Kabanata 31

2.6K 29 2
                                    

Kabanataba 31

Mayor's son



Naging ganon ang buhay ko sa walong taon kung paninirahan dito. I was so glad when I finally graduated. Hindi ko man matupad ang pangarap kong maging doctor meron naman magagandang nangyari sa buhay ko kahit papano.

I work where Doc, Samuel work tinulungan niya akong maka pasok sa hospital. I sometimes go with him when there's a medical mission somewhere in this province. Ako ang nagiging assistant nurse niya.

Ako ang nagbabantay sa mga bata pah umaga dahil nasa farm si ate Diana then I would work at six pm in the hospital until five. Hindi maman ako nagiisa sa pag bantay ng mga bata kumuha din si ate ng baby sitter pero mas mapanatag ang loob niya pag nandoon ako.

Nahinto ako sa pag bilang ng gamot ng siniko ako ni Gabie. Nginuso niya ang elevator at nakita ko doon si Eitan. The mayor's son. Nag iwas ako ng tingin at binuhos ulit ang gamot sa lalagyan nito at binilang ko ulit.

"Hi."Aniya.

Pinatong niya ang dalawang kamay sa counter at sumandal doon.

Hindi ko ito pinansin at nanatiling nag bibilang.

Tumikhim si Sadie.

"Hi, Eitan...may kamag anak kang binibisita?"

"Hindi may niligawan ako. "

Sinirado ko ang bote at tumalikod sa kanila. Kinuha ko ang aking chart book at umalis sa station at nag tungo sa room three five nine. Binuksan ko ito agad umayos ng upo ang mga bantay. Nilapitan ko ang IV ng pasente at chineck ito.

Nagulat ako sa aking pag labas namataan ko si Eitan sa gilid ng pinto naka sandig ito. Umayos siya ng tayo ng makita akong lumabas.

"Kaylan ang out mo?" Tanong niya.

"Seven..." I lied.

"I want to take you out for lunch. Is it okay?"

"I'm busy..."

"Of what?"

"Babysitting."

Hindi ko hinintay ang sasabihin niya at pumasok ulit sa kwarto ng pasyente. Lumabas ako at nandoon parin siya.

"Ihahatid nalang kita mamaya pag out mo?"

"May susundo na sa akin."

"Sino?"

Nag kibit balikat lang ako at nag madaling bumalik sa nursing station. Nakita ko ang pag hikab ni Sadie at nangalumbaba. Umayos siya bg tayo ng makita kami. Sakto ang pag bukas ng elevator nag pakita di Zandjo at Marco ay dala dalang supot.

Nilapag nila ito sa counter.

"Malapit na break niyo hindi ba?" Ani ni Zandjo.

"Oo ang timing niyo talaga!" Ani ni Sadie. "Nag papasikat lang talag si Marco e." Kantyaw ni Sadie.

Humalaklak si Zandjo. "Sinabi mo pa!"

Tumikhim si Eitan sa kung saan at nabaling ang atensyon nila sa kanya.

Tumango lamang ang mga kaibigan ko sa kanya.

"Aalis na ako..."Aniya ang tingin nasa akin.

Hindi ko siya kinibo at tinignan nalamang ang mga binili nila Marco.

"Bye Eitan..." Ani ni Sadie.

Ng maka alis na si Eitan agad akong sinamangotan ni Sadie.

"Sige go, Gabie career mo ang pagiging snob doon. Nako sarap kutusin ang kapal ng mukha mag pakita sayo matapos ng ginawa niya?" Aniya.

Deceiving Mistake (Salvador Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon