Chapter 6. Ang gabi ng Manananggal

15 1 0
                                    

Hating gabi na!!! Tulog na ang lahat.

Walang ingay na maririnig sa mansyon ng mga alfonso.

Bumangon ako

Ramdam na ramdam ko ang pagkagutom

Gusto kong mangagat ng tao

Gusto kong lamunin ang babaeng yun

Mula ulo hanggang paa

Humanda ka sakin bruheldang Marieta ka

Wala si sir Rodolfo. Nasa trabaho daw at hindi daw ito makakauwi ngayon. Samantalang si Prince charming ko nasa gala.. cute cute niya kanina ang bango bango pa. Sarap tadtarin ng halik

Anyway balik tayo

Ibig sabihin nito magisa lang siya sa taas

Humanda ka kakainin kita. Wala akong ititira.

Wahaha

Bago ako pupunta sakaniya! Nilagyan ko ng mantika ang katawan ko tsaka ginulo ko ang buhok ko

Ay i mean ginulo ko ng kunti.
Alam ko naman na dati pang magulo

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at mahimbing ang tulog ni bruhelda. Ito na't lalamunin ko siya

Samuel POV

Nakatanggap ako ng sms sa kaibigan ko na si David. Gigimik nanaman ang barkada. Sana wala 'dun si Maxine. Hindi ko kaya. Gustong gusto ko siya yakapin at halikan gaya ng dati

" Where are you going Sam?" Tanong ng kinaiinisan kong tao. Ang papa ko. Paalis siya ng bahay. Mukang babalik ulit ng trabaho. Hindi ko na siya sinagot. Bumaba na ako ng hagdan " Sam!! Come back here."

Bahala siya sa buhay niya. Nagpasundo ako sa isa sa mga kaibigan ko. Ayaw ko kasi abalahin si mang canor masyado ng gabi.

" Hey Sam, wazzup? " bati niya.

" Lets go" tanging tugon ko.

" O-kay"

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bar. As usual maraming tao ang nagkakasiyahan at sobrang ingay sa loob. Lumapit ako sa mga kasama ko. Hindi ko alam tong nararamdaman ko may hinahanap ako at si maxine. Kanina lang sabi ko ayaw ko siya makita pero bakit? Bakit pa din siya hinahanap ko. Tangina! Inagaw ko yung bote ng beer na iinumin sana ng kasama ko at agad na ininom ito

" Chill pare, hindi mauubos ang beer dito" Sabi ni Ziam. Kabarkada ko din. Binigyan ko lang siya matalim na tingin. Tinaas naman niya agad ang dalawa niyang kamay niya.

Inakbayan naman ako ni David at ngumuso dun sa nagsasayawan " Ayon sila"

Nakita kong nagsasayawan si alfred at Maxine. Nakita naman nila ako kaya lumapit sila sakin

" Hey Sam, buti at nakapunta ka. Hindi na ba bitter ang best friend ko? Move on na ba? " Ngising ngisi naman ang loko

" Stop it babe, you're drunk. " pagaawat ni Maxine "... Hi Sammy"

Binigyan ko lang sila ng isang matipid na ngiti at inubos ang boti ng beer na hawak hawak ko.
Hinawakan naman ni alfred sa braso at hinila pabalik sa dance floor
Naginit ako dun, kahit gusto ko siyang sapakin piniglan ko. Bakit ganun tratuhin si maxine.

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon