Chapter 9. A date with my prince charming

7 2 0
                                    


Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.  kahit nakapikit ako alam kong ang lapit lapit niya saakin

Ngumuso na ako at naramdaman ko ang mainit niyang dila. Dinidilaan niya ang nguso ko.  Ganito ba siya makipag halikan?  Dilaan na agad? Hindi ba halikan muna bago dilaan ? Minulat ko ang mga mata ko para makita ang gwapo niyang mukha.

" Yaaaaaaaaaaahhhh"  Sigaw ko ng makita ko na aso pala ang dumidila sakin.  yuck.  muntik na akong makipaglaplapan sa aso. Pinunasan ko ang nguso gamit ang manggas ng damit ko

" Wahahahahahaha"  tawang tawa naman si prince charming.  hawak hawak pa ang tiyan at napapadyak pa.  tsk tsk! " You look funny hahahaha"

pakana niya ba 'to. bigla nalang may kumirot sa kaliwang dibdib ko. bakit ko' to nararamdaman tsk tsk

akala ko ambait bait na niya dahil ginamot niya ang mga sugat ko.

" Prince charming naman e "

" What? Akala mo siguro hahalikan kita no? In your dreams. Lumabas kana nga! "

Padabog akong tumayo at umalis sa kwarto ni prince charming. Akala ko ay may mangyayari na samin.

Pagbaba ko ay nakita ko sa sala ang bruha at bruhelda na naguusap.

" Anong tinitingin mo dyan impakta? "  aba naguumpisa nanaman ng bruha

" bakit bawal kang tingnan?  Ginto nga pwedeng tingnan ikaw pa kayang basura "  bigla siyang tumayo. Nagbalak siyang sumugod sakin pero lumapit samin si manang rose.

" pag pasensyahan niyo na po si Joana. Pagsasabihan ko po siya " sabi ni mang rose.

" pagsabihan mo talaga yan manang rose baka mapatay ko pa ang isang yan. Ewan ko ba kay rodolfo kung bakit niya pa pinatuloy yang impaktita na yan "  sabi naman ng bruhelda. Magkapareho talaga sila. Mga salot!!!

Hinila ako ni manang rose sa kusina. Pinagsabihan na wag daw ako makikipagtalo sa bruhelda. Baka daw mapaano ako. Hindi naman ako natatakot sa dalawang iyon. Sila ang matakot sakin.

" Joana,  pwede bang ikaw nalang ang bumili ng mga ito."  May binigay siya sakin na listahan ng mga bibilhin. " May importante kasing inutos si Maam marieta sakin. Ito ang pera. Sa mall kana bumili para malapit lang "

Masaya akong tumango sakaniya. Yes makakalabas na ako ng bahay na 'to. It's my first time. Agad akong naghanap ng magandang maisusuot sa bayong ko.

" Magandang araw po "  masaya kung bati sa gwardya sa labas.

La la la la la

Naglakad lakad lang ako. Nagtanong tanong kung paano makakapunta sa mall.

" Sumakay ka lang ng jeep na dadaan dito tas magpababa ka sa SM " sabi ng gwardya sa main gate

" Salamat po " naghintay ako at pinara agad ang unang jeep na dumaan. Sumakay ako sa unahan

" pababa nalang po ako sa may SM kuya "

Napakalaki pala ng mall. Naliligaw na ako. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang mga ito

Naglakad lakad ako. Saan ko ba hahayanapin ang palengke dito?

" Kuya, kuya saan po ang palengke dito?  "  tinaasan ako ng kilay. Tiningnan lang niya ako na para bang nakakita ng taong gubat.  Tsk! Weirdo. Hindi ko na siya hinintay na sumagot.

Lumabas ako ng mall. Baka nasa gilid lang siya. Naglakad lakad lang ako sa labas. Malapit lang siya siguro.

Habang naglalakad ako may humablot ng pitakang dala dala ko. Paktay ako kay manang rose nito

" Magnanakaw!!! Magnanakaw!!! "  sigaw ko habang hinahabol ang magnanakaw.

Nakikipagpatentero pa ang loko.
" Put@ng inamo! Ibalik mo ang pitaka ko "

Tumakbo nanaman ang mukong na iyon. Papagurin ako nito

[ Samuel POV ]

Fvck! Naputol ang string ng gitara ko. Hindi ko pa natatapos ang kantang ginagawa ko.

Naligo at nagbihis. Pupunta akong mall para bumili ng guitar strings.

" Samuel,  saan ka pupunta? Isama mo naman ako oh " pumulupot sakin si mariella. Inalis ko agad ang mga kamay niya. May lahing higad ata ang babaeng to. Kung hindi lang kay papa. Baka pinatapon ko na to sa labas ng babae

" Wala ka na dun " naghintay ako sa labas. Pinatawag ko ng taxi ang gwardiya namin

" Salamat kuya "  sabi ko kay kuya david. Sumakay na ako sa taxi at sinabi kong sa SM lang ako

Pagbaba ko nakita ko ang babaeng kulot ang buhok na sumisigaw ng magnanakaw. Hindi ko sana papansinin iyon dahil wala akong pakialam sa nagyayari sa mundo. Hindi ako superhero. Pero narealize ko na si Joana pala yun

Sinundan ko sila. Nakitakbo na din ako para tulungan si Joana.

Hindi na pala kailangan. Nakita kong napatumba niya ito.

" Walangya ka! Pinagod mo pa ako ha "  pinagsusuntok niya ito. Amazona!

Napatawa nalang ako. Sa liit niyang iyon napatumba niya ang lalaking yun

" Prince Charming?  Huhuhu buti andito ka! Kanina pa ako naliligaw tapos ninakawan ako ng mokong na to "  tumakbo agad yung lalaki. Hahabulin pa sana ni Joana pero pinigilan ko.

" Wag mo na habulin tsaka ano ba ang ginagawa mo dito?  "  may binigay siya saking papel. Listahan ng mga bibilhin

" Sabi kasi ni manang dito ako bumili pero wala namang palengke dito. Hinanap ko na pero wala talaga "  napatawa ako. Napakainosente naman ng babaeng to

" halika ka sumama ka sakin "

" Talaga? Sige sige " nagtatalon pa siya sa tuwa.

Una naming binili ay yung guitar string ko. Tapos pinakita ko sakaniya kung saan bibili ng mga gulay,  seafoods at mga karne. Dami din namin pinamili

" Mabigat ba?  Akin na yung isang supot "  dami niya kasing dala at mukang nahihirapan siya

" Wag na prince charming. Mabigat to baka mangawit ang mga kamay mo "
Sapilitan ko sakaniyang kinuha yung dalawang supot

" Ayaw ko naman magmukang di maginoo " ngiting ngiti siya. Napakaweirdo talaga ng babaeng to.

" kain muna tayo ng ice cream "  yaya ko sakaniya. Ito nanaman yung malapad niyang ngiti at kumikinang na mga mata.

" Bakit hindi ka pa maupo?  "  tanong ko sakaniya ng mapansin kong nakatayo lang siya sa harap ko

" diba dapat hilain mo ang upuan at paupuin ako prince charming? Yun ang ginagawa ng prince charming "

" In your dreams,  umupo ka na nga lang "  padabog niyang binaba ang mga dala niya at naupo. Nakasimangot siya.

Nagpakwento nalang ako sakaniya tungkol sa buhay niya. Nalaman ko din na niloko siya ng tito niya. Yung lalaking humahabol sakaniya nung una naming pagkikita.

Nakakatawa siya ng sobro-sobra. Hindi ko napigilan ang sarili kung tumawa. Sakit ng tyan ko.

Masaya din palang kasama ito

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon