COLOMBUS pov's:
#WrongTiming"Bro! Pwede na ba kitang dalhin sa mental?" Nakatanggap ako ng suntok sa balikat galing sa kakambal kong wrong timing sa pagmumuni ko. "Pangisi-ngisi ka kaseng nakatulala sa kawalan na parang baliw. Tsk!"
Ngising napailing-iling pa ito habang tinititigan ang baril nito. Kung hindi ko lang kakambal at kamukha ang lalaking ito ay pinasabugan ko na ang mukha kanina pa. Nandito na naman siya para asarin ako at makita si Catarina para kamustahin.
Damn it! Binali 'yata ni Catarina ang likod ko nang sipain niya ako ng malakas kagabi, hindi ko napaghandaan ang ginawa niya dahil pareho kaming nagulat sa boses ni Nay Lusing kagabi.
Hindi naman niya nakita ang pagsisid ko kay Catarina pero konti na lang sana at matitikman ko na. Kaya tuloy nagsariling sikap na lang ako nang ewan ako ni Catarina, na bitin na bitin at gising na gising.
"Fucking shit, Bro! Get a room! Pakalmahin mo muna ang buddy mo bago humarap sa 'kin!" Saad na naman ng lentek kong kakambal.
Agad kong nakuha ang kutsilyo sa gilid ng lamesa at mabilis inasinta ang pwesto nito. Nakangising maagap naman nitong nahuli ang talim nun at nilaro-laro iyon sa palad nito. "Nakascore ka na ba, Bro?"
"Shut up!" Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata.
Agad na bumungad sa balintanaw ko ang magandang mukha ni Catarina pero nanlilisik ang mga mata kapag inis na inis na sa 'kin.
Lagi naman siyang nakalitaw sa utak ko, lagi niyang ginugulo ang sistema ko, lagi siyang hinahanap ng presensya ko. Nababaliw na nga ako siguro dahil lagi ko siyang iniisip, mas atat na atat na din akong maangkin siya ng buo.
"Nga pala, naengkwentro namin ang Oton kahapon malapit sa boundary ng Eagle Division. Isa ang namatay sa team ko at lima ang sugatan pero marami ang nasawi sa kanila kaya umatras agad ang grupo nila." Napadilat ako at seryosong tumingin sa kaniya.
Alam ko na ang Sigmatuna at Oton ay bumubuo ng alyansa para mapadali ang pagbagsak ng teritoryo ko. Ang mga nangyayaring pagsugod ay hakbang nila para sa isang digmaan.
Kaya nga doble ingat ang ginagawa ko at lihim nagtalaga ng tig-iisang tauhan ko para magmatyag sa bawat galaw ng dalawang grupo na iyon. Hindi ko hahayaan na makamtan ang gusto nila, this is my territory, my people, and my home to protect.
"Colombus...."
"Bro, nandito ang ex mo. Exit muna ako at maglibot sa labas." Sambit sa 'kin ni Colombian na kinatingin ko sa pinto. Nakatayo doon si Marga. "Kamustahin ko na muna ang sister in-law ko. Nasa kubo mo ba siya at nag-iisa? Hm? Ano kayang gagawin ko para makuha ang loob niya?"
Lumihis ang tingin ko sa kakambal ko na malapad ang pagkakangisi habang prenteng nakapamulsa, halata ang mapanuksong ngisi sa mukha. Kinuha ko pa ang isang kutsilyo sa ibabaw ng mesa at inasinta iyon sa kaniya.
"Huwag mong subukan na akitin si Catarina kundi gigilitan ko ang leeg mo. Wala akong pakialam kung kakambal kita dahil kaya kitang patayin." Sumandal ako sa upuan at sinamaan ng tingin ang kakambal kong tumatawa na ngayon.
"Woah! I didn't know that too much love of my twin brother could kill me for his woman! Fucking shit! Hindi mo na ba ako mahal, bro? Isusumbong kita kay Dad!" Napahawak ito sa dibdib nito pero nakangisi naman sa aktingan nito.
Muli akong kumuha ng kutsilyo na nakahilera lang sa ibabaw ng mesa ko at binato iyon sa kaniya pero muli ay walang kahirap na nakuha nito iyon.
"Tsk. Labas na may kakausapin pa ako." Sumaludo naman siya bago lumakad sa pinto. Tumigil siya saglit para hagudin ng tingin si Marga saka kumindat bago tuluyang lumabas. Si Marga naman ay naiwang napapakagat-labi habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
General FictionColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...