Chapter 16. Hindi ako ang pinili

6 1 0
                                    

Hinatid ko si Maxine sa bahay nila pagkatapos namin manuod ng sine at magdinner sa mall

" Salamat sa oras mo Sammy "

" Basta ikaw Max. Tawagan mo ko kung kailangan mo ng kausap o ng tulong " ngitian ko siya at naglakad na paalis.

" Sammy,  wait "  lumapit siya sakin. Bigla nalang niya akong hinalikan. " Sammy,  I still do love you and I'm hoping that you still care and love. Pwede ba?  Pwede bang tayo nalang ulit? " hindi ko alam pero bigla nalang akong natameme. Hindi ako makapagsalita.

" Naiintindihan ko. Marahil ay nabigla pero sana e consider mo ang sinabi. Oh sha., Tawagan nalang kita bukas "

Pinigilan ko siya nung talikuran ko siya  " Mahal din kita Max "

Bakit wala akong naramdaman nung sinabi kong mahal ko siya?  Yung feeling na may sinabi ka pero parang walang kabuluhan. Yun yung pakiramdam ko ngayon.

Hinalikan muli ako ni Maxine. Pinilit ko nalang na ngumit nung nakita kong sobrang saya niya

Umuwi na ako ng bahay nung nakapagusap kami ng masinsinan ni Max. Guesa what? Kami na ulit. Ganun ka dali at ganun kabilis. Ito ang tama.

Sobrang late na pala. Pumasok ako sa loob. Nakakapanibago. Dati rati palagi niya akong hinihintay kahit late na late niya. Bakit wala siya? Baka tulog na rin.

Ano ba samuel. Tanggalin mo na nga siya sa isip mo. Si maxine ang isipin mo okay!

[ Joana ]

" Gising ka na pala "  bungad sakin ni Apollo. " Halika "  hinila niya ako papunta sa kusina niya.

May nakahandang almusal. Simple lang ito. Pritong itlog, hotdog,  at tuna. May bread din

Hinila niya yung upuan at Sinenyasan niya akong umupo. Umupo naman ako. " Do you want some coffee ?  I'll make some for you "

Umiling ako. Nakakahiya naman kasi. Nakikituloy na nga ako. Uutusan ko pa.  " Salamat nga pala apollo "

Ngumiti siya ng malapad. Ang bait pala niya  " Don't mention it. BTW,  what happened last night? "

Nalungkot ako nung maalala ko ang nangyari. Masakit din pala mapagbintangan. Awang awa ako sa sarili ko. Ikinuwento ko sakaniya yung buong detalye

" Ang sama pala ng ugali ng mga amo mo.  Wag kang mag-alala. You can stay here with me "

" Salamat " pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko ang mga nagamit namin. Nung una nakipagtalo pa sakin si apollo. Gusto niya siya na maghugas ng pingin pero pinilit kong ako nalang. Gusto ko naman makabawi sakaniya

Malaki yung bahay nila. Palagi daw wala sa bahay yung mga magulang niya. Pag andiyan naman daw e Sobrang strikto daw. Madaming bawal

Nagwalis ako sa bakuran nila. Napalingon naman ako sa bahay nina prince charming.

Ano kaya ginagawa niya?  Hinanap niya ba ako? Napansin niya bang wala ako? Nalaman ba niya ang nangyari? Naniwala ba siya?

" Joana, "

" Hoy joana "

Napabalik ako sa realidad ng tapikin ako sa balikat ni Apollo. " May problema ba?  Kanina pa kita tinatawag ah "

" Ah wala. Bakit pala? "

" Sabi ko. Samahan mo ako sa SM. Kaya magbihis kana "

Dahil wala naman din akong ginagawa. Pumayag ako.

Dinala niya ako dun sa lugar na may mga laro-laro. Naglaro kami ng basketball. Padamihan ng maisho-shoot. Pagtapos nun naglaro kami dun sa barilan. May binabaril kang mga kriminal.

Nagsayaw din siya habang sinusundan yung sayaw nung nasa tv.
Ang galing niyang sumayaw. Maraming nanunuod sakaniya. Nagpalakpakan ang mga nanunuod.

Nginitian niya ang mga ito at lumapit sakin. " Lets eat "

Tumango ako. Nagutom din kasi ako sa mga ginawa namin. Masaya din pala siyang kasama.

Dinala niya ako sa isang Japanese restaurant. Hindi ko alam kung anu-ano ang mga inorder niya pero masasarap ang mga ito. Nabusog ako sa kinain namin.

" Nuod tayo ng sine, gusto mo? "  tanong niya sakin pagkalabas namin sa restaurant na kinainan namin

" Wag na. Uwi nalang tayo "  napagod na din kasi ako.

" Okay,  pero dito ka muna. CR muna ako " paalam niya. Naupo ako.

Nakita ko si Prince charming. Lalapit sana ako kaso napatigil ako nung makita kong may kasama siyang babae. Mukang masaya siya. Nakalimutan na niya siguro ako.
Sino ba naman ako para alalahanin niya?

Nagtago ako nung papunta sila sa kinalulugaran ko. Agad akong pumasok sa CR.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Di hamak na mas maganda at seksi ako sa babaeng iyon

Napataas ang kilay ko nung tumabi sakin yung babae. Nag lagay ito ng make-up. Maputi siya at makinis ang balat. Manipis din ang mga labi nito. Matangos ang ilong. Siya siguro yung ex ni prince charming baka nagkabalikan na sila

" May problema ba miss?  " tanong niya sakin. Mukang mabait pero Paniguradong nasa loob ang kulo nito

" So ikaw pala,  ikaw pala ang ex ng prince charming ko. Na ex ng lahat "

Napataas din ang kilay niya  " what? "

" May relasyon na ba ulit kayo ni prince charming?  " sigaw ko sakaniya.

" woah,  teka lang. Anong relasyon? At sinong prince charming? "  nagkukunwari pa tong hindi alam

" Relasyon, kerida,  no. 2,  kabit,  Mistress "

" Wait Miss, mali ka ata ng inaaway " pasigaw din niyang sabi.

" Wag na wag mo akong ma-miss miss. Ang tanong ko ang sagutin mo.  Are you having an affair with my prince charming? " napahawak ako sa kaliwa kong pesngi ng sampalin niya ako

" baliw!  " bago pa siya maka-alis ay hinila ko ang buhok niya.

Tinulak niya ako at napatumba ako. Naginit ang ulo ko kaya tumayo ako. Hinila ko ulit ang buhok niya. Nasa sahig na siya. Sumisigaw siya ng tulong

" Joana,  bitiwan mo siya " naitulak ako ng malakas ni prince charming.

Si prince charming kunot ang noo.
Napaluha nalang ako habang pinapanuod ko siyang tinutulungan tumayo ang babae niya.

Namili na siya at hindi ako ang pinili niya

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon