69.

231 2 0
                                    

FLASHBACK

INT. SU CHAPEL – EVENING

Parang wala sa sarili si Ethan habang naglalakad sa loob ng university. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Simone. lang beses na niya itong nakita na nabasag at umiyak sa harap niya dahil sa problema nito sa pamilya pero ngayon lang ito nawala. Ngayon lang ito tumakas sa mundo kaya wala siyang pakialam kahit umuulan at basa siya, ang gusto niya lang ay mahanap si Simone.

Kilala niya ito. Sa loob ng ilang taong pinagsamahan nila, palagi nitong sinusubukang kayanin mag-isa ang mga problema niya. Magsasabi lang si Simone sa kanya kapag punung-puno na o kapag siya mismo ang nakaalam at hindi na nito maitanggi. Pero hanggang kaya niyang solohin, alam niyang sasarilinin nito ang mga problema na dinadala.

Sobra siyang nag-a-alala rito. Sigurado siyang mag-isa ito ngayon at umijyak na ayaw niyang maramdaman nito. Ayaw niya na kinakaya ni Simone lahat dahil gusto niyang hatian ito sa dinadala. Kahit kaunti, kahit para lang makatulong siya na makapagpahinga
ito.

SIMONE
Ethan!

Lumingon si Ethan sa chapel ng university nila kung saan niya nakita si Simone na nakaupo sa ikalawang baitang ng hagdan patungo sa entrance. Sarado na ang chapel at ang kasama lang nito ay ang isang security guard na nakabantay sa simbahan. Basang-basa man siya at nanlalabo ang paningin dahil sa ulan pero alam niyang si Simone 'yon.

Tumakbo siya palapit dito nang tumayo ito at mabilis niyang niyakap. Hindi niya alam kung napansin ng dalaga pero sigurado siyang ang tubig na umaagos mula sa mga mata niya ay hindi ulan. Alam niya dahil naramdaman niya ang pag-agos ng mga ito nang mapansin niya ang mugtong mata ni Simone. Ang pagod nitong hitsura.

ETHAN
Kung gusto mong tumalikod sa mundo, sabihan mo ako! Para kapag handa ka nang magpahanap, alam ko! Hindi 'yong magtatago ka pati sa akin!

SIMONE
I'm sorry.

Kumalas si Ethan sa yakap nang makita niyang nababasa na rin si Simone ng ulan. Wirdong nakatingin ang security guard kaya inaya niya si Simone na bumalik sa apartment at magbihis para hindi ito magkasakit. Ayaw naman nitong pumayag kaya naupo sila sa steel bench na may kaunting silong. Umiyak pa rin siya nang maupo sila at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Simone. Natatakot siya na kapag hindi niya ito hawak, baka mawala na naman ito.

SIMONE
Stop crying.

Pinunasan ni Simone ang pisngi niya nang humarap ito sa kanya. Nakangiti ito pero malungkot ang mga mata. Nang bumaba ang tingin nito sa mga paa niya, tsaka lang niya ito narinig tumawa.

SIMONE
Magkaibang pair 'yung suot mo na tsinelas.

Yumuko siya para tignan ang itinuturo nito at imibis na makitawa rito, lalo lang siyang umiyak. Muli niya itong niyakap pero mas mahigpit ito. Iyak lang siya nang iyak sa balikat ng dalaga.

SIMONE
'Wag kana umiyak. Okay lang ako. Hindi lang kita nasabihan kasi naiwan ko 'yong phone ko no'ng ibinalik ko 'yung gamit ko sa apartment.

Muli siyang nginitian nito para ipakita na wala siyang dapat ipag-alala. Iniharap nito ang mukha niya at marahang pinunasan ang pisngi niya. Malungkot pa rin ang mga mata nito habang nananatili ang ngiti sa mga labi.

SIMONE
Tama na.

Pinigilan niya ang kamay ni Simone na nasa pisngi niya para ibaba ito.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon