Chapter 20. Kidnappers

2 1 0
                                    

[ Apollo ]

Hindi ko na talaga siya maintindihan. Hindi na siya yung Maxine na nakilala at minahal ko simula ng pagkabata namin.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya.

" Hello,  Maxie " bati ko sakaniya pagkasagot niya ng tawag ko.


" Kailan mo ba ako titigilan ha? Please lang Poly. wag mo ng guluhin ang buhay ko. Sinaktan mo na ako nung una. Wag mo na sa ng uulitin "


" Maxie,  Umalis ka na kasi dun. Pag nalaman ni Samuel. Masasaktan mo lang siya kaya habang maaga pa. Umalis kana doon "

" Wala kang alam, Poly. Tsaka  hindi din niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Kaya nakikiusap ako. Tigilan mo na ako. Lubayan mo na ako. Bumalik kana sa U.S "

" Kung mahal mo talaga siya Maxie. Ititigil mo na yun or else I'll let Samuel know "

" Siya lang meron ako,  Poly. Kaya wag mo na sanang sirain ang meron ako "

" I'm doing this for you,  Maxie. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ka. Just please leave that place"

" I hate you, Poly "  sigaw niya sa kabilang linya.

" Maxie "  pinatay na niya. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi na ito nagriring.

Nalulungkot ako dahil feeling ko.
Ako ang naging rason kung bakit siya nandun.

Kung hindi ko siguro siya iniwan. Baka siya pa rin yung taong kilala ko.

" Kilala mo si Maxine? "  tanong ni Joana. Narinig kaya niya lahat? " Tama pala ako.  May something talaga sainyo. Siya ba yung babaeng kinuwento mo sakin? "

Hindi ako sumagot. " Pwede mong ikwento sakin "

" Ano ba Joana. Hindi mo na kailangan malaman kung anong meron samin "  Pasigaw kong sabi. Nakita kong nalungkot siya.  " I'm sorry "

" Okay lang, wala naman akong karapatan na mangi-alam sa personal mong buhay. Nakikitira lang naman ako dito " 


Bumalik siya sa sala at nahiga sa sofa. Nagu-guilty ako. " Joana "

" Inaantok na ako,  Apollo. Matutulog na ako. Good night "  Nagtalukbong siya ng kumot. Hinayaan ko nalang muna siya. Bumalik na din ako sa kwarto.

Hindi ko na alam anong gagawin ko para umalis si maxie dun. Gusto kong tulungan siya. Gusto kong maging ma'ayos siya. Atleast man lang may magawa akong mabuti para sakaniya.

[ Joana ]

" Look, I'm sorry kung nasigawan kita Joana. Marami lang akong Iniisip. Kaya please wag ka ng mailang sakin " si Apollo. Kanina pa talaga awkward ang paligid. Hindi ko alam kung paano ako makikitungo sakaniya after nung nangyari kagabi. May pagkapakialamera kasi ako. Kainis!

" Sorry din "  Sabay kaming kumain. Pagkatapos ay naglinis ako ng bahay.

Itinapon ko yung basura sa may gilid ng bahay

" Oh look who's here. Ang Impaktitang bobitang magnanakaw. Ang kapal din ng mukha mong magpakita sakin pagkatapos mo akong pagnakawan " napaka Attention seeker talaga ng isang ito.

" Wala akong ninakaw at alam kong ikaw ang naglagay ng mga alahas na yun para mapa-alis ako "

" May katibayan ka ba ha? " Tinaasan niya ako ng kilay at mahina akong tinutulak. Ngiting ngiti ang bruhelda

" Joana,  may problema ba? "  tanong ni Apollo. Lumapit ito sa'min.

" Ikaw ba ang bagong amo ng Impaktitang bobita na ito? Kung ako sa'yo mag-ingat ingat ka may lahing klypto ang isang ' to. Sige ka baka paggising mo, wala na ang mga gamit mo "  kumulo nanaman ang dugo ko sakaniya. Itataas ko sana ang kanang kamay ko para sampalin siya pero pinigilan ako ni Apollo.

" Hindi ko po siya katulong dito. Kaibigan ko si Joana at hinding hindi niya siya magnanakaw. May mga tao talagang ubod ng sama ng ugali na kayang manakit ng iba "

" oh? ganun ba? hindi lang pala siya manananggal. isa rin pala siyang mangkukulam. mukang nabilog kaniya. mag-ingat ka nalang, ijo "  tatawang pumasok si bruhelda sa gate nila. nakakapang-init talaga siya ng dugo

" Wag mo ng aksayahin ang oras mo sa walang kwentang tao na yun " Pumasok na din kami sa loob. " Masama talaga ang ugali ng madrasta ni Samuel no? Buti natatagalan niya "

" Sinabi mo pa " sang-ayon ko sakaniya. Maldita talaga ang bruhelda na yun. Panira ng happy ending.


Nagpatuloy ako sa paglilinis ng bahay ni Apollo. " Magpahinga ka muna, Joana. Have some snacks "

Binigyan niya ako ng pizza and soft drinks.

" Thanks "

*** dingdong ***

Lumabas ako para pagbuksan kung sino man ang nasa labas.


Pagbukas ko ng gate, Isang lalaki nakatalikod at nakapamulsa.
Likod palang niya alam ko na kung sino siya.

Si prince Charming.

" Hindi mo man lang ba ako yayaing pumasok sa loob?" Tanong niya.

Ang gwapo niya talaga.

" Joana,  baka pasukan ng langaw ang bibig mo " nakakanganga na pala ako. Nahiya tuloy ako sakaniya. Ngumiti lang ito

" ah e. Pasok ka " yaya ko dito. Pumasok kami sa loob.

" Mangangamusta lang ako. Okay ka lang ba dito? " Tumango ako sakaniya. Tuwang tuwa ang puso ko ngayon. Gusto ko nanaman magtatalon sa sobrang kilig.

Biglang pumasok ang dalawang malalaking mama at tinutukan kami ng baril.

" Sumama ka samin kung ayaw mong masaktan "  sabi nung isa kay prince charming.

" Sino ba kayo?"

Nanginig ang buong kalamnan ko ng itutok nung lalaki ang baril niya sa sintido ni prince charming.

" Wag ka ng maraming tanong "  Pinilit nilang sinakay si prince charming sa sasakyan nila.

" Tulong!!!! "  sigaw ko nung maka-alis na yung van. Baka anong gawin nila kay prince charming.

Sino ba ang mga yun?

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon