha niya. Naiiling na napaikot na lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
"Ewan ko sa inyong dalawa pero sana alagaan mo pa din ng husto ang baby at kalusugan mo, Laureen." Pangaral ko kahit ilang beses ko na 'yatang nasabi iyon.
"O-opo, ate Catarina." Mahina niyang tugon at ngumiti ng marahan sa akin. Medyo maumbok na ang tiyan niya kaya sobra akong nag-aalala kahit alam ko naman na sinusunod niya ang pag-take ng vitamins para sa kanila ng baby niya.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalaba ko nang mabulabog na lang kami ng isang matinis at galit na boses na alam ko kung kanino galing.
"Hoy, babae! Alam kong ikaw ang dahilan kung bakit humiwalay sa akin si Colombus! Malandi ka!" Dahil sa bilis ng pagsugod nito sa akin ay hindi ko napaghandaan ang bigla niyang pagsabunot sa buhok ko. "Malandi ka! Kung bakit kase hindi ka pinatay ni Colombus at ikaw pa ang dahilan ng pagkahiwalay namin! Sinira mo ang relasyon namin! Malandi kang gaga ka!"
Galit na galit niyang sigaw habang nanlilisik ang mga mata sa akin sabay tutok ng kutsilyo sa leeg ko. Panay naman ang hawi ko sa kamay niya dahil nararamdaman ko na ang kirot sa anit ko, idagdag pa ang matutulis nitong mga kuko na tumutusok sa balat ko doon, at saka hindi ko magawang gumalaw ng maliksi dahil sa kutsilyo sa leeg ko na handang tumusok sa akin.
"Hoy, bruha! Ikaw ang sumira sa relasyon niyo dahil kumaliwa ka! You're a cheater! At talagang sa kaaway pa ni Colombus ka lumandi———ikaw ang malandi, witch!"
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Художественная прозаColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...