Sophie's Pov
Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Antok na antok ako pero idinilat ko pa rin ang mga mata ko at bahagyang ngumiti ng marinig ko ang pag-iyak ng isang sanggol.
"Mommy is already awake baby." Nakita ko si Calex na karga-karga ang anak namin.
Maya-maya pa ay lumapit sila saakin at itinabi saakin ang baby namin.
"Its a boy." Masayang sabi ni Calex saakin at hinalikan ako sa labi.
After ng panganganak ko sa baby namin ay nawalan ako ng malay dala siguro ng sobrang pagod pero nawala ang lahat ng iyon ng masulyapan ko ang baby namin.
Kamukhang-kamukha ni Calex.
"Ang lakas ng dugo mo."I almost pouted ng sabihin ko yon.
He just laughed at naupo sa gilid ng kama ko.
"Fujhiwara eh." Naiiling niyang sabi saakin.
"Dont worry sa susunod baby girl naman." He winked. Napailing na lang ako.
"Hahaha. Basta ba ikaw ang manganganak eh." Sabi ko sakanya.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo pagkatapos ay hinalikan niya din sa noo ang baby namin.
"Thank you." He cried.
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon at alam kong ganun din si Calex.
"Thank you for giving me a perfect family."
Tumango lang ako.
"Lalaki at babae. Okay na ko sa dalawang anak." He chuckled.
"Kahit kailan pasaway ka talaga!"
*Knock*
"Ah. Maam,Sir ano pong pangalan ang ibibigay niyo sa baby?" Tanong ng nurse na kakapasok lang sa kwarto ko.
Nagkatinginan kami ni Calex. 1 month before lumabas si Baby may naisip na kaming pangalan.
"Cyan Auden" Sagot ni Calex. Abot tenga ang ngiti ni Calex habang nakatingin samin ng anak niya."Cyan Auden K. Fujhiwara."
Expected na namin 'to nung nagpaultrousound kami. Alam na naming lalaki ang magiging anak namin.
Tumango yung nurse at ngumiti."Ok po Maam,Sir. Ang ganda po ng pangalan. Maiwan ko po muna kayo." Pagkasabi nito ay lumabas na ito.
"I'll promise that I'll be a good father and a husband for the two of you." Sabi ni Calex at mugto na ang mata.
"Kakayanin natin." Sabi ko dito.
Hindi ko alam kung anong mangyayare paglaki ni Calex. Pero one thing is for sure I won't let my son get in danger. We will protect him. Alam kong may posibilidad na siya din ang maging tagapagmana balang araw ng FK MAFIA. But as long as we are here in this world no one can harm him.
Alam kong magulo ang mundo namin. Alam kong hindi natatapos ang lahat kay Xzanz. Alam kong mahirap maging isang Kizume at Fujhiwara. Alam kong may darating pang pagsubok saamin pero lahat iyon kakayanin namin at lalampasan namin ng magkasama.
Tinignan ko si Calex na nilalaro ang anak namin.
Ano pa ba ang hihilingin ko?
Wala na. Kontento na ko sa kung anong meron ako.
"SOPHIEEEEEEE!!!"
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad saakin si Lacey na mukhang kinaladkad si Z. Buntis na rin si Lacey at 1month na lang ay manganaganak na siya. Si Chelle at Ren na magkahawak ang kamay at nakangiti saamin engaged na sila. Si Luke na nakaakbay kay Sela kasal na sila at 7months pregnant na ito. Si Cedric na nakaback hug kay Nica na buntis din.
BINABASA MO ANG
My Fiancé Since Birth
Teen FictionPaano kung hindi ka pa pinapanganak sa mundong ibabaw ay may fiancee ka na agad? May Itinakda na agad na tao para sa iyo na pang habang buhay mong makakasama. Calex and Sophie happens to be in trouble the first time they learn that they are engaged...