Chapter 12. My knight in shining armor

7 2 0
                                    

Rinig na rinig sa buong village siguro ang pagtibok ng puso ko. Sobrang bilis. Kinakabahan at natatakot ako.

" Sige po, Senyora."  Pinatay na niya ang telepono at tumingin sakin. Nakakatakot ang mga mata niya.

" Jason, Anong sabi ni Senyora? " tanong ng kasama niya pero binatukan siya nito

" Sinabing wag mo akong tatawagin sa pangalan ko " galit na sabi ng lalaking nagngangalang jason.

Napakamot naman ng ulo ang kasama.

" Sabi ni Senyora. Iligpit na daw natin ang mga kalat. Kailangan maglaho sa mundo ang mga taong nakakita satin. Sinong gusto mong unahin natin? " tanong ni jason sa kasama. Kinabahan naman ang kasama niya

" kailangan pa ba natin gawin to?"

" Hindi ka ba nakikinig kailangan daw natin tapusin ang mga to. Pumili ka na kung ayaw mong ikaw ang patayin ko dito "  banta niya sa kasama niya

Umiyak nanaman ng malakas si Lisa. Takot na takot na talaga siya

" Yung pangit " turo sakin ng payatot na to.

" Tulong!!!!! "  sigaw ko. Sa wakas naibuka ko na din ang boses ko.

Hinampas sakin ni jason ang baril niya. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo ko mula sa labi ko.

Kinasa niya ang baril niya at tinutok ito sa sintido ko.  " Maalam ka na pangit!"

Napapikit ako. Sasabog na talaga ang puso ko. Dito na ba magtatapos ang buhay ko!?

Minulat ko ang mga mata ko ng hindi ko pa din naririnig ang pagputok ng baril.

Nakita kong nakikipagsuntukan yung lalaking magnanakaw nung isang araw sa dalawang mamamatay tayo na ito.

Napatumba ang dalawa. Naiyak ako ng sobra ng makita ko ang dalawang iyon na nasa sahig. Akala ko katapusan ko na

" Okay ka lang ba? "  tanong sakin nung lalaki. Tumango lang ako.

Inalis niya ang pagkakatali sa kamay ko.

" SINO KA? ANONG GINAGAWA MO? " sigaw ni prince charming pagkakita samin. Nagkuyom ang mga kamay niya at sinuntok yung magnanakaw.

Nagsuntukan silang dalawa. Nabugbog si prince charming

" Hindi ako ang kalaban dito! "  sigaw nung lalaki sabay suntok kay prince charming

" Totoo ang sinasabi niya prince charming " sigaw ko. Napatigil naman si prince charming.

Agad kong inalis ang pagkakatali sa paa ko.

Nakita ko si Jason na pinulot ang kanyang baril at tinutok ito kay prince charming

No!!!!!

" Prince Charming!!!! "  tinakbo ko siya at tinulak. Nabaril ako sa kanang braso.

" Joana " pagtawag sakin ni prince charming. Hindi ko maigalaw ang kanang braso ko. Ang sakit. Mamatay na talaga ako. " joana "

Minulat ko ang aking mga mata. Pinagmasdan ang mukha ng prince charming ko.

Hinawakan ko siya sa kaliwang pesngi.

" Ang gwapo mo talaga prince charming. Nakakalungkot isipin na hindi kita makakasama habang buhay. Hindi ko man lang naramdaman ang mainit mong mga yakap. Hindi ko man lang naranasan ang pagdampi ng mga labi mo sa mga labi ko "

" Ano bang pinagsasabi mo joana. High ka na ba?  "

" Bago man lang ako mamatay prince charming,  pwede mo ba akong halikan?  " Binitawan ako ni prince charming. Napa-aray ako dahil sumakit bigla ang braso ko.

" Sorry na prince charming. Pwede mo na ba akong dalhin sa hospital? Ang sakit sakit na talaga braso ko at baka maubusan ako ng dugo "  agad akong binuhat ni prince charming

Yung pang bride na buhat. " Lisa ikaw muna ang bahala dito "

Utos ni prince charming kay lisa.

Agad na nagpara ng taxi ang guwardiya sa main gate ng villages. Ng isigaw sakaniya ni prince charming iyon.

Ang sakit sakit talaga. Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya.

NAGISING ako sa loob ng isang kwarto. May benda ang kanang braso ko. Nasaan ako? Napagtanto kong nasa hospital ako.

Bakit walang nagbabantay sakin?  Bakit wala si prince charming ko?

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob umaasa akong si prince charming ang iluluwa nito.

Nadismaya ako ng si manang rose ang pumasok. " Okay ka ba Joana? Bakit nakabusangot ka?  "

" e kasi manang sa teleserye kapag nahospital ang bidang babae pag gising nito ang bidang lalaki ang una niyang makikita " Umupo ito sa upuan sa gilid ko.

" Dapat hindi pala kita binisita. Nasayang lang ang pagpunta ko dito dahil ayaw mo akong makita  "

" Hindi sa ganun manang rose. Kayo naman napakamatampuhin mo. Syempre masaya akong pinuntahan mo ako dito manang " inilabas niya ang dala niyang mga mansanas at pinagbalatan niya ako.

" Manang " pagtawag ko sakaniya

" Ano yun?   " tanong niya. Itinigil mo na niya ang pagbanalat niya ng mansanas at tiningnan ako

" Nasaan po si Prince charming? " binalik ni manang rose ang tingin sa mansanas. Pinagpatuloy niya ang pagbabalat dun

Nagbukas ang pinto ng kwarto at niluwa nito yung lalaking magnanakaw

" Magandang hapon "  bati niya.

" Iwan ko muna kayo. May kukunin lang ako sa labas " sabi ni manang Rose.nginitian naman siya ng lalaking nasa harap ko

Pagkalabas ni manang ay lumapit sakin yung lalaki  " Okay kana ba?  "

" Oo. Okay na ako. Salamat nga pala sa pagtulong samin. Kung hindi dahil sayo baka pagala-gala nalang ang kaluluwa ko " natawa naman ito sa sinabi ko

" Wala yun. I haven't properly introduce myself. I'm Apolinario . You can call me Apollo " nilahad niya ang kanang kamay. Tiningnan ko lang iyon.

Binaba niya ang kamay niya ng hindi ako nakipagkamay. Nalungkot naman siya.

" Nahihirapan akong igalaw ang kanang braso ko " inilahad ko ang kaliwa kong kamay  " Ako naman si Joanna "

Nagumiti ito at nakipagkamay. Nakipagkwentuhan lang siya.
Nakipagtawanan. Tuwang tuwa daw siya sakin. Ewan ko ba sa lalaking iyon

" So paano, uwi na ako " paalam niya. Niyakap niya ako. Gumanti naman ako sa yakap niya  " Masaya akong nakilala kita joanna "

Naitulak ko ng malakas si Apollo ng nakita kong nakatayo sa harapan namin si Prince Charming. Bakit hindi ko napansin

" Mali ka ng iniisip prince charming. Walang namamagitan saming dalawa "

Anong gagawin ko? Baka isipin niyang para akong isang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain huhuhuhuhu!!!!
Hindi maari!!!

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon