Prologue

12.8K 252 12
                                    

PROLOGUE
#HateAtFirstMeeting

Matalas at agresibong nagmamatyag sa paligid ang isang binata, habang may hawak na baril.

Nagtatago ito sa mayayabong na mga talahiban sa gilid ng daan.

Habang ang mga tauhan naman nito ay nakatago sa itaas na bahagi.

Nagmamatyag sa paligid at naghihintay ng hudyat galing sa pinaka leader nila.

Ang leader nila na magaling sa pakikipaglaban, matalinong mag-isip, at walang kinatatakutang bagay o ang kamatayan.

Naniniwala ito na ang buhay ay hiram lamang kung kaya't bigyan ng kahulugan, at kapuslanan sa lipunan.

Mahabang kwento kung paano na ang isang Hunstman ay naging rebelde. Pero isa lamang ang rason na hihigit sa lahat.

Utang na loob ang buhay nito sa namayapang leader na lumigtas sa buhay ng binata.

Dahil sa isang pangyayari na muntik nang ikapahamak ng buong pamilya nito.

Pero sa tulong ng isang grupo ng mga rebellion ay nakaligtas ang buong pamilyang Hunstman.

Sumenyas ang binatang leader gamit ang palad nito, hudyat na maging handa at alisto ang lahat.

Ilang sandali pa ay may paparating na mga liwanag at ugong ng sasakyan sa kinaroroonan nila, hudyat na dumating na ang hinihintay nila.

Pagtapat mismo ng sasakyan sa unahan ng binata ay bigla itong lumitaw sa gitna ng daan.

Walang salitang pinagbabaril nito ang crystal na salamin ng kotse na kinahinto at preno ng sasakyan, maririnig ang mga hiyawan sa loob.

Ngunit agad din nakipagpalitan ng putok ang mga militar sa mga rebeldeng nakipagsulputan sa kung saang madilim na bahagi ng daan.

Tunog ng mga baril ang umalingawngaw sa madilim na daan ng Isabella.

Bawat panig ay hindi magpapatalo. Bawat bala na tumitilapon ay buhay ang katumbas.

Makalipas ang ilang minutong bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar ay unti unting humupa ang alingawngaw ng mga baril.

Hudyat na may nanalo nang kupunan.

Ilang sandali pa ay lumabas mula sa kinatataguan nito ang binatang leader ng Abukatapang.

Kasunod noon na lumitaw kung saan ang mga miyembro nito, na mga nakaligtas sa engkwentro laban militar.

Sinuri ng mga ito ang bawat bangkay na nakahandusay sa daan, sinisiguradong wala ng buhay.

Kinuha ng mga ito ang mga armas ng militar na magagamit pa. Itinabi din nila ang mga kasamahang nasawi upang ilibing ng maayos.

Bigla naman dumilim ang mukha ng binata nang may mahagip ang mga mata nito sa di -kalayuan.

Napatakbo ito doon banda habang hawak ng mariin ang mahabang baril nito.

Fvck! Kailangan kong mapatay ang gagong iyon! Walang dapat makaligtas ni-isa sa mga sundalo!

MAS BINILISAN ng dalaga ang takbo nito makalayo lamang sa lugar na iyon, kahit hingal na hingal ito.

Nangingibabaw sa kaniya ang takot dahil sa nasaksihan.

Tumatakbo ito habang umiiyak dahil sa mga kasamahan nitong nasawi.

Kabilang na doon ang mga escort nilang militar na walang may natira sa mga ito kahit isa.

Tanging ang dalaga lamang ang nakatakas mula sa mga walang awang mga nilalang na iyon.

Hunstman Series #:10- The Rebellion's Leader Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon