EXT. CEMETERY - AFTERNOON
Lumakad si Ethan kasunod ang staff niyang si Kurt sa loob ng isang pribadong sementeryo. Malaki ang pinagkaiba ng himlayan ng mga namayapa rito sa probinsya nina Simone kumpara sa Maynila na ang karamihan ay nasa damuhan ang lapida. Dito sa Bulacan, may kanya-kanyang lote o musuleo ang sementadong puntod ng mga namayapa.
Kabisado na niya ang lugar na ito dahil apat na taon siyang nagpabalik-balik dito. Hindi sila nagtatagpo ni Simone dahil alam niyang tuwing Sabado o Linggo ito dumadalaw noon, at gusto niyang irespeto ang sariling oras nito sa ama.
KURT
Prosec, tatay ni Attorney Simone?Tumango si Ethan pagkatapos niyang ibaba ang basket ng mga puti at dilaw na chrysanthemum na dala niya. Tinulungan siya ni Kurt na ayusin ang mga puting kandila sa ibaba ng puntod at isa-isa nila itong sinindihan.
Nanatiling nakatayo si Ethan sa harap ng puntod at binigyan siya ng espasyo ni Kurt habang inaabala nito ang sarili sa pagtingin ng ibang puntod na kahilera ng sa ama ni Simone.
ETHAN
Good afternoon, Tito.Madalas kausapin ni Ethan ang papa ni Simone kahit alam niyang wala namang sasagot sa kanya. Naalala niya noong una siyang bumalik dito pagkatapos nilang maghiwalay ni Simone. Dito siya umiyak nang umiyak habang inaalala na rito rin niya huling nakita ang personipikasyon ng puso niya.
ETHAN
Sabi ko sa'yo, abogada na si Simone. Nakuwento ko po sa'yo no'ng pumasa siya, 'di ba? Nandito po ako habang hinihintay ko ang resulta. Pero sasagutin ko lang po ulit ang tanong mo sa sulat.ETHAN
Your Simone is a lawyer now, Tito. A brilliant one. And she takes pro bono cases. She's paying it forward.ETHAN
Tapos, dalawang kaso ang magkasama kami. Kalaban ko po siya ro'n sa isa pero okay na, nakipag-settle na po. Babayaran ko po sana ang damages pero si Simone, she settled it on her own. Do'n naman po sa isa, kamag-anak niyo po ang kalaban namin ni Simone. Ongoing po. May complaint din po siya kay Tita Annie.ETHAN
Marami pong inilalaban si Simone ngayon. Noon din naman po pero tama ka, Tito. She just needs time because she can, and she did. She's now flying to great places and doing great things.Napangiti si Ethan nang maalala niya ang laman ng sulat bago siya nagpatuloy.
ETHAN
Alam mo, Tito... maldita pa rin si Simone. Hinugutan ko na ng mga batas pero gusto niya, trabaho lang. Tsaka magastos pa rin. Bumili po siya ng bahay sa Manila. Nag-pa-pa-aral na rin po siya. Pero para sa pamilya niyo naman po lahat'yon. Tapos high maintenance pa rin siya at maraming gustong gawin. Marami pa ring responsibilidad. But I don't mind, Tito. I still don't because I like maintaining your daughter.Lumapit si Ethan sa puntod at hinawakan ang litrato ng ama ni Simone. Bahagya siyang bumaba para maging kapantay ito.
ETHAN
Dati, hindi ko alam kung may hinihintay ako kaya no'ng naging abogado si Simone, gustung-gusto kong maging opposing counsel sa mga kaso na hahawakan niya. Tapos noong naging prosecutor po ako, lagi ko pong ipinagdarasal na sana, may complaint siya na sa akin mapunta. Gusto ko po sanang magpapansin. Gusto ko po sanang makita niya kung ano ang sinayang at iniwan niya.ETHAN
Akala ko, magagalit ako sa kanya. Akala ko, matitiis ko. Akala ko, susumbatan ko siya. Bakit ang tagal mo? Bakit hindi ka bumalik? Ang dami kong tanong, Tito. Pero no'ng nakita ko ulit siya sa preliminary investigation... naisip ko lang, mahal ko pa rin siya. Kaya ako naghintay. Kaya ako pumupunta sa bahay niyo para mangumusta. Kaya ako bumabalik dito. Dahil naghihintay pa rin po ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
Любовные романыEx. Former lover. Past. Hindi na dapat binabalikan. That's how Simone defines Ethan, her batchmate in law school and unfortunately, her ex--who is now a prosecutor and her newfound headache as a lawyer. Or maybe, heartache.