Chapter 14. Senyora is back

6 1 0
                                    


Dinala ako ng prince charming sa hospital. Ang kirot at hapdi ay nabasan dahil ni Prince Charming.

Kanina ko pa gustong magwala, sumigaw at magtatalon. Sobrang pula pula na ng mukha ko panigurado.
Paano ba naman kanina pa hawak hawak ni prince charming ang kamay ko.

" Tigilan mo nga 'yang pag ngiti mo ng ganyan. Nagmumuka kang manyakis " sabi ni prince charming. Natawa naman yung nurse na naglalagay ng benda sa braso ko

" Bawal na bang ngumiti? Masaya ako e " napatingin ako sa kamay namin. Agad namang binitawan ni prince charming yung kamay ko.

" Hintayin nalang kita sa labas " Tumayo na ito at lumabas ng kwarto. Hindi man lang ako hinayaang makapagsalita

" Ang gwapo naman ng kasama mo "  komento nung nurse na babae. Kinikilig pa siya ha

" Correction miss. Hindi kasama. Kundi asawa. Asawa ko siya " tiningnan niya ang kabuuwan ko. Anong problema ng babaeng to  " Hindi mo ba nakitang kanina pa niya hawak hawak ang kamay ko "

Hindi na nagsalita ang nurse. Natapos na din siya kaya agad kong hinanap si prince charming. Lumapit ako sakaniya nung nakita ko siyang nakaupo sa labas

" Prince Charming "  pagtawag ko sakaniya.

Tumayo ito nung makalapit ako sakaniya  " tara uwi na tayo "

" Bakit mo ako iniiwasan kanina?  " naglalakad na kami palabas ng gate ng hospital

" Ah hindi ah " tugon niya. Liar!  " Layuan mo muna si Tita hanggat hindi ka pa magaling. Baka ano pa magawa nun sayo. "

" Hindi naman ako natatakot dun. Kayang kaya ko siya " tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa mga mata ko

" Tingnan mo nga nangyari sayo. Yan ba yung kayang kaya? "

Nagaalala ba siya sakin? Omaygash. Dapat na ba akong magpakain sa sitio namin? Gusto na ba ako ng prince charming ko?

[ Senyora ]


Nandito ako ngayon sa isang abandunadong gusali. Hinihintay ang tauhan ko na si Melvin. Lagot talaga sakin yun. Ako pa talaga pinaghintay

" Senyora "  sa wakas dumating na din ang tanga na 'to. Lumapit ako sakaniya at pinagpupukpok ng dala kong pamaypay  " aray!!! nasasaktan po ako senyora "

" Aba dapat lang. Una sa lahat pinaghintay mo ako dito. Diba dapat ang boss ang huling darating "

Lumayo ito sakin. " Eh Senyora. Yung text mo kasi sakin alas nueve ng gabi. Tingna mo oh " pinakita niya sakin yung text ko sakaniya. Oo nga no? My bad.

" Kahit na!  Naiinis pa rin ako sa'yo dahil ang tatanga ng mga kinuha mong tauhan "

" Sorry po Senyora pero wag po kayong mag-alala naghire ulit ako ng mga tauhan. This time malalaki ang katawan "

Kinuha ko yung baril na nasa bag ko at tinutok sakaniya  " Siguraduhin mo lang dahil kung hindi kakalat ang dugo mo dito Melvin "

Nanginig siya sa takot kaya napahalakhak ako.

" wag po kayong mag-alala senyora. Malayo man siya at mahirap abutin pero ipanapangako ko sayo Senyora luluhod siya sa harapan mo " napahalakhak din siya. Dinaig pa ang boss sa paghalakhak pero hayaan niyo na pagbigyan niyo na siya

" Bravo bravo. Magaling, magaling "  pumalakpak ako. Nanlisik ang mga mata ko. Nakikinita ko na ang malamig niyang bangkay

Humanda ka na. Ngayon hindi kana makakatakas pa.

[ Joana ]

" Bakit mo ginawa iyon Marietta. Alam mo ng kakagaling niya lang sa hospital nakipag-away ka pa "  Pinagsasabihan ni Sir rodolfo ang bruhelda.

Lumapit si bruhelda sa asawa niya at pumulupot siya kay sir rodolfo  " Honey, Siya naman kasi ang may kasalanan. Ginalit niya ako kaya ayun hindi na ako nakapagtimpi. Bakit mo pa kasi siya tinanggap sa pamamahay na to. "

" Kahit na Marietta. Mas matanda ka sakaniya. I want you to apologize "

" Pero honey,  siya yung unang nangaway " tinanggal nito ang pagkakahawak kay sir rodolfo.

Sa sala sila nagtatalo. Kaya naririnig at nakikita ko sila.

" Joana,  anong ginagawa mo dyan?  " si Lisa. Napalingon samin sina bruhelda.

" Joana,  come here "  lumapit ako kay sir rodolfo. Pinandilatan namana ng ng bruhelda. " May sasabihin sayo ang asawa ko "

Lumapit sakin ang bruhelda at tinaasan ng kilay. Tsaka ito nag walk out  " Marietta " pagtawag sakaniya ni sir rodolfo pero nagtuloy-tuloy lang ito

~~*~~

Hapon na, pauwi na siguro si prince charming sa hospital.

***dingdong***

Baka siya na yun. Dali-dali kong tinakbo ang gate pero hindi si prince charming.

Biglang kumulo ang dugo ko ng makilala ko ang nasa harapan ko.

"  Hey! Tumabi ka nga " mahina niya akong tinulak. Pumasok ang bruha nung napaatras ako.  " Hindi mo talaga alam ang lugar mo impaktita no. Gusto mo bang ipaalala ko sayo kung saang lugar ka na dadapat "

Parehong pareho sila ng bruhelda parang hindi sila magtita. Bagay silang magnanay. Mga salot sa lipunan. Walang ginawa kundi manira ng mga happy moments.

Lumapit ako sakaniya at tiningnan siya sa mata.
" Masasayang lang ang oras ko pag pinatulan pa kita. "

Tinalakuran ko siya at naglakad palayo. Parang araw araw nalang mapapa-away ako.

" Maria,  bakit ba ang tagal tagal mo. Napakatanginot mo talaga "  ano daw maria?

Nagulat ako nung nilingon ko ulit si mariella. Kasama niya ang pinsan kong pinaglihi sa multong manika.

Buti naman at nakaligtas siya sa tito naming walang puso't kaluluwa. Ano kaya ang nangyari kina leonara at teresa?

Mas nagulat ako nung nginitian niya ako. Pag nakikita kasi ako niyan hindi maitimpla ang pagmumukha.

Bumait na ba siya? O dadagdag ba siya sa mga kaaway ko?

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon