Chapter 5. Kamalditahan ni Marieta

12 2 0
                                    

Hindi mawala wala sa isip ko ang ginawang kamalditahan sakin ni mangkukulam.

Gaganti ako ayaw kung tumulad kina cinderella na nagpapaapi. kaylangan lumaban ako!!!

Humanda ka sakin!!! Pero nanay siya ng prince charming ko. Ano gagawin ko baka hindi sila pumayag pag pakasalan na ako ng prince charming ko. Bahala na. Masyadong maldita e. Kelangan turuan ng leksion yun. May oras ka din. Buti nalang hindi sakaniya nagmana si prince charming.

" Joana!!! Aalis kami ni lisa mamalengke kami. kaw na bahala dito sa bahay at wag kang gagawa ng masama ha. Kunin mo na din mga damit ni senyorito at labhan ito ha. Naiintindihan mo? " pagpaalala ni manang rose. Yey' makakapasok ulit ako sa kwarto namin ni prince charming.

Pumanhik na din ako sa taas..

Kakatok na sana ako pero bumukas ang pinto
napakagwapo talaga niya at ang bango bango pa

Nakauniporme siya.
Papasok ata ng skwela. Matalino din siguro siya. Sige prince charming, magaral ka mabuti para sa future natin

" Hoy! Manananggal tumabi ka nga malalate na ako!!! " sigaw niya

Nakatayo pa din ako dun. Pinagmamasdan ko lang siya

" tabi nga!!! " hinawakan niya ako at tinabi

pumasok ako at hinanap ang labahan niya

Nakita ko ang basket na may mga damit!!!

Ano kayang amoy ng anu niya e..

Bastos mo talaga joana

E natutukso ako e at curious ako sa amoy. wala naman siya e. Kaya pwedeng pwede ko gawin at magiging asawa ko din naman siya pag nakatapos na siya ng pagaaral kaya walang mali dito.

okie lang siguro

Kinuha ko yung sarsensilyo niya na kulay puti.

Hawak hawak ko ito. Bakit ako kinakabahan? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gawin mo na joana

Niyakap ko muna ito at dahan dahan kong itinaas

" Hoy!!! Anung ginagawa mo sa brief ko!!! Manyak na manananggal !!! "

Eh yahhhh!!!!!! Namula ako ng subra subra para akong sasabog na bulkan e. inagaw niya yung hawak hawak ko.. tapos hinanap niya yung iba pang brief.. itinabi niya ito

" yan lang labhan mo!! Wag mong isali ito. Manyak!!! " tinago niya yung mga brief.. at may kinuha siyang gamit sa Cabinet niya

Isinubsob ko ang ulo ko sa mga damit nakakahiya.. pero ang bango ng mga damit niya ha

" Gusto ko ang ginawa mo kahapon!! Ipagpatuloy mo lang ang pangiinis kay Marieta !!! " pagkasabi niya nun lumabas na siya.

Sino si marieta? Ah si bruhelda ba? Ambantot ng pangalan

Diba mommy niya yun kasi asawa siya ng papa niya? Bakit siya natutuwa dun?

Bumaba na ako dala dala yung mga damit ni prince charming habang pababa inaamoy amoy ko ito ang bango bango talaga.

Kumuha ako ng sabon sa may cabinet

Saan ko nga ba to lalabhan?

Tinatanong pa ba yun,

E di sa sapa!!!

Lumabas ako at nakita kung naliligo si Marieta!! Bantot talaga ng pangalan parang utot lang hmmp

Nilapag ko na yung basket sa may gilid kumuha ako ng ilan at sinubsob ko sa sapa

Napansin naman ako ni Marieta ang bruhelda ng taon. Sarap kulamin pero for sure hindi tatalab sakaniya kasi mangkukulam siya

Napasigaw siya!!!!

Sana mapunit na yang bunganga mo!

Hindi ko siya pinansin!!! Sinabon ko yung damit at nagumpisa ng maglaba

" hoy!!! Pangit!!! Anong ginagawa mo? "Sigaw niya habang papalapit sakin. Salubong ang makakapal niyang kilay

" tanga kaba? Hindi mo ba nakikita? Naglalaba! Bobo!!! "

" ikaw ang bobo!!! Wala bang laman yang utak mo ha!!! " tinuro turo niya ang ulo ko. Kakainis ha! Tumayo ako!!!

" alam mo sumusubra kana ha. gusto mo putulin ko yang sungay mo ha!!! "

" Tanga!! Walang pinagaralan!!! Pangiit na nga. tanga pa!!! Tsk!!! Dun ka maglaba hindi dito!!! Boba!!! Pool to tanga !!! "

" Sapa to! Pinangalan niyo lang ng pool! Mas Boba ka!! " kala mo magaling ang puta!

" ikaw ang bobeta sating dalawa!!! Sang lupalop ka ba nanggaling ha!!! "

" sa setio kabalbalan. E ikaw ? Sa kailaliman ng lupa. Pinanganak kang demonyo!!! "

" Buti alam mo!! MANANANGGAL!!! " anu tawag niya sakin? Nagiinit na talaga ang ulo ko sa babaeng 'to

Si prince charming lang pwede tumawag sakin noh

" wag na wag mo akong tatawaging manananggal! wala kang karapatan!!! Si prince charming lang pwedeng tumawag sakin dun " Sigaw ko. Gigil na gigil na ako teh

Tinulak niya ako sa may sapa!!! At pinagtawanan.. Sumusubra na talaga siya

Ganun ha, hinawakan ko yung paa niya at hinila ito.

At nahulog din siya dito sa sapa

Sinabunutan niya ako. Ganun din ginawa ko.

Ang kaso ang gigpit na pagkakahawak niya sa buhok ko hindi kasi nasuklay e. Ang hirap naman kasi. Bakit kasi ako nagkaroon ng kulot na buhok

Isinubsob niya ako sa sapa.. hindi ako makahinga!!!

Malulunod na ako!!!

Tumigil siya at dali dali akong humahon!!!

Binawi ko yung hininga ko. Mamatay na ata ako

" okie ka lang ba? " si manang rose

" pagsabihan niyo yang pangit na yan!!! " umahon na din ang malditang iyon.

" opo maam " sagot ni manang rose tsaka tumingin sakin. Alalang alala.

" anu kasi ginawa mo? " tanong naman ni lisa. Hindi na ako nakapagsalita. Nagsilabasan na ang mga luha ko. Akala ko mamatay na talaga ako kanina

" buti nalang dumating kami kundi baka patay kana " itinayo ako ni manang rose

Humanda siya sakin!!! Hinding hindi ko siya mapapatawad!!!!

Gigil na gigil ako sakaniya!!!

ILUSYUNADATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon