Chapter 10. Ms. Kulit

4 2 0
                                    


[ Joana ]


Napapasigaw ako sa ilalim ng unan ko sa tuwing naalala ko na nakasama ko si prince charming kanina. Kinikilig ako kapag naalala ko ang napaka cute niyang ngiti.

Ang first date namin ni prince charming

Kyaaaaahhhhhh

" Joana,  magpatulog ka naman "  reklamo ni Lisa. Kasama ko kasi siya sa kwarto. Nagagalaw siguro ang kama. Ako kasi yung nasa taas.

" Sorry " nagpeace sign ako kahit hindi niya nakikita. Kanina pa kasi ako hindi makatulog. Hindi mawala wala sa isip ko ang date namin ng prince charming ko.

Kyaaaahhhhh!

" Joana! Anong oras na oh " alas dos na pala ng madaling araw. Nakaramdam ako ng pagka uhaw.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina.

Kumuha ako ng tubig ininom ito.

" Fvck/pusang gala " pareho kaming napasigaw ni prince charming ng magkaharap kami

" Wag ka ngang nang gugulat "

" Sorry!". Nagpeace sign ako. " bakit gising kapa? Nagugutom kaba? Gusto ba ng gatas baka may mapiga ka sakin "

" Ewww.  No thanks. "  mukang diring diri siya sa sinabi ko. Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig

" Hindi ka rin ba makatulog kakaisip sa nangyari kanina?  " tanong ko sakaniya habang pinagmamasdan ang pagtaas baba mg kaniyang lalagukan. Inaakit niya ba ako. Napahawak ako ng mahigpit sa upuan ko.

Binaba niya ang baso at tumingin sa kabuan ko. Mukang sinusuri niyang maigi ang katawan ko

Ngumisi siya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik sakin.
Dito na ba mangyayari sa kusina? Nilingon ko ang kaliwa't kanan ko para makasigurong walang tao.

Handa na ako prince charming. Unti unti kong inaalis ang butones ng pantulog ko

Nabasa ako ng ibuga sakin ni prince charming ang iniinom niya  " What are you doing?  Ewww "

" Saan ka pupunta? "  tanong ko sakaniya ng maglakad siya palabas ng kusina

" Obvious ba. Aakyat na ako " Ohmaygash! Nagpapahiwatig ba siya na sa taas na namin gagawin yun. " Pwede ba wag kang ngumiti ng ganyan. Para kang manyakis. Nakakatakot ka."

Aalis na siya pero pinigilan ko  " Matutulog kana ba? Hindi kasi ako makatulog kakaisip sayo "

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Parang diring diri

" Bukas na bukas magpatingin ka ha. Mukang may sayad kana. Aakyat na ako "

" E prince charming. Pasama sa kwarto mo. Wag kang magalala hindi ako nangangagat.  "

Umiling iling ito. Nagbeautiful eyes pa ako sakaniya  " please "

" ang kulit mo. Itigil mo nga yang pagbi-beautiful eyes hindi sayo bagay. Hindi rin naman ako makatulog." Hindi ko na siya napigilan. Umakyat na siya. Tumigil ito nung nasa taas na siya at nilingon ako  " Mainaisip ako. Dun ka muna sa sala "

Sinunod ko siya. Pumunta ako ng sala. Umakyat siya at bumaba rin. May dala-dala siyang gitara,  mga papel at isang bagay na hindi ko alam para saan ginagamit.

Naupo siya sa harap ko. Kinuha niya ang phone niya at isinuksok ang dulo nung bagay na hindi ko alam para saan.

" May ipaparinig ako sayo. Tingnan mo kung maganda ha " nilagay niya yung bagay na hindi ko alam para saan sa tenga ko. May pinindot siya sa cellphone niya at narinig ko ang isang tugtog. Napakaganda ng musika.

" Ano sa tingin mo? " nagaabang siya ng sagot

" napakaganda. Kahit tunog lang ito. Napakaganda pa din niya. Ikaw ba ang gumawa?"

Tumango siya habang ngiting ngiti. Kinuha niya yung gitara niya at nagpatugtog. Nagsimula na din siya sa pagkanta

Kung mawalay ka sa buhay ko
Kung pag-ibig mo'y maglaho
Paano na kaya ang mundo?

Kung sa oras 'di ka makita
Kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya 'tong puso?
'Yan lang ang maari nating sadyang matatanggap

Habang ako'y may buhay
Mahal na mahal kita
Higit pa sa iniisip mo

Napatayo ako at napalakpak sa galing niyang magguitara at kumanta.
Ang ganda ng boses niya

" Ang galing galing mo prince charming at sobrang ganda ng kanta "

" Ah,  e hindi pa tapos 'yan "

Dinamdam ko bawat salita sa kanta niya. May mahal na ba ang prince charming ko?

" matulog kana "  kinuha niya yung mga gamit niya at umakyat sa taas.

Pumasok na din ako sa kwarto at natulog. Magiging masarap ang tulog ko

~~*~~

Ang laki ng eyebags ko. Akala ko makakatulog ako pero wala!  Mas lalo akong hindi nakatulog.

Ilang beses na akong humikab.

" Joana, itapon mo yung basura "

Kinimu ko ito at pumunta sa may gilid ng bahay. Inilagay ko dun yung basura. Maya maya darating na yung truck ng basura.

Napasigaw ako ng makita ko ang lalaking itim na itim ang suot. Palabas ito ng bintana sa kapit bahay namin. Ang lakas ng loob. tanghaling tapat nagnanakaw. Dumaan ito sa may bubong.

Nakita niya akong nakatingala sakaniya. Nilagay niya yung hintuturo sa labi niya tapos nagsenyas siyang tumabi ako.

" Magnanakaw!  "  sigaw ko. Tumalon siya at nahulog sakin.

Kasalukoyan siyang nakapatayong sakin. Sisigaw pa sana ako pero pinigilan niya ako. Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang mga kamay niya

Nagpupumuglas ako pero ang lakas niya

" Shsssss!  Wag kang maingay. Hindi ako magnanakaw "

Nagtama ang mga mata namin. Nakatitig siya sakin. Gwapo siya ah. Inalis niya ang kamay niya at nginitian niya ako

" Rape!!!! "  Sigaw ko.  Agad naman niyang tinakpan muli ang bibig ko.

Sige na,  babuyin mo na ako. Kunin mo na anh puri ko

" Ang ganda mo "????

Tama ba ang narinig ko?! Maganda daw ako!?

Tumayo na ito. Hindi ako makapagsalita. Walang lumalabas na kahit anung salita

" Bye "

Sino siya? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon!

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon