Chapter 1: Maria leonora teresa

70 3 4
                                    

May kasiyahan sa kaharian. lahat ng dalaga sa kinasasakupan ng kaharihan ay inimbita para makisalo sa nasabing kasiyahan. ngunit may isang dalagang hindi makapunta dahil wala itong magarbong kasuotan. Wala rin itong masakyang karwahe na maghahatid sakaniya sa palasyo. May kalayuan ang kanyang tirahan sa nasabing kasiyahan

" Dapat kasali ako sa kasiyahan sa palasyo pero wala akong masuot ni wala akong masakyan. " Malungkot na sabi ni joana habang nakadungaw sa maliit na bintana ng kanyang silid

" Diba sa kwento ni cinderella ay tinulungan siya ng isang fairy god mother? baka mayroon din akong fairy god mother " Masayang sabi niya. Nagumpisa siyang hanapin ang kanyang fairy god mother.

" Fairy god mother? Where are you? i need your help " ayyy English. Matalino.

" Fairy god mother? are you there? "

" yohoo? fairy god mother? mother lily ikaw ba fairy god mother ko? asan na you? dito na me. "

wala pa ding sumusulpot na fairy god mother pero hindi siya nawalan ng pagasa nagpatuloy pa din sa paghahanap si joana

" Fairy God mother!!!!!! "

sa sobrang ingay niya ay lumabas ang fairy god mother niya. Na bwesit kasi ito sakaniya

" Ano ba!!!! may date yung tao eh .... este fairy!!! ang ingay ingay mo!!!! " sigaw ni fairy god mother. Tinaasan pa niya ito ng kilay

" Fairy god mother kelangan ko ng tulong mo. gusto ko... " hindi pa natatapos ang sinasabi ni joana ay nilabas nito ang kanyang mahiwagang wand. Kinumpas niyo ang kanyang wand. At bowala. binigyan niya ito ng magandang kasuotan at magarbong karwahe tsaka bigla itong naglaho

" Fairy god mother !!!! Hindi pa ako tapos!!!! " sigaw ni joana

" Fairy god mother!!!! Lumabas ka kundi susumbong kita kay god!!! hindi mo ko tinulungan "

" Ano ba??!!! may date nga ako??? hindi ka ba nakakaintindi ha?? " sigaw na naman nito. " Palibhasa walang love life. Tsk "

" Eh hindi pa kasi ako tapos sa kahilingan ko " ngiting ngiting sabi ni joana na kinikilig pa

" Eh ano ba kasi? dali nagmamadali ako!!! baka iwanan ako ng ka date ko "

" Fairy god mother, Since makapangyarihan ka naman gawin mo kong maganda yung kababaliwan ng lahat ng mga lalaki yung tipong lahat ng oras nila ay nasa akin. yung hindi nila ako iiwan " nagmamakaawang pakiusap ni Joana

" Hiyang hiya naman ako sayo. ILUSYUNADA !!!! Oh sha gagawin kitang DOTA!!! " - fairy god mother

" JOANA!!!!! "

" JOANA ISMAEL NATIVIDAD !!!! GISING !!!! " Sigaw ng halimaw kung mama..

" Ano ba mama! kita mo ngang natutulog yung tao e. pakihinahan mo boses mo. sarap sarap ng tulog ko e " sigaw ko din Kay mama tsaka ako nahiga ulit at pinikit ko na ang aking mga Mata

" joana. bumangon kana jan" pabulong niyang sabi

" oh bakit ba ma? Pinuputol mo maganda kong panaginip e " bakit kasi niya sinira ang tulog ko

" ARRRRRRRAAAAAAAAYYYY !!! " kinurot niya ako sa singit

" Bilisan mo!!! magbihis kana. diba nga, ngayon yung alis niyo ng tiyo mo!!? " napabangon ako bigla. oo nga pala ngayon na pala alis namin. pupunta ako ng maynila. doon na daw ako magaaral. gaganda na ako dun baka pumuti pa ako. baka maging DOTA nga ako kagaya ng sinabi ni fairy god mother. Excited na ako.

" Mama ano yung DOTA? " tanong ko kay mama hindi ko kasi alam e

" Dota?? ewan ko. baka Nota? Ikaw ha! kabata bata mo pa napakabastos mo. magbihis ka na nga!!! " inaayos ni mama ang mga damit ko. nilalagay niya sa napakagandang bayong ko.

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon