Sophie's Pov
Black Jeans, black T-shirt with a printed 'X' on it. And to complete the attire I'm wearing a black boots and black leather jacket.
Andito na kami sa battle arena as usual ang daming tao dito. They are all gangsters. Ito ang underground ng mga gangsters. Kaya wala kang ibang makikita dito kundi puro mga gangsters na tulad namin.
"And now! Lets welcome the two gang who will fight and entertain us for this night."anunsyo ng referee.
Agad naghiyawan ang mga tao sa paligid.
Tss.
Akala mo nasa movie lang kami o kaya wrestling lang ang peg?
We heard a bell!
Signal na iyon na umpisa na ang laban namin ng Strike Gang.
"X-Deaoul Gang Vs. Strike Gang."malakas na anunsyo ng referee kaya lalong nagkagulo at umingay ang paligid.
Nasa loob kami ng pa-box na ring na may mga rehas kaya hindi ka basta-basta makaalis kahit umayaw ka pa sa laban.
Magkakaharap kami at pawang nagpapalitan ng masasamang tinginan.
Strike Gang malakas sila at magaling ding makipaglaban at malakas pero hindi nila kami nahigitan.
"Hi Death!"nagwink saakin si Kyu ang leader nila.
"Still the same Kyu!"napapairap na komento ko.
"Boo!"Sigaw ni Eli ang kambal niya na tinawanan lang siya.
"Shut up! You are so noisy."iritadong saway ni Mat ang masungit sakanila.
"Simulan na natin to!"si Inowe.
"Oo nga! Naiinip na yung date ko!"Gerald chuckled.
"TSS!" Dino & Bryce.
6 vs. 7 ang labanan ngayon.
Grabe umuulan ng mga kamao dito sa rehas. Napailing-iling ako sa naisip at sinipa ang kalaban na kaharap ko. Teka! Hindi ito ang kalaban ko kanina ah? Nasan na iyon? Napalingon ako sa paligid at nakita kong binubugbog na ni Cedric ang kalaban ko kanina. Napailing na lang ako at tinuon na ang atensyon sa kalaban na nasa harap ko.
Halos ilang oras din nagtagal ang laban namin at sa huli kami pa rin ang nanalo..magaling din sila kaya naman nahirapan kami at tumagal ang laban. It was a good fight. Halos lahat kami may mga pasa pero hindi naman napuruhan. Sa kabilang banda ang Strike Gang ang napuruhan.
Paalis na sana kami ng hawakan ako ni Kyu. "Congrats! Ang galing mo pa rin, Sophie."malumanay niyang sabi at nginitian ako pero hindi ko siya nginitian pabalik.
"Yeah."I said coldly. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso at lumapit na ako sa gang ko na naghihintay saakin.
"Ano iyon?"tanong ni Ren.
"I thought you and Calex are in a serious relationship now?"tanong ni Luke.
"Woah! Old habits die hard, eh."sabi ni Cedric na nakangisi ngayon.
"Careful."paalala ni Z.
"What the hell is that, Sophie!?"tanong ni Calex saakin. Alam niyang may gusto saakin si Kyu at nilalandi-landi ako ng lalaki. Dati ay sinasakyan-sakyan ko pa minsan ang panlalandi saakin ni Kyu pero hindi na ngayon.
"Woah! Isa-isa lang mahina ang kalaban."I joked."Kalma lang kayo. He just congratulate me of our victory. At seryoso na nga ang relasyon namin ni Calex. Kyu tried to flirt with me but I didn't."paliwanag ko at sumakay na sa motor ko.
"Oh."iyon na lang ang nasabi ni Ren.
Si Calex naman ay hindi na kumibo.
"Nagugutom ako!"sabi ni Luke na nakasakay na rin sa motor niya.
"Madaling araw na. May bukas pa bang tindahan o kahit na convenient store na malapit dito?"tanong ni Cedric.
"Convenient Store?"patanong na sagot ni Ren."I think I saw one."
"Let's go there."sabi ni Z.
Sinimulan na namin paandarin iyong mga motor namin at nagkita-kita kami sa malapit na convenient store na sinasabi ni Ren.
Bumili kami ng pagkain tapos naisipan naming tumambay sa bar nila Z.
"Youre in Danger...
Youre in Danger....
Youre in Danger....."Swag yung kanta pero lahat kami kanya-kanyang upo at puwesto sa mga couch dito. Pagod kami at hindi naman masiyadong halata. Si Luke nakaub-ob sa armrest, si Ren nakapikit na ang mata at nakasandal sa backrest, si Z naman ayon may panyo ang mukha pero siguro natutulog iyon kaya tinakpan niya ang mukha niya. At si Cedric naman may mga babae agad na nakakandong sa hita niya at iyong isa naman hinihilot-hilot iyong likod niya.
Si Calex naman ay nakasandal saakin at mukhang nagpapahinga.
"Grabe pinagod nila tayo..."biglang sabi ni Luke at kinuha iyong mogu-mogu niya."Hindi na din sila masama."he added.
"Yeah. They are strong and--"
"Oh tama na Ren kadugo ng utak yang pagiging nerd mo eh!"nakahand gesture pa si Cedric na pinapatigil sa pagsasalita si Ren. Nang-aasar nanaman. Mukhang nakapagrecharge na.
"...and they can beat us in rank?"patanong na sinabi ko. "Kapag nagpabaya tayo."I remind them.
Ako mismo ang nakasaksi kung paano makipaglaban ang mga strike gang at masasabi ko na nagimproved sila. Mukhang talagang gusto nila kaming matalo. At lahat naman ng mga gang ay iyon din ang gustong mangyare.
"Sophie is right."pagsang-ayon ni Z saakin.
"Woah! Sumang-ayon siya oh..wooh first time!"pang-aasar ko.
"Tss."may kinuha siya sa jacket niya at pagkalabas niya nun nakita kong libro pala iyon?
-
Boring sa bar kaya napagdesisyunan na naming umuwi.
"Night!"Tamad kong sabi kay Calex.
Papasok na sana ako sa kwarto ko ng hilahin niya ako at halikan sa labi. Parang lahat ng pagod ko at antok ko biglang nawala. Bigla akong nainitan este Nabuhayan!
"Goodnight, Sophie."he whispered seductively.
I smiled and licked his earlobe before finally going inside my room.
Dahil sa sobrang pagod hindi na ako nakapagshower at nakatulog agad ako sa kama ko.
Hinubad ko lang ang suot kong leather jacket at nakatulog agad ako. We have school tomorrow. I have to wake up early. Shit! I forgot to set my alarm! Pero dahil antok na antok na talaga ako ay hindi na ako nag-abalang iset ang alarm clock ko. Bahala na bukas!
WAAAH!SORRRY!ANG LAME NG UD KO ALAM KO PO IYON KAYA PO SORRY!!!
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth
Novela JuvenilPaano kung hindi ka pa pinapanganak sa mundong ibabaw ay may fiancee ka na agad? May Itinakda na agad na tao para sa iyo na pang habang buhay mong makakasama. Calex and Sophie happens to be in trouble the first time they learn that they are engaged...