CATARINA
#NanugodSaIbaUbod lakas kong tinulak ang lalaking nagnakaw muli ng ikalawa kong halik. Kasabay noon ay malakas ko itong sinampal bago lumabas ng kubo at nagpunta sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa.
Walang modo talaga ang lalaking iyon. Nakanakaw muli ng halik sa'kin!
Argh, nakakainis. Nakakadalawa na ito ng halik!
Mariin kong napahid ng kamay ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay nakaugkit pa ang labi nito sa'kin. Wala nga akong boyfriend pero wala na 'yong first kiss ko!
Shit. I lost my first and second kiss to that ugly freaki'n bastard!
Kailan kaya ako makakatakas dito? Kailan ako makakawala sa walang modo na lalaking iyon na basta na lang magnanakaw ng halik.
"Hoy! Saan ka pupunta tatakas ka no!"
Biglang may humawak sa balikat ko. Napatigil ako at sinuyod ng tingin ang kamay na nasa balikat ko.
Infairness, ang linis ng kamay ng isang hinayupak na ito!
Binawi ko ang balikat sa hawak nito tsaka ito nilingon. Napakunot noo ako pero agad din tumaas ang kilay ko ng mapagsino ang kaharap ko.
Ito lang naman ang lalaking nakabuntis kay Laureen.
Nakakatiyak akong siya ito, base on my observation. Nahuli ko kahapon si Laureen na palihim nitong pinagmamasdan ang lalaking ito.
But this man didn't notice it. Kahit tumingin lang sa direction ni Laureen ay hindi nito magawa.
Maybe, there's a misunderstanding between them. O, baka naman ayaw nitong panagutan si Laureen? Shit!
Hindi dapat mangyari iyon. Ginawa ng lalaking ito ang masarap na bagay with Laureen, tapos kapag nagbunga ay iiwan na lang na luhaan ang babae? No way!
Ano sila sinusuwerte?!
"Hinayupak ka'ng lalaki ka! Alam mo ba ang ginawa mo, ha?!"
Mabilis ko itong dinambahan tsaka ubod diin kong sinasabunutan ang buhok nito.
Nagulat ito sa ginawa ko. Hindi nito napaghandaan ang ginawa ko kaya alam kong napapadiin ang kuko ko sa anit nito. Tsk. Bagay lang dito.
"Fvck! Ano ba! Bitawan mo nga ako babae ka! Malilintikan ka sa'kin!"
Kung akala nito na matitinag niya ako sa pagbabanta nito, pwes nagkakamali siya ng kinalaban.
"Kakalbuhin ko itong buhok mo, hinayupak ka! You're such a bastard!"
Iyong kinikimkim kong galit ay nilalabas ko sa isa pang hinayupak na ito.
Iniimagine kong si Colombus itong sinasabunutan ko, makaganti lamang sa lalaking iyon. Hindi ako makaporma doon kaya sorry na lang ang hinayupak na ito.
At least naigante ko si Laureen dito.
"Bitawan mo ako bwiset ka'ng babae ka! Bibitayin kita patiwarik!"
Hindi maikompara ang lakas ko sa lalaking ito, kung kaya't marahas ako nitong naisadlak sa lupa.
"S-shit! Ang balakang ko!.."
Dumadaing na hinaplos ko ang aking balakang. Medyo malakas ang impact ng pagkasadlak ko kaya kumikirot ito.
Shit na lalaking iyon! Ihagis ba ako.
BINABASA MO ANG
Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader
Ficção GeralColombus Hunstman HUNSTMAN 3rd GEN SERIES. "I'll never be your slave! I'm a doctor and not your people!" Tanging ang dalagang si Catarina Ruiz ang siyang nakaligtas sa isinagawang ambush, isang gabi sa probinsya ng Isabela. Magiging bihag din siya...