Chapter 15. Ang api vow

5 3 0
                                    

[ Marieta ]

Hinding hindi ako hihingi ng tawad sa Impaktitang bobita na iyon.
Naiinis na talaga ako kay rodolfo. Mas pinapaburan ang Impaktitang bobita. Kailangan ko na talaga madaliin ang plano ko.

Mapapasaakin din ang kayamanin ni Rodolfo. Sino ba ang uunahin ko. Si rodolfo o ang anak niya?

Mas gusto ko unahin ang Impaktitang bobita. Kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko siya.

May kumakatok sa kwarto ko. Naka-alis na si rodolfo a. Binuksan ko ang pinto. Si mariella lang pala.

" Oh bakit nakakunot ang noo mo?  "  tanong niya. Naupo siya sa kama ko.

" Dahil sa Impaktitang bobita na yun. Nagkasabunutan kami kahapon at itong si rodolfo mas kinampihan ang babaeng yun "  nanggigigil ako habang sinasabi ko yun

Lumipat siya sa lalagyan ko ng mga make up at naglagay sa mukha
" Wag mo ng e stress ang sarili mo. Maaga ka lang tatanda "

" Nakakapang init talaga kasi ang babaeng yun. Ang tapang tapang. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko ng pinatapon ang babaing 'yun " lumingon siya sakin at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Alam ko na ang mga ngiting iyon. May plano siya. Nagmana talaga siya sakin

Lumapit siya sakin at binulong sakin ang plano niya. Napangiti ako sa mga narinig ko.

Humanda kang babae ka. Ipapatapon kita kung saan ka nararapat.

[ Samuel ]

Kakatapos lang ng practice namin sa basket ball. Kahit kasali ako sa Golden Warriors hindi ko pa din nakakalimutan ang e maintain ang grades.

" Samuel,  sama ka samin. Gimik tayo " yaya sakin ng kateam ko na si Nicko.

" Next time nalang Nicko "  tinapik niya ang balikat ko. Tumango lang ako.

Nagshower ako. Ano kaya ginagawa niya? Nagkasagutan nanaman ba sila ni tita?

Tsss!  Bakit mo ba siya iniisip Samuel?

Gusto ko ba siya? Napukpok ko ng malakas ang sarili ko. Mukang ako talaga ang kailangan magpatingin sa psychiatrist.

Si Maxine lang ang mahal ko. Iyan ang itatak mo sa utak mo sa kukuti mo Samuel

Pagkatapos ko maligo nilagay ko yung mga gamit ko sa locker ko.

" Sammy "  nilingon ko siya. Nagulat nalang ako nung bigla niya akong niyakap. Umiiyak siya.

" Max,  may problema ba?  " hindi siya sumagot. Umiiyak pa din siya habang yakap yakap ako. Hinayaan ko nalang siya.

Nang mahimasmasan siya, niyaya ko siyang maupo. " anong problema max?  "

" Wala na kami ni Alfred. Nahuli ko siyang nambabae Sammy " Yumakap siya ulit sakin.  " ang sakit-sakit pala, Sammy. Sana mapatawad mo ako "

" wala na yun sakin " Dati-rati kapag nakikita kong umiiyak si Max. Nagagalit ako. Susugurin ko ang mga lalaking nanakit o nambastos sakaniya pero bakit ngayon? Hindi na ako nagagalit?  Bakit bigla nawala yung galit ko din sakaniya? Nakamove on na ba ako?!

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon