COLOMBUS pov's:
#MeetTheParents"Sino ka?!" Napabaling ako sa boses na galing mula sa likod ko. Isang may edad ng ginoo ang nakaharap ko na medyo may kahawig sa mukha ni Catarina, ang mahal kong asawa.
Damn. Ayoko pa sanang bumangon dahil gustong-gusto ko pang pagmasdan ang nakakaakit na alindog ni Catarina habang hubo't hubad siyang nakayakap sa akin.
Pero pinilit ko ang sarili na bumangon para magluto ng agahan, rather tanghalian na namin. Lagpas alas dose na sa wall clock nila dito.
Busy ako sa pagmumuni sa nangyari sa amin ni Catarina kung kaya't hindi ko na naramdaman ang presensya ng mga magulang ni Catarina, my parents in-law.
"Colombus, Dad. Asawa ni Catarina." Magalang na paglahad ko ng kamay sa harap niya at kita ko ang gulat at pagtataka sa mukha niya.
Sa gilid ng kamay niya ay nakahawak doon ang malaking bato na kinuha lang 'yata sa gilid ng halamanan nila. Nakatingala siya dahil mas matangkad ako sa kaniya at matipuno ang pangangatawan.
"Asawa?" Hindi makapaniwalang sabi niya sabay tawa ng mahina. "Hah! Niloloko mo ba ako binata?" Taas kilay na hinagod niya ang kabuuan ko sabay tingin sa mata ko. "Maldita ang anak ko kaya imposible na tumagal ka sa kaniya o asawa pa kaya? Hah! Wala pa ngang may dinala sa bahay dito o pinakilala sa amin tapos asawa pa? Kalokohan!"
Palatak niya at biglang nalungkot ang mukha at napansin ko ang pangungulila sa mga mata niya pero agad din nawala at tiningnan ako.
Napangiti lang ako at nakatingin sa mga mata niya. Pansin ko naman na mabait ang ama ni Catarina at base sa pananamit niya ay konserbatibo siyang tao. Talagang nagulat lang siya na may asawa na ang anak niya.
Kung hindi mo blinackmail hindi mo naman magiging asawa agad si Catarina!
Sabad ng isang utak ko. Napangisi lang ako ng lihim. Atat na atat na kase akong maging akin siya kaya wala na akong choice kundi gawin iyon. Alam ko kase na hindi siya papayag kung hindi kasama ang pamilya niya.
Binaliw niya ang isang Hunstman na kagaya ko kaya magdusa siya sa pagmamahal ko.
"Hon! Sino iyang kausap mo?" Mula sa pinto ng kusina ay lumitaw ang isang magandang Ginang na tiyak akong Mommy ni Catarina.
Sa aura naman nito ay cool at malakas ang dating. Nakangiti ito sa akin na may paghangang tingin.
"At sino naman itong makisig na binatilyo na gustong magnakaw sa bahay namin?" May saya sa mukha nito pero agad napalitan ng lungkot. "Kung buhay pa sana ang anak ko gusto kitang ipakilala sa kaniya...."
Nakita ko ang paghagulhol ng Ginang na agad naman niyakap ng asawa niya. Ang pagkakaalam nila ay patay na si Catarina dahil ilang buwan na ang lumipas nang dakpin ko siya. Isang buwan o dalawa na ba?
"Ako po si Colombus. Asawa ni Catarina." Pagtikhim ko at kuha sa atensyon nila. Lalo ang Ginang na mabilis akong tiningnan.
"A-anong ibig mong sabihin, Hijo?!" Gulat na bulalas niya pero may pag-asa sa mukha. Napakamot naman ako sa batok nang dumako ang tingin niya sa kabuuan ko sabay takip ng bibig niya at napasinghap. "Oh my ghad! Did you two?"
"Yes po. Sa katunayan po ay kinasal kami kahapon at first honeymoon namin kagabi. Nasa kwarto si Catarina." Umiwas ako ng tingin nang makita ang masamang titig sa akin ng ama ni Catarina. Habang ang Mommy niya ay natatawa sa reaksyon ko pero maya-maya lang din ay napaiyak siya.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Ficción GeneralColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...