Chapter 8. Another Maldita

5 2 0
                                    


Sabado ngayon, walang pasok si prince charming
Sarado ang pinto, sarado ang bintana niya.

Ano kaya ginagawa nun?
Nanunuod kaya ng B*ld?

Ayey masilip nga
naeexcite na kinikilig ako sa naiisip ko. maygash

Pumanhik na ako sa taas.
Bubuksan ko sana ng bahagya ang pinto kaso nakalock!!

Nu beyen may ginagawa ngang kababalaghan si prince charming ko
Nyahhh!!!
Dapat kasali ako!!!
boring magisa prince charming

" Hoy Pangit ka anong ginagawa mo jan? " sino pa ba naman ang sisita sakin kundi ang bruhelda

" Pakialam mo ba? Mind your own business " napaenglish tuloy ako. kakainis. bigla biglang susulpot para sirain ang mga moments ko

" Kaw ha! Nilalabanan mo talaga ako! Halika ka nga! "

" Ano ako uto oto? Cheeee!!!! "

" Arrrg!!! Susumbong kita kay rodolfo "

" E di e sumbong mo! "

bumaba ako para kunin kay manang rose 'yong susi ng kwarto ni prince charming ko. excited akong makita ano ginagawa niya

" Manang rose. Asan ang susi sa kwarto ni prince charming ? "

" Bakit mo kinukuha? Ayaw niyang magpaistorbo "

" bakit po manang rose? "

" Gumagawa siya ng kanta "

" Talaga?! Marunong siyang kumanta? Ayeeey gusto ko siyang marinig kumanta manang rose!!! " nagtatalon talon ako

" Bihira lang siyang kumanta "

" Ay sayang naman ang talento niya " nakakadismaya naman 'nun.

*** Ding dong ***

" joana, buksan mo ang gate "

Sinunod ko si manang rose
Binuksan ko ang gate at may nakatayong babae sa harapan ko.pulang pula sa suot na pulang damit . Pulang sapatos at pulang bag
At pulang pulang lipstick at pesngi

" Sino po sila? " tanong ko

Hindi ako sinagot. Umismid ito at saka nagpatuloy maglakad

Hinarang ko siya

" Sino ka at anong kelangan mo? "

Tinaasan niya ako ng kilay
" Ako si Maria Mercedes. Gets mo? kaya tumabi ka empakta ka!!! "

Hmmmp

I smell something fishy. Parehong pareho sila ng bruhelda.

" anong kaylangan mo? Bruha? "

" What did you call me? "

" Bruha ka! " pagkasabi ko non e sinampal niya ako.

Napahawak ako sa pesngi ko
Sasampalin ko sana siya e pero pinigilan ako ni Marieta! Ang bruhelda.

" Anong ginagawa mo sa pamangkin ko ha? " kaya pala. may pinagmanahan ang bruhang 'to

" Tanga ka ba ha? Sasampalin ko sana siya pero pinigilan mo ako. Boba naman nito " nagalit siya kaya sinabunutan ako

" Aray!!! bitawan mo nga ako! Bruhelda ka talaga " sinipa ko siya kaya nabitawan niya ako

Sinugod naman ako ni bruha pinagsasampal at nakisama na rin si bruhelda
" Aray ! Aray! Tama na! Aray aray!!! "

" ito pa! Palaban ka ha! Ito bagay sayo " sabi ni bruhelda. sabay sampal ulit sakin

" Aray! Aray!!! Nasasaktan ako !!! "
" Nasasaktan daw siya Mareilla wahaha "

" buti nga sakaniya mommy !!! "

" Mariella! Ang bibig mo!!!"

" ay ... tita pala "

hawak hawak ni mariella ang braso ko at hinarap kay bruhelda. pinagsasampal naman ako nito.

" Tama na po!!! " pagmamakaawa ko. ang sakit sakit na. mamaga na ata mukha ko.

" Tama na? Hindi kami titigil! Dapat alam mo kung saan ka lulugar!!! " sabi naman ni mariella.

Kinalmot kalmot nila ako

" TAMA NA!!!! PRINCE CHARMING TULONG!!!! " sigaw ko.

" prince charming ka pang nalalaman ha ito bagay sayo "
Pinagsasampal ulit ako marietta habang sabusabunot ni mariella ang buhok ko

" Hey! Stop that! What are you two doing? " sigaw ni prince charming. hinala niya ako at pinapunta sa likod niya

" Eh Samuel . Siya nauna na e. Sinabihan ba naman akong magnanakaw. " pumulupot siya sa braso ni Prince charming pero agad din inalis ni charming ang kamay ng bruhang 'yun

" hindi totoo yan!!! "

" So sasabihin mo sinungaling ako? " nagaktong nasaktan siya dun.

" sinungaling ka naman talaga "

" Sino ba tong impaktang 'to samuel? " Hindi sumagot si prince charming. hinila ako niya ako para pumasok.

Nakita kong nakatayo sina manang rose at lisa sa may pinto. mukang awang awa sila sakin. pinilit ko nalang ngitian sila

hila hila pa din ako ni prince charming at nagpunta kami sa kwarto niya. pinaupo niya ako sa kama niya at may hinahanap siya sa may drawer niya. lumapit siya sakin na may dalang maliit na box

yun pala lalagyan ng mga gamot. kumuha siya ng bulak at may nilagay na likido. pinahid niya ito sa may sugat ko. ARAY!

" wag kang gumalaw" pinagpatuloy niya ang panggagamot niya sakin at napakaseryoso siya sa ginagawa niya

Hindi ko lubos maisip na kaya palang gawin ito ni prince charming. kaya pala niya ipakita na nagaalala siya sakin.

Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? dahil ba' to sa mga sugat ko? tsk tsk

" Sa-salamat po" tanging sambit ko.

" ha? " napatigil siya sa paglalagay ng bandaid sakin at nagtagpo ang mga mata namin.

Feeling ko tumigil ang orasan sa pagikot, tumigil ang mundo sa paggalaw at pinagdamutan ako ng hangin. Hindi ako makahinga.

Binaba nito ang hawak hawak na band aid habang titig na titig pa din sakin. Bigla nalang hinaplos ang mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam.

" P-pri... " magsasalita sana ako pero nilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi ko para patahimikin ako.

Tumingin ulit siya sa aking mga mata at unti unti niya binaba ang tingin sa labi ko. Napangiti siya

Parang alam ko na ang mangyayari. Ngumiti din ako at dahan dahang pinikit ang aking mga mata.

Lord kayo na po ang bahala sakin. Isusuko ko na po ang bataan.





ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon