#11.Goodbye Cassanova Me

9K 258 11
                                    

Sophie's Pov

"Waaaaah! Besty iiwan mo na ko?"sabay iyak niya."Hindi ko kaya!"lumuhod pa si Lacey at hinawakan ako sa kamay at mas lalong humagulgol ng iyak pang nalalaman.

Napailing naman ako sakanya at napatingin sa mga studyante na dumadaan na pinagtitinginan kami.

"Paano na 'yong pinagsamahan natin dito? Huh? Babalewalain mo lang ba yon?"she asked, sobbing.

Nang hindi na ko makatiis ay binatukan ko na siya.

"Aray naman besty!"napahawak siya sa ulo niya kung saan ko siya binatukan.

"Ewan ko sayo ang drama mo! Atsaka tumayo ka nga diyan?!"utos ko. Ngumiti siya tapos tumayo na at pinagpaggan iyong palda niya pati pisngi niya ay pinunasan din niya.

"Kung makapagsalita ka kala mo naman magaabroad ako. Lilipat lang ako ng ibang room."sabi ko.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Katatapos lang kasi ng P.E namin at nakuwento ko na rin sakanya na lilipat na ako sa room nila Calex.

She cried again."Hindi nga ba?"

Inis ko siyang binatukan ulit.

"Aray! Sophie, huh!"napakamot siya sa ulo."Nakakarami ka na!"nakasimangot na reklamo niya paano ba naman kasi napakachildish!

"Umayos ka nga, Lacey!"sinamaan ko siya ng tingin."Sa kabilang room lang ako lilipat okay!"dagdag ko.

"Hmm..."tumango siya."Okay. Pero seryoso as in goodbye cassanova ka na?"di makapaniwalang tanong niya saakin.

"Yeah. I guess so iyon kasi 'yong huli naming pag-uusap ni Calez. No flings, no secret affair at no boys in short goodbye cassanova me!"I grinned at her.

"Haay....o sige besty basta ako?suportado kita!"nakangiti niyang sabi. Then she sigh."Hindi na kita makakasama simula bukas. Kung magshopping kaya ta--"

"LACEY!"

Napatingin lahat ng tao sa cafeteria doon sa tumawag kay Lacey na si...Z ?

Kung hindi niyo pa alam. Si Z Salvador at si Lacey Mitelu ay in a relationship. ONE YEAR NA SILA. Akala ko nga hindi magwowork out ang relasyon nila lalo na at magkaiba sila ng personality. Si Z ang tahimik na kabaligtaran ni Lacey.

Pero doon ko na patunayan na kahit sino at ano ka pa pagdating sa pag-ibig hindi hadlang 'yan basta mahal niyo ang isa't isa. 'Yon ang Mahalaga.

"Waaah! Z sorry!"Lacey pouted. "Nakalimutan ko! Sorry!"napapakamot sa batok na paliwanag ni Lacey kay Z.

Let me guess nakalimutan nanaman siguro ni Lacey gumawa ng baon ni Z. Ewan ko ba kay Z mayaman naman sila pero gusto niyang ginagawan siya ng lunchbox ni Lacey. Sus! If I know isa yan sa mga damoves niya ang kaso mukhang hindi alam iyon ni Lacey.

Z just shooked his head."My mom wants to see you later may ibibigay daw siya."umupo siya sa tabi ni Lacey at nang bumaling sa gawi ko ay tinanguan ako.

"Huh ano daw, Z?"tanong ni Lacey.

"Aba ewan ko! Ako ba magbibigay? Si mama nga diba!"masungit na sagot ni Z sakanya.

"Sungit! Dapat hindi X-Deaoul ang pangalan ng gang niyo eh dapat Pms-ing Gang!"Lacey stuck out her tongue. Si Z naman ayon tinignan lang siya pero maya-maya hinila na siya paalis kaya naiwan akong mag-isa dito.

Sinalpak ko na lang sa tenga ko iyong earphones na dala-dala ko.

Nagpahinga ako saglit sa lamesa dahil napagod ako sa P.E namin kanina. At isa pa inaantok ako.

My Fiancé Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon