Chapter 3. Banyo Queen

13 2 0
                                    

" Joana!!! Okie ka lang ba? Oh Joana gumising ka!!! Mahal na mahal kita wag mo akong iiwan "

Tinatawag ako ng aking prince charming

Nakapikit pa din ako. Naramdaman kong may dumampi sa mga labi ko

Kaya minulat ko ang aking mga mata

Kusot kusot***

Nagpatingin ako sa paligid

Nasa isa akong kwarto! Puti lahat ng paligid

Sa gilid may isang matandang babae

" Asan ang mga dwende? !at asan si prince charming ko? "

Tanong ko sa matandang babae

" ha? Dwende? Prince charming? Nasa bahay ka ng mga alfonso ineng " sagot niya

" eh? Bahay ng mga alfonso? "

Naalala ko yung mga nangyare kagabi anung nangyare pagkabagsak ko?

" oo buti nga at tinulungan ka ni senyorito samuel "

" yung gwapong anghel? Tinulungan ako? " totoo ba naririnig ko?

Tinulungan nya din ako. Mahal na siguro niya ako. Bumangon na ako

" Oh bat ka bumangon? Okie kana ba? "

" asan si prince charming angel ko? "

" Si senyorito samuel ? Nasa dining room kumakain silang pamilya bakit? " hindi ko na siya sinagot at lumabas na ako ng kwarto

Asan ba ang dining room? At anu ba yun? Kwarto ba yun? Room nga diba? kwarto yun joana. Tanga!

Ang laki naman ng bahay.. saan ako pupunta dito? Nu beyen nilibot ko ang buong bahay nakarating din ako sa labas ng bahay

Nabigla ako may sapa sila dito sa bahay.. wow

Ang sarap maligo dun. Parang inaakit ako tumalon

Oh joana, halikat magtampisaw, ang baho mo na kasi

Gaga!

Inamoy amoy ko katawan ko ang tagal ko na palang hindi naliligo

Tutal hindi ko mahanap si prince charming ko!!!

Maliligo muna ako dito sa sapa

Para pag nagkita kami mabango na ako

Naghubad na ako at tumalon. Sinisid ko ang sapa. Ang sarap ang lamig tsaka ang linaw ng tubig!!!

" hoy ineng!!! Umalis ka jan!!! Baka magalit si maam!!! Dali umahon kana " sabi nung matandang babae. Sinasaway niya ako? Bakit masama bang maligo?

" what the heck ? Manang rose anung ginagawa ng pangit na yan sa pool ko ha? " sabi ng isang babaeng mangkukulam. Matangkad ito, sexy , kulot ng kunti ang buhok.. at napakapula ng mga labi. Maganda naman ito. sa aura palang mukang masungit ito

" Sorry po maam! Pagsasabihan ko siya " sabi nung matandang babae

" dapat lang! Bakit pa kasi dinala dito ni Samuel ang pangit nayan! Tsk! Kainis naman din tong si rodolfo pumayag naman grrrr !!!! " inis na sabi nung bruha

Papasok na ito pero huminto siya

" Manang pakipalitan na din ang tubig sa pool maliligo ako mamaya "

Tsaka ito pumasok!!! Grabe ang sungit naman at anung papalitan niya ng tubig? Ang sapa? Imposebling mapalitan ito ah. Galing ito sa nature. Gaga.

" ikaw naman sumunod ka sakin " sinundan ko naman siya. Bumalik kami sa kwarto kung saan ako nakahiga kanina

Siya si manang rose ang mayordoma sa bahay na ito. Mayordoma ang tawag sa nangangalaga sa bahay at nagbabantay sa mga yaya sa loob.. para pala siyang may ari ng bahay

Sinabi niya na magiging yaya din daw ako. Ang kaso hindi ako marunong sa gawaing bahay. prinsesa ako sa bahay e. Tuturuan nalang daw niya ako

" Isa pa wag na wag kang maliligo sa pool. Naiintindihan mo? "

" pool anu po yung pool? "

" tanga naman nito! Yung pinaliguan mo kanina! Yun ang pool "

Ah. Naintindihan kona pinangalanan pala nila yung sapa

Marami siyang sinabi pero nakalimutan ko.a sorry mahina kukuti ko e

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin. At iniluwa nito ang isang matiponong lalaki na medjo may edad hindi naman matanda. Magpo-40 ata.. basta ang tikas ng pangangatawan at may kahawig siya

Ah si prince charming.
tatay niya siguro ito

" Okie kana ba? " tanong niya nakangiti siya sakin

" okie na po maraming salamat po ha. Pakisabi na din po kay prince charming na salamat "

" huh? Prince charming? "

" ah si angel po. Ah e si samuel po "

" Sinyoreto samuel ang itawag mo sakaniya ineng " pagtatama sakin ni manang rose

" sorry po.. "

" Okie lang yun. Bakit hindi mo nalang siya puntahan atsaka ka sakaniya magpasalamat " sabi niya

" Talaga po? " gusto ko siyang makita oh lord salamat sa biyaya

" halika " sinundan ko siya at nalaman ko na siya si Rodolfo at anak niya si Samuel ang prince charming ko

Dumating na kami sa kwarto ni prince charming at iniwan niya ako sa tapat ng kwarto ni prince charming

Kumatok ako! Pero walang sumasagot kaya inulit ko ang pagkatok pero wala pa din

Anu beyen. Nilakasan ko ang pagkatok!!

Biglang bumukas ang pinto

Ay ginoo lumabas ang maskuladong lalaki may mga pandisal sa katawan

Nakatapis lang ito ng tuwalya

" Anu ba? Naliligo ako e !!! "Inis na sabi nito

" Ay sorry prince charming! "

" huh? Anung prince charming ka jan! TSUPE!!! "

" Magpapa---- " Sinarado niya ng pagkalakas lakas ang pinto

Magpapasalamat sana ako e

Aalis na ako pero nagbukas ulit ang pinto nito

" wait.. halika pumasok ka "

Pumasok na ako sa kwarto niya. Ang laki ng kwarto niya

" Bakit po pala? Wag mo pong sabihin na gagawin natin yun! Kasi po sir... berhing maria po ako kaya kung maari dahan dahan lang.. " iniikot ikot ko ang buhok ko sa daliri ko

" Anung pinagsasabi mo jan!!! ILLUSYUNADA !!! Linisin mo sakin ang banyo ko!!! " Nyee? Ang beauty ko pang banyo lang?

Tinuro niya sakin ang banyo niya. Ang laki din ng banyo niya banyo ba talaga ito may malaking planggana sa tabi, may malaki ding salamin sa gilid!!! At may maliit na silid. Kasing laki lang iyon ng kwarto ko...

Sinilip ko ang silid na iyon.. maraming sabon!!! At may nakasabit sa taas!!!

Anu naman nakasabit dun?

Lumabas ako mula sa silid para maghanap ng timba at tabo.. pero wala akong mahanap may nakita akong puti sa may gilid nakatakip ito binuksan ko ito at walang laman kunting tubig lang.

" Ang liit naman ng tubig dito " bakit ganun?

" Prince Cha--- " ^///////////^

Ayey nu beyen rated spg

Nakabrief lang siya at kasalukuyang nagsusuot ng pantalon

" Hoy!!! Anung tinitingintingin mo jan? Tapos muna ba yung inutos ko! " nagsuot na siya ng tshirt na white. Ang poge talaga.

Ang sarap. Pwede ko ba kalimutan ang pagkadalagang pilipina ko.
Gustong gusto ko siya halayin

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon