Chapter 19. Ang ganda ko

6 1 0
                                    

[ Joana ]

" Wake up! Joana, Wake up"  nagising ako sa kakakulbit sakin ni Apollo.

Tamad na tamad akong bumangon. Tiningnan ko ang orasan 4:30 am palang. Ano kaya problema nito.

" Ang aga pa ah "  nahiga ulit ako at magtalukbong ng kumot. Hinila niya ang kumot ko. " Ano? "  naiinis kong tanong. Wala namang matutuwa kung puputulin ang mahimbing mong tulog.

" Gumising kana kasi " bumangon ulit ako at hinarap siyang magkasalubong ang kilay  " Woah?!  Stop glaring at me!  Natatakot ako "

" Ano ba kasi yun Apollo? " tamad kong tanong. Nag-inat ako.

" Lets go jogging! " Masigla nitong sabi. Napansin kong nakasuot na siyang pang jogging

" Nakakatamad tumakbo " bored kong sabi. Inayos ko yung hinigaan ko. " Tsaka wala akong pang jogging "

" Kaya ka pala mataba dahil napakatamad mo " napapailing siya.

" Excuse me, Sexy kaya ako "  humarap ako sakaniya at umikot.

Napatawa siya. Biglang nagbago ang expression niya. Mukang may naisip. Pumunta sa kwarto at lumabas ng may dalang parang jogging pants.

"Ito ang suotin mo. Jogging pants ko yan dati mukang magkakasya sayo. Wag ka ng tumanggi "

Sinuot ko yung Jogging pants niya pero malaki pa din sa'kin.

" Isuot mo rin 'to "  inilapag niya sa sahig ang isang sapatos. Pinaupo niya ako at sinuot ang mga sapatos sa paa ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Buti nalang at hindi ako maputi hindi niya makikita ang pagpula ng mukha ko.

" We're set. Lets go " Masigla niya akong hinila lalabas ng bahay nila Nakakatuwa siya parang batang excited sa isang bagay

" Prince charming? "  napalingon siya samin. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon

Napatingin siya sakin tas nilipat kay Apollo  " Pwede ba kitang makausap, Joana?  "

Hinawakan ni Apollo ang pulsuhan ko kaya napalingon ako sakaniya " May pupuntahan pa kami ni Joana "

Nagtitigan sila na para bang may naglalabasang kuryente sa kanilang mga mata.

Pumagitna ako sakanila. " Magjojogging kami ni Apollo. Pwede kang sumama? "

Sa tingin ko maling maling niyaya ko si prince charming. Parang mga bata na naglalaban. Ewan.

Nagpahinga kami. Nakakapagod talaga magjogging. Nagpaalam si Apollo. Bumili ng bottled water

" Joana, gusto ko sanang magsorry. " napatingin ako sakaniya. Napakaseryoso ng mga tingin niya. Nakakaba

" ha? Para saan? Wala ka namang dapat e ka sorry. Ako nga dapat ang magsorry dahil inaway ko ang nobya
" Napangiti ako ng mapait sa sinabi ko. Haynaku, Joana. Dapat maging masaya la nalang sakaniya

" That's not what I meant...  "

" Joana "  nilingon ko si Apollo. Lumapit siya samin. " Halika, kain muna tayo ng champorado "

Nagpahila na ako sakaniya kaso hinawakan ni prince charming ang kanila kong kamay. Ayan nanaman ang mga mata nila.

" Tama na nga yan. Para kayong mga bata "  tumakbo ako palayo sakanila.

" Joana!  "  sabay nilang tawag sakin. Hindi na talaga sila nakakatuwa. Hinabol nila ako.

Sa kamalas malasan ko natumba ako dahil hindi ko nakita ang isang bato. napaaray ako sa sobrang sakit.

" Are you okay?  " tanong sakin ng dalawa ng makalapit saakin.

" buhatin na kita "  sabi ni Apollo.

" Ako na "  prisinta naman ni prince charming

" Ako na sabi ang magbubuhat sakaniya " nagkatitigan nanaman sila.

" Ang swerte naman ng babaing 'yun pinagaagawan ng dalawang gwapong lalaki " sabi nung babae sa kasama niya.

" Ako na. "  prisinta ko magtatalo lang kasi sila. Inalalayan nila akong makatayo. Napa-aray ako ng maramdaman ko ang sakit sa may bukong-bukong.

Nabigla ako ng lumuhod si prince charming. Sinenyasan niya akong sumampa sakaniya.

Dahil masakit na nga talaga. Sumampa ako sakaniya. Binuhat niya ako.

Hindi ko madescribe ang pakiramdam ko ngayon. Sobrang saya ko. Para akong nasa alapaap.

" I'll talk to dad " napa-huh ako.  " Sasabihin ko kay dad na hindi kaw ang nagnakaw ng mga alahas para makabalik kana sa bahay "

Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin alam kung anung magiging reaksyon ko. Tumahimik lang ako.

Napatawa ako nung  naramdaman kong nabibigatan na siya sakin.

" Ang bigat ko no?  Ibaba mo na ako "

" Hindi ah "

" Ibaba mo na ako,  Samuel. Malapit na din naman tayo  "  binaba na niya ako. Paika ika ang naglalakad

" Hoy,  ibaba no ako "  pasigaw kong utos kay Apollo nung bigla niya akong binuhat.

" Kaya ko. Hindi naman ako kagaya ng iba dyan na lampa " tumingan siya kay prince charming.

" Hoy,  hindi ako lampa " natatawa namang tumakbo si Apollo habang buhat buhat ako.

Malakas pala ang lalaking 'to. Napatigil siya sa kakatakbo ng makita niyang nakatayo si Maxine sa harao ng bahay nina prince charming.

" Bakit niyo ako iniwan... "  masayang sabi ni prince charming pero nagbago ang expression ng mukha niya ng makita niya si Maxine

" Max "  lumapit siya sa babae. Niyakap siya nito at hinalikan si prince charming.

Iniwas ko ang tingin ko sakanila. Ibinaba ako ni Apollo.

" Ah,  Samuel may sasabihin ako sayo "  napabitaw si Maxine kay prince charming. Nanlaki ang mga mata niya. Mukang natatakot.

Sure na akong magkakilala nga sila.

" Sammy,  Nahihilo ako "  sabi ni Maxine. Hinawakan naman siya nito. " Pumasok na tayo "

Tumingin sakin si prince charming pero inalis din ito. Inalalayan niyang makapasok si Maxine.

Kitang kita ko ang mga nanlilisik na mga mata ni Maxine. Nakatingin ito kay Apollo.

Hindi ko talaga maintindihan kung anong meron sakanilang dalawa

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon