Chapter 11. Sino si senyora?

6 2 0
                                    


[ Third Person ]

Nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ang isang babaeng nakasuot ng itim na dress. Nagkikinangan ang mga alahas na suot suot nito.

" Ito ang paunang bayan " inabot nito ang isang sobre na may sampung libo sa lalaking kasama nito sa loob ng kotse.  " Makukuha mo ang kabuuang pera pag nagawa mo na ang pinaguutos ko sa'yo, Melvin "

" Wag kayong mag-alala Senyora.Magagaling ang mga bata ko "

Inilabas nito ang kanyang itim na pamaypay at ginamit.

" Nasa akin pa din ang huling halakhak " humalakhak ang senyora at nakisabay na din ang tauhan niya

Pinukpok niya ito gamit ang kanyang pamaypay  " Bakit ka nakikitawa ha? "

" E kasi po kontra bida din ako kaya dapat humahalakhak din ako. Sayang ang exposure "

" Ako ang boss dito! Wag kang nakikisali Melvin. "  pinandilatan niya ang kasama sabay paypay sa sarili.

" May tanong ako Senyora. Bakit kayo gumagamit ng pamaypay?  Naka on naman po ang aircon ng kotse ah "

" Bobo pala ito e. Mas nagmumuka akong totoong senyora pag gumagamit ako ng pamaypay. Tsaka bakit andito kapa nakuha mo na ang pera ah "

" ah e nakiki-aircon lang po ako " nahihiyanh sabi nito.

" Gagu!  Umalis ka na nga "  pinagtulakan niya palabas ng kotse ang tauhan niya  " Umaaboso! "

[ Joana ]

Ang sarap ng tulog ko. Hinayaan akong matulog ni manang rose nung napansin niyang hikab ako ng hikab.

Tiningnan ko ang relo. Alas kwatro na pala ng hapon.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta agad sa may kusina. Nakita kong nanunuod si Lisa.

" Asan si Manang rose. Bakit mag-isa ka lang? "  tanong ko sakaniya habang nagiinat ako.

" Diba nga humiling sila kay sir rodolfo ng leave. Kaya ayun umuwi mo na sila sa batangas " napatango nalang ako.

" JOANA!!!!!!! "  Sigaw ng bruhelda. Sakit sa tenga ng boses niya. Lumabas ako ng kusina at umakyat sa taas.

" Anong kailangan mo?  "

" Halika nga dito " hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok sa loob ng kwarto nila ni sir rodolfo. " Tingnan mo ang mga damit ko. Bakit hindi mo pinaghiwalay ang puti sa de color! Bobita ka talaga "

Kinuha niya ang isa sa damit niya at hinila ako sa buhok  " Kainin mo "

Pinipilit niyang ipakain sakin ang damit niya. Buhok ko talaga ang una niyang hinahawakan. Pusang gala!

" Ginagalit mo talaga akong bobita ka. Matitikman mo ang bagsik ng isang Marietta"

Inalis ko yung damit na pinipilit niyang ipakain sakin at kinagat ko ang kamay niya para mabitawan ako

Muntik na ako dun. Nagiinit na talaga ang ulo ko sa babaeng to. Sumusubra na siya

" Impaktitang bobita! Walanghiya ka talaga bakit mo ako kinagat! "  sigaw niya habang hawak hawak ang kamay na kinagat ko.

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon