Kabanata 14

747 13 0
                                    

Kabanata 14

Jealousy

Nagulat ako ng maamoy ko ang isang pamilyar na pabango sa aking tabi. Nilingon ko ito at nakita si Thorn sa aking tabi.

Naging mag ka block mate kami sa isang subject and for the half-year ngayon lang siya umopo sa aking tabi at ngumiti. Naninibago nga ako.

"Have you done the activity?" Tanong nito.

Tumango ako. "Oo... Ikaw natapos mo na?"

Tumango rin siya.

"Pinabibigay ni kuya."

Nilapag niya ang isang Hershey chocolate sa aking harapan. Nabaling ang aking atensyon doon. Kinuha ko ito at nilingon si Thorn.

"Tell, Enzo thanks..."

"Tell him yourself..." Aniya mahinahon at nasa cellphone na ang atensyon.

Ngumuso ako at kinuha ang aking phone at nag simula ng  mag tipa ng mensahe para sa kanya.

Galina

Thank you. I just got the chocolate.

Enzo

What chocolate?

Kumunot ang aking noo.

Galina

yung pinabigay mo kay Thorn.

It took him a minute to reply and his name flash on my screen. He was calling, two rings I accepted his call.

"Hello?"

"What chocolate? Kasama mo siya? Nasaan kayo? Binigay niya? "

"Nasa room kami." Nilingon ko si Thorn malaki ang ngisi sa labi. "Pinabibigay mo raw..."

When Thorn chuckled I finally get why Enzo was being hysterical on the other line.

"Katabi mo siya? Siya ba ang tumatawa?...that asshole!" Galit na aniya sa huling salita. " How many meters  away are you from him? Is he too close?"

"No... I call you back..."

Pinatay ko agad ang tawag at binalingan si Thorn. Pinangliitan ko ito ng mata. His wide grin made my assumption right. I was about to say something when our prof came in.

"Grab your seat!"

Everyone settled down.

"I'll give you a task. Do a research paper by pair. Serve this as a practice for your Thesis on your second year."aniya.

"Salvador and Higuera will be paired for this research, I'll expect a lot from you two!... Submit your title to me before dismissal."

Umurong si Thorn palapit sa akin. Tumikhim ako at umurong ng konti. Nakita ko ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Napairap ako.

"My house this afternoon?"

Nilingon ko siya.

"Hmm..."

"Ako ang susundo sayo o si Kuya?"

Nagkibit balikat ako. Of course, he knows the answer to his questions. Not in a million years will Enzo let his younger brother near me even upon a tight space with him.

We discussed our title. Hinayaan ko siya mag desisyon sa gagawin namin. I let him lead at nag lagay lang ako ng details sa kanyang  suggestion. Matapos ng klase nag si labasan na kami at nag tungo ako sa biochem class ko.

Nasa bench ako ng field habang hinihintay si Enzo.

Nagulat ako ng biglang may humalik sa aking pisngi.

Deceiving Mistake (Salvador Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon