103.

117 2 0
                                    

abo-gwapos ⚖️
Active Now

MON 9:11 PM

Benjamin Tuviera
Hoy, sorry! Late lang ako pero punta ako.

Benjamin Tuviera
Ano nangyari kay Ethan?

Paxton Lim
Ngalngal.

Paxton Lim
Nagmatapang sa tweet tapos umiyak dito sa bahay.

Paxton Lim
Napakaiyakin talaga ng tangang 'to.

Benjamin Tuviera
Ano na ginagawa?

Paxton Lim
Kumakanta sa karaoke dito sa garden. Hawak niya isang bote ng Black Label habang naka-barong pa rin. Padampot ko mamaya sa pulis.

Benjamin Tuviera
HAHAHA VIDEO MO NGA

Benjamin Tuviera
PA-SEND

Ethan Paras
Hindi pa ako lasing.

Paxton Lim
Maawa ka naman kay Luther Vandross.

Benjamin Tuviera
Ba't ka kasi nagmamatapang? Sabi mo pa, kahit hindi siya bumalik sa'yo basta okay siya, ayos lang. Tapos iiyak ka d'yan?

Paxton Lim
Kawawa naman ako, na-LSS na ako sa I'd Rather. Pakiramdam ko may pinagdadaanan din ako. 🙂

Benjamin Tuviera
Alam mo gago, kung ayaw na ni Simone, tama na 'yan.

Ethan Paras
Tang ina! Mag-te-trenta na ako tapos ngayon niyo pa ako paaatrasin!

Paxton Lim
Gusto mong tumandang binata?

Ethan Paras
Mainam pa nga! Kaysa tumanda nang walang Simone.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon