Chapter 19

5.3K 162 11
                                    

CATARINA'S pov's:
#Panganib

"So, may balak ka bang sabihin sa akin kung bakit mo kasama ang lalaking iyon kagabi, Laureen?" Mataman ko siyang tinititigan dahil umiiwas ang tingin niya na kanina ko pa napapansin.

Nandito kami ngayon sa isang fastfood at kagagaling lang mula sa check-up niya. Gaya nga ng sinabi ko kagabi ay sinamahan ko siya ngayon dito sa bayan para sa check-up niya.

"K-kami na po, ate...."

"What?!" Medyo tumaas ang boses dahilan para mapatingin sa akin ang ibang customers dito. Agad naman akong huminahon. "As in kayo na? May relasyon na kayong dalawa?"

"O-opo...." Napatampal ako sa noo ko sa naging sagot niya. Hindi ko alam kung anong sinabi ng lalaking iyon sa kaniya upang pumayag siya na makipagrelasyon dito.

Hindi man sa ayaw ko na magkaroon sila ng relasyon, in fact nga bonus na iyon dahil ang lalaking naman iyon ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero ang ipinag-aalala ko lang ay baka nabigla lang si Laureen para magkaroon ng ama ang baby niya, habang ang intensyon naman ng lalaking iyon ay hindi sincere at pinaglalaruan lamang si Laureen.

Mas maganda sana kung paghirapan muna ni Laureen ang lalaking iyon kung desidido nga ito na panagutan siya o kung totoo nga ang hangarain nito na mabigyan ng magandang buhay si Laureen. Baka ang totoo niyan ay pinaglalaruan lang pala nito.

"Mahal mo ba ang lalaking iyon? Hindi kaya ay nabigla ka lang at nagpadalos-dalos sa desisyon mo, Laureen?" Mahinahon kong tanong na agad niyang kinatango at iling.

"Mahal ko po si Russell, ate...." Pilit na sinalubong niya ang tingin ko. "Masaya po ako sa naging desisyon ko at alam ko na mahal din ako ni Russell." Patuloy niya na kinahinga ko ng malalim. Okay. I'm lost to her.

Kahit ano pa man ang sabihin ko ay alam ko na hindi siya makikinig at ang gusto pa din niya ang masusunod. So be it. I'll be happy too if where she finds her happiness, and I need to support her decision as long as she's happy with that bastard man.

Pagkalabas ng fastfood ay binili muna namin ang mga reseta ng ob-gyne niya bago dumiretso sa kalapit na mall para ipagshopping siya ng mga personal na gamit at maternity dress niya. I used my own money dahil kung ang kapatid niya ay wala siyang mapapala dahil pansariling kapakanan lang nito ang inuuna.

"N-nakakahiya na po itong ginagawa mo sa akin, ate Catarina.. Hindi ko po ito mababayaran...." Sambit niya sa mababang boses habang papalabas na kami ng mall.

Pagkatapos sa mall ay nag-ikot pa kami ni Laureen sa bayan dahil first time din niya na makapunta dito kaya nilubos na namin ang pamamasyal hanggang sa mapagod at naisipan na naming umuwi, medyo hapon na din kase at si Nay Lusing lang ang nakakaalam kung nasaan kami.

Sumakay kami ng jeep papuntang terminal ng bus dahil wala kaming service at hindi na namin inabala pa si Colombus dahil abala siya sa border. Dahil sa nangyaring sunog noon sa bodega nila ay naging mas mahigpit at tutok na siya sa mga tauhan niyang nakatalaga doon sa border. Ayaw na niyang maulit na may nakapasok na ibang kalaban sa teritoryo niya. He's busy everyday.

"Huwag mo ng problemahin iyon dahil kusa naman ang pagtulong ko sa iyo, Laureen." Kinuha ko ang dalawang palad niya at ngumiti na pinisil iyon.."You're like a sister to me and I want to help in my best. Kahit may ate ka na ay ituring mo din ako na ate mo, okay?"

"Maraming salamat po ng sobra, ate Catarina...." Tumango-tango siya at kita ko ang pamumuo ng mga luha niya. "Ang totoo nga po niyan ay higit pa po kayo bilang ate kaysa sa kapatid ko. Kung pipiliin nga po ay sana ikaw na lang po ang naging ate ko, ate Catarina!" Napahikbi na siya kaya agad ko naman siyang niyakap.

Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon