Mama
1:44 pm
Mama, Sienna told me about what happened with Tita Annie. Okay ka lang?1:45 pm
I'm okay, anak. 🙂1:47 pm
Uwi ka? Para maipaghanda kita ng paborito mo.1:49 pm
Ma, ang busy pa eh. Try ko po sa weekend.1:50 pm
Ipapa-ban ko na lang sa guard d'yan sa village sina Tita Annie.1:54 pm
Okay na, anak. Sinabihan ko na 'yung guard kanina.1:55 pm
Gusto mo bang puntahan ka ni Mama sa condo mo? Ipagluto kita o linis. Para mapahinga ka.1:57 pm
Mama, okay lang po ako. 🙂1:59 pm
Anak, sorry ha?2:00 pm
Saan, Mama?2:01 pm
No'ng nakaraan ba? Wala na 'yon, Ma. Sorry rin nagalit ako. Pagod lang.2:02 pm
Sa lahat. Sa mga pagkukulang ko sa'yo.2:03 pm
Sorry na napabayaan ka ni Mama noon. Na sa'yo ko ipinasalo 'yung naiwan ni Papa. Sa inyo ni Sienna. Sorry kung sa'yo kumuha ng tapang si Mama kaya ka naubos. Na hindi ko naprotektahan 'yung pangarap mo.2:04 pm
Mama, it's okay.2:05 pm
Sorry rin.2:06 pm
I'm sorry for not remember the good things that you've done for me and my siblings.2:07 pm
Sorry na nakalimot ako na ikaw ang palaging unang nagigising para maghanda ng breakfast. Para sa uniform namin. Para ihanda kami sa school. Para mag-asikaso sa bahay.2:09 pm
Sorry nakalimot ako na gigising na lang kami noon at maliligo tapos nakahanda na lahat ng kailangan namin kasi inayos mo na. Sorry nakalimutan ko na ikaw bumili ng una kong uniform sa law school. Sorry nakalimutan ko na hinihintay mo ako lagi kapag sinasabi ko sa'yong uuwi ako kahit late na. Sorry nakalimutan ko na laging paborito ko 'yung niluluto mo kapag among dadating ako.2:10 pm
Sorry nakalimutan ko na inubos mo muna 'yong sarili mo bago ka nagpatulong sa amin ni Sienna.2:11 pm
Naiintindihan ko na ang hirap noon. Lima kami tapos naiwan ka ni Papa.2:13 pm
I'm sorry, Mama. I may not always be a good daughter but I love you and our family. So it's okay, we are okay. I promise.2:14 pm
But you are a good daughter, Simone. Kinaya ko kasi nand'yan ka. And you will always be my panganay, my brave Ate, my Attorney.2:15 pm
At alam ko na kaya mo. Noon pa. Pero sana hayaan mo rin si Mama na tulungan ka. Kahit sa mga simpleng bagay lang.2:16 pm
At sana, umuwi ka na. Okay na 'yung buhay natin, anak. Hindi natin kailangan ng sobra katulad noon. 'Wag mo nang ubusin ang sarili mo.2:18 pm
Yes, Mama. Thank you. ❤️2:20 pm
I'm proud of you, Simone. Mama will always be proud of you. ❤️
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomanceEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.