Chapter 40

3.4K 133 12
                                    

CATARINA'S pov's:
#Kampihan

"Boss! Hindi namin mahanap ang babae!" Mas lalo pa akong napasiksik sa tinataguan ko habang takip ko ng mahigpit ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. I'm surely dead if one mistake came from me!

"Mga gago! Hanapin niyo kahit saan pang lupalop ng butas iyan nagtatago! Huwag kayong tumigil sa paghahanap kundi papatayin ko kayo!" Galit na banta naman ng lalaki na tiyak akong lider sa teritoryong ito.

Napapikit ako nang dumaan ang mga yabag nila sa kinaroroon ko. I was hiding inside of this huge old tree with full bushes of leaves. Kaya hindi ako makikita basta hindi lang ako gumawa ng ingay. Ingat na ingat ako.

Pero bigla na lang akong napasigaw nang may kumagat sa binti ko dahilan para mapaatras ako at matumba sa kinatataguan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang ahas na handa na akong tuklawin nang mapapikit ako sa takot at pagnginig.

"Pota!" Napadilat ako at nasaksihan ko kung paano saksakin ng lalaki ang ahas sa mismong ulo nito. Patay na ang ahas nang mapatingin ito sa gawi ko bago iyon dumako sa binti ko.

Akma akong papalag nang mabilis itong lumuhod saka walang pasabing sinupsop nito ang binti kong may kagat ng ahas. Nagpupumiglas ako pero parang nakaramdam ako ng hilo.

Sinupsop nito ang binti ko at dinura ang dugo ng paulit-ulit hanggang sa dumilim na ang paningin ko, pero narinig ko pa ang sinabi nito.

"Pasalamat ka at gusto ka ng anak ko kaya bubuhayin pa kita." Sabi nito bago ako tuluyang nahimatay.

PAGMULAT ng mga mata ko ay pakiramdam ko nananakit ang buong katawan ko, lalo na ang binti ko. Napakisap pa ako nang masilaw sa liwanag na galing sa bintana, dahil sa ganda ng sikat ng umagang araw.

"A-aray!.." Babangon sana ako pero kumirot ang binti kong may nakapalibot na tela at may mga dahon ang nakapaloob doon.

Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking kumidnap sa akin kasabay ng pagdama ko ng takot. Napasiksik pa ako sa hinihigaan ko.

"Huwag kang mag-alala dahil hindi kita gagawan ng masama." Seryosong sabi nito habang may dala itong umuusok na pagkain. Nakita 'yata nito ang inakto ko.

Napalunok naman ako at ngayon lang nakadama ng gutom at humuni pa talaga ang tiyan ko. Napaasik naman ang lalaki sabay lapag nito ng pagkain sa tabi ko. Napatitig ako doon. Kanin at sa itaas nito ang isang tilapia at saka isang basong tubig sa may tasa.

"Kumain ka na para may lakas ka." Utos nito na kinaangat ko dito ng tingin. "Walang lason iyan." Agap nito sa nilalaman ng utak ko.

"Anong nangyari sa akin?" Mahina kong sabi at pakiramdam ko ay napakatuyo ng lalamunan ko.

"May lason ang kagat ng ahas sa binti mo at kung hindi ko iyon inagapan ay tuluyan ka ng pinatay ng lasong iyon. Dalawang araw kang tulog at pasalamat ka dahil binuhay pa kita kahit tinakasan mo ako. Ang galing mo din tumakas." Nang-uuyam na saad nito. Seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin sa gawi nito.

Dalawang araw akong tulog?!

"S-salamat." Tanging nasabi ko at mabilis kong ininom ang tubig para mawala ang pagkatuyo ng lalamunan ko. "Salamat sa pagligtas sa akin." Ulit ko at taos pusong binigkas ito.

Saglit itong natigilan pero ganun pa din ang ekspresyon sa mukha nito. Lumabas din ito at naiwan akong napabuga ng hangin. Kinain ko na lang din ang dala nitong pagkain.

Thank you Po buhay pa ako...

Maikli kong dalangin saka tinapos ang pagkain ko. Tumayo ako para sana ilagay ang kinainan ko sa maliit na lamesa pero napadaing na naman ako sa kirot ng binti ko, saktong bumukas ang pinto at iniliwa ang lalaki na mabilis akong dinaluhan.

Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon