Chapter 21. The real senyora

7 0 0
                                    

Sumasabay ang kabog ng dibdib ko sa bilis ng pagtakbo ng motor ni Apollo. Kasalukuyan naming sinusundan ang sasakyan ng mga kidnappers.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa prince charming ko.

Napansin nung mga kidnapers ang pagsunod namin kaya ang isa sakanila ay pinaputakan kami.

Nangatog ang katawan ko sa takot. Napatigil naman si Apollo.

" Kailangan natin ipaalam ito sa daddy niya. May mga armas ang mga iyon " sabi niya. Tumango tango nalang ako.

Pumunta kami sa bahay nina prince charming at pina-alam kay sir rodolfo. Buti nalang ay nasa bahay siya.

" Honey,  ang puso mo."  Inalalayang makaupo ni bruhelda si sir rodolfo. Natatakot na din sina manang.

" Kunin mo yung phone ko. Tatawag tayo ng police " utos niya sa bruhelda.

" Wag niyo pong gagawin iyan baka kung anong gawin nila kay Samuel kung tatawag tayo ng police " pagpigil ni Apollo. Nagalit naman si sir rodolfo.

" And what do you suggest young man? Hayaan nalang ang anak ko sa kamay ng mga iyon?  " pasigaw na sabi ni sir. Naninikip ang dibdib ni sir. Kaya agad na kinuha ni bruhelda ang gamot nito.

" Kumalma ka lang honey " pinainom ni bruhelda si sir.

" Kung mga kidnappers po ang mga iyon. Tatawagan nila po kayo para humingi ng malaking halagang pera  " sabi ni Apollo.

Lahat kami nag-aalala. Maliban nalang sa bruhelda na iyon. Napakalmado lang niya. Iniisip kong may kinalaman siya sa nangyayari na to.

[ Samuel ]

Nakapiring ako ngayon. Wala akong makita. Hindi ko alam kung saan nila akp dinala.

Tinali nila ako sa isang upuan at tinanggal ang aking piring.

" Sino kayo at anong kailangan niyo sakin? "  tanong ko sakanila. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa isang kwarto ako. Mukang abandunado na ito. Masyadong madumi  " Pakawalan niyo ako "

" Wag kang maingay, pogi. Ang guwapo mo pa naman "  sabi nong isa. Bading ba ito?  Ang laki ng mga katawan nila ah

" Hoy bes,  wag mong galawin yang si pogi baka mapahamak ka kay Senyora "  sabi naman nung isa.

Hinawakan ako nung kaharap ko sa hita. Nag standing ovation ang mga balahibo ko sa balat


" Hoy,  anong ginagawa mo dyan?  "  napalingon kami dun sa pinanggalingan ng boses. Pamilyar ang mukha nung lalaki

" Wala, Justin. Nakikipaglaro lang sa pogi na ito " binitawan niya ako at hinarap yung lalaki. Siya yung lalaking nanloob sa bahay namin. Paano siya nakalaya  " Nakausap mo ba ba si Senyora?"

" Oo. pupunta siya mamaya rito kaya umayos kayong dalawa "

" Wag niyo nga ako isali dyan. Pera lang ang habol ko dito "  Sabi naman nung isa na nakaupo sa tabi.

" Sino ang nag-utos sainyo?  "

Hindi nila ako sinagot  " lagyan niyo ng tape ang bibig niyan at takpan niyo ang mukha niya "

Nilagyan nga nung malaking mama ng tape ko at tinakpan ang mukha ko ng paper bag

Wala akong makita. Hindi ko alam ano ang nangyayari. Nanindig nanaman ang balahibo sa balat ko ng maramdaman ko ang kamay sa hita ko.

" Itigil mo na nga 'yan bes " manyak ang baklang to. Nakakadiri ang laki ng katawan tas bading.

" KJ mo bes. Nagkakatuwaan lang naman kami ni pogi. "

" Anong ginagawa niyo? "  tanong nung isang hindi familiar ang boses. " Nandito na si Senyora "

Bigla akong kinabahan. Sino ba ang senyora na yan?

" Siya na ba 'yun?  " tanong nung babae. Familiar ang boses niya. Hindi pwede. Mali ako ng iniisip. Hindi siya yun. Hindi niya magagawa to.

" Pasensyahan nalang tayo. Hindi ko na dapat gagawin 'to sayo pero masyado kang sakit sa ulo. Kaya kailangan ko ng patahimikan ka " nagpupumiglas ako. Gusto kong magsalita pero nakatape ang bibig ko.

" Kung tumahimik ka lang siguro. Hindi na mangyayari to "  naramdaman kong may nakadikit sa sintido ko. Marahil ay tinutok niya sakin ang baril niya

Inalis niya ang nakatakip sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

Siya nga. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya to sakin.

" MELVIN!!!!!!!!  " Sigaw nito.

" Bakit Senyora? " natatakot nitong tanong. Pamilyar ang mukha din ng isang to. Parang nakita ko na siya dati.

" Tawagin mo ang mga tauhan mo "  galit na galit niyang sabi.

Pinagpukpok niya ang mga iyon ng makapasok sila  " ang tatanga niyo!  Hindi siya ang pinapadakip ko sainyo! Mga bobo!  "

" Siya po yung binata na nasa bahay na sinabi niyo " depensa nung baklang humahawak ng hita ko.

" Mga bobo!  Hindi siya yun "  pinagsasampal niya isa-isa.

Lumapit siya at inalis ang nakatape sa bibig ko. " Max, anong ibig sabihin nito? "

" I'm sorry. Hindi dapat ikaw ang nandito "  inalis niya din niya ang pagkakatali sakin

" ha?  Anong ibig mong sabihin. Can you explain what's going on here! "  himdi ko siya maintindihan.  Ano bang nangyayari sakaniya?

" I'm so sorry Sammy. Lets go home " hahawakan niya ako pero tinabing ko ito.

" No. Hindi tayo uuwi hanggat hindi mo sabihin sakin kung ano ang nangyayari dito "

" Dahil ba saakin, Maxie?! " Napalingon kaming pareho sa lalaking nasa harapan namin. Si Apollo.

Anong ginagawa niya dito?  Bakit niya kilala si Maxie? Anong ugnayan nilang dalawa?

Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon