Dade Judge
2:00 pm
Dad
2:01 pm
Hindi ako pwedeng mag-golf sa Sunday, magkakasakit ako.
2:02 pm
Gusto mong may lumipad na golf club sa'yo kapag nagkita tayo sa sala ko?
2:03 pm
Hala si Judge mainitin ang ulo. 😂
2:04 pm
Ano na naman ang lakad mo?
2:05 pm
Dade, okay na kami ni Simone. 'Di pa kami ulit kaya 'wag kag humingi ng apo muna. Basta okay kami, 'yon na muna.
2:06 pm
Invited ako sa dinner sa bahay nila. 😝
2:07 pm
Kaya naman pala nag-schedule ka ng sakit!
2:08 pm
Nakapangako na ako sa mga panyero ko. Pero bibilisan na lang natin mag-golf.
2:09 pm
Gaano kabilis?
2:10 pm
Atat?
2:11 pm
Naghintay ng apat na taon, nagmamadali sa dinner? 'Di ka ba namin pinapakain?
2:12 pm
Si dade naman parang ano. 😞
2:13 pm
Nagbibiro lang ako. Sasama ako sa golf. Gusto mo kahit hanggang madaling araw tayo maglaro.
2:14 pm
Sigurado ka?
2:15 pm
Paabutin ko talaga nang madaling araw para 'di ka umabot sa dinner.
2:16 pm
Dad naman! Ikaw pa talaga hahadlang
2:17 pm
Hindi nga! Kaya mabilis lang tayo. Pagbigyan lang natin ang mga panyero ko.
2:18 pm
Sure, dad. Sunduin kita sa bahay.
2:19 pm
Ba't parang masama ang loob mo?
2:20 pm
Hindi nga, dad. Miss na miss kita, nakalimutan kong magkakasakit ako. 😅
2:21 pm
Good. Kumusta mo ako kay Simone ha?
2:22 pm
Isama mo rin sa bahay. Sabihan ko si mommy mo.
2:23 pm
Sige, dad. Kapag pwede siya.
2:24 pm
See you. Make sure to at least score a birdie! Baka walang pumasok sa Sunday, mapapahiya tayo sa mga panyeros mo n'yan. 😂
2:25 pm
Birdie ka d'yan! 'Yang birdie mo ang hindi makakalma!
2:26 pm
Your honor, ang bastos. 🙊
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
RomanceEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.
